9

279 11 0
                                    

Hi! May nagbabasa pa ba?



--------


Nagtatatalon kami sa tuwa ng manalo ang grupo namin sa sack race. Binati rin kami ng mga nakalaban na grupo. Napadaing ako ng maramdaman ang hapdi sa tuhod ko. Habang lumulundag kasi kami kanina ay napatid ako kaya napaluhod ako.

"Are you okay?" Sabi ni John pagkaupo namin.

"Oo, okay lang."

"Let me see." Nagulat ako ng kinuha nya ang kanang tuhod ko at pinatong sa binti nya.

Babawiin ko sana ang binti ko pero tinignan nya ako ng masama, sumimangot na lang ako.

"Dapat kasi hindi ka nalang nagshort." Sermon nito. Kumuha sya ng wet tissue sa bag na dala namin at dahan-dahan na pinunasan ang tuhod ko.

Dahil nasa loob naman ng sako ay hindi nasagutan ang tuhod ko kaso namumula at mukhang magkakapasa.

"Sobrang sakit ba? Gusto mong pumunta sa hospital?" Napalingon ako sa kanya. Nakakunot na ang noo nya at seryoso.

"H-Hindi na. Kaya ko naman, wala lang 'to." Binawi ko na sa kanya ang binti ko. "Salamat." Hindi ko na sya nilingon pa noong tumayo sya at lumapit sa bodyguard nya. Ewan ko ba, pero bigla akong nailang sa kanya.

"Mommy, daddy, and baby! We'll start our second game. Be ready!"

Pumwesto na kami sa kalapit ng kateam namin kaya nagtatakbo na si John papalapit sa amin.

"Mga Mommy at Daddy muna ang maglalaro and it will be three leg race!" Pinaliwanag sa amin ang laro. Kailangan itali ang kaliwang paa ng babae sa kanang paa ng lalaki bago tatakbo.

Napapikit ako ng marealize ang kailangan naming gawin. Parang gusto kong tanungin ang teacher nila kung nananadya ba o hindi. As usual, kami na naman ni John ang una dahil kami daw ang bata pa.

"Go Mommy! Go Daddy!" Narinig kong sigaw ni Josh. Si John ang umupo para maitali ang bandang taas ng ankle namin.

"Are you sure you can do this?" Tanong na naman nito.

"Kaya ko nga." Medyo iritableng sagot ko. Napaangat sya ng tingin sa akin.

"Are you mad?" Tumayo na 'to at halos mabali ang leeg ko dahil mas tumangkad sya ngayong magkalapit kami.

"N-No." Yumuko na lang ako.

"Good." He patted my head. Ginawa pa akong bata.

"Ready na ba mga Mommy and Daddy?" Muling sigaw ng teacher.

"Be ready." Bulong ni John at agad na pinulupot ang kanang braso paikot sa baywang ko. Nahigit ko ang hininga ko.

"O-Oo." Yun na lang ang nasagot ko.

"What are you doing?" Biglang lingon nya sa akin. Napatanga naman ako ng kinuha nya ang kaliwang kamay ko at nilagay sa baywang nya. "Hold tight. Una nating ihahakbang ang paa nating nakatali. Okay?"

Sunod-sunod ang pagtango ko. I can see fire in his eyes, kitang-kita ang kagustuhan nya na manalo. Pagkasigaw ng teacher na go ay iniangat na ni John ang paa naming nakatali, sinunod ko sya.

"Be careful!" Sigaw ni John kasabay ng pagce-cheer ng kakampi namin.

Hirap na hirap akong sabayan ang hakbang nya dahil ang lalaki. "Dahan-dahan!" Napasigaw ako.

"Do you want me to carry you?"

Tinignan ko sya ng masama. "Hindi pwede!"

"Race nga diba? Tapos gusto mo dahan-dahan?" Sarkastikong tanong nito. Lalong nag-init ang ulo.

"I hate you." Bulong ko at sinigurado ko na ako lang ang makakarinig.

Habang lakad takbo ay sobrang dikit na ng katawan namin pero hindi ko na inintindi pa yun, ang gusto ko na lang ay matapos kaaagad dahil pagod na ako at mahigpit na rin ang tali sa paa ko.

Nang sa wakas ay dumating na kami sa kakampi ay hinila ko si John para makaupo sa malapit na bench. Sumunod sa amin si Josh na may dalang bottled water at inabot nito sa Daddy nya.

"Ang bilis nyo po!" Tuwang-tuwa ko sa ginawa namin.

"Salamat baby, nasaan ang tubig ni Mommy?" Nilahad ko sa kanya ang kamay ko.

"Wala na 'my, share na lang kayo dyan ni daddy!" Sagot nito at nagtatakbo na papunta sa mga kaklase.

Napalingon ako kay John at para itong modelo na dahan-dahan uminom ng tubig. Napatitig ako bandang lalamunan nya, napakagat labi ako. Teka! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?

"Do you want?" Inaabot nito sa akin ang tubig Nag-alangan akong tanggapin. "Come on, Georgia. You don't want because of indirect kiss? We both know that we did more than that before." Nakangiti na 'to.

Pagalit kong kinuha sa kanya ang bote ang uminom. "I don't b-believe in indirect kiss!" Sabi ko pagkatapos uminom.

"Oh, really?" Tumaas ang isang kilay nito.

"Ewan ko sayo." Yumuko ako para tanggalin ang tali sa paa namin pero hinigit nya ang braso ko. "Ano ba?"

"Ako na." Sya naman ngayon ang yumuko at walang kahirap-hirap na tinanggal ang tali.

Lumapit sa amin ang bodyguard nya at may inabot na paper bag. Abala ako sa pa-uunat ng binti ng iabot nya sa akin ang paper bag.

"May pantalon dyan sa loob. Change." Titig na titig sya sa akin. Para bang sinasabi nito na dapat ko syang sundin at tatamaan ako kapag tumanggi.

"S-Saan galing 'to?" Inilabas ko ang pantalon at mukhang kasya naman sa akin.

"Pinabili ko. There's belt inside, just in case it won't fit you."

"S-Salamat." Dali-dali na akong pumunta sa restroom para makapagpalit. And to my surprise, saktong-sakto sa akin at hindi na kailangan ng sinturon. Ang galing nya naman yatang umalam ng sukat ng babae.

"Kasya?" Nagulat ako dahil paglabas ko ng restroom ay nandoon sya. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.

"O-Oo. Paano mo nalaman ang sukat ko?"

Itinaas nito ang kamay at pinakita sa akin. "Hinulaan ko lang."

"Talaga? Baka naman talent mo na talaga 'to? Lagi mo bang binibilhan ang mga babae mo ng damit?" Pagkasabi ko nun ay parang biglang kumirot ang tyan ko, yung parang may umakyat na sakit papunta sa dibdib.

"Mga babae ko? Paano mo nalaman?" Maloko 'tong ngumiti sa akin at dahan-dahan na lumapit, umatras ako.

"K-Kasi ganun ka naman talaga! Marami kang babae na kasama kaya sanay na sanay ka na sa pagpili ng sukat." Tinapangan ko ang boses ko sa pagsagot. "I know your kind."

"And what kind I am?" Hinawakan nito ang magkabila kong braso para hindi ako makalayo sa kanya.

"You d-don't do girlfriend, you just flirt, o-one night stand." Hindi ko maitago ang pait sa mga salita. Paano na lang kapag nalaman ng anak namin na ganito ang gawain nya?

"How come you sound so sure? Do you have evidence?" Kinintalan ako nito ng halik sa noo.

Bigla kong naalala 'yung araw na naghiwalay kami, noong nakita ko na may babae sya sa condo. Biglang kumirot na naman ang puso ko.

"Matagal nang nangyari yung ebidensya, John. Alam mo 'yun." Lumuwag ang pagkakahawak nya sa akin kaya nakawala ako. Dire-diretso ang lakad ko at iniwanan sya.

Napaluha ako. Ang tanga-tanga ko talaga! Akala ko ayos na ako, akala ko naka move on na ako? Pero ano 'tong nangyayari sa akin? Bakit kapag naaalala ko 'yun ay ang sakit-sakit pa rin? Bakit parang kahapon nya lang ako sinaktan?

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon