1

585 15 5
                                    

Ito na ang araw na kinakatakutan ko. Kahit anong iwas ko, alam kong darating pa rin sa point na magkikita sila. Pero hindi pa rin ako handa.

"Georgia, anak." Nilingon ko si Mommy, busy sya sa paghahanda ng mga plato.

"Po?"

"Okay ka lang? Namumutla ka." Puna nya sa akin.

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. "Napagod lang po siguro ako. Pupuntahan ko lang po muna si Josh."

Agad akong umakyat sa kwarto namin. Naabutan ko syang binibihisan ng yaya nya. "Iwan mo muna kami."

"'My!" Nagpakarga sya sa akin ng makita nya ako.

"Ang pogi naman ng baby ko." Nakasuot kasi sya ng spiderman costume. Napahagikgik sya ng halik-halikan ko sya.

"'My, Is dad coming?" Natigilan ako sa tanong nya. Nginitian ko lang sya.

"Joshua!" Nilingon namin ang babaeng nagsisigaw, nandun nga si Alex, kasama ang asawa nya.

"Happy birthday Josh." Niyakap ni Josh si Stan. Ewan ko ba dyan sa anak ko, gustong-gusto si Stan.

"Kasama nyo ba sina Amanda?" Tanong ko.

"Oo nasa baba, tinutulungan sina tita." Sagot ni Alex habang sinusuot ang maskara ni Josh.

Si John?

Para namang narinig ni Alex ang tanong ko. "Si kuya John susunod na lang daw sya, may imemeet kasi sya. Girlfriend nya ata." Napasimangot ako.

Napansin naman 'yun ni Stan dahil tinanong nya ako kung okay lang daw ba ako, nginitian ko sya.

Pagbaba namin ay marami ng mga tao, magsisimula na kasi ang party.

We decided na 3pm ganapin ang party para hindi mainit, nakacostume kasi kami.

"Good afternoon kids!" Pagbati ng clown.

We started the party with a prayer, kinantahan namin si Josh and he blow the candle.

Habang tinignan ko ang anak ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Tuwang-tuwa sya sa party.

"Hi." Nahigit ko ang hininga ko ng may marinig akong nagsalita sa gilid ko.

Kahit hindi ako lumingon, alam ko sya 'yun.

"Hi." Sagot ko ng hindi sya nililingon.

"So, you have a kid." Sabi nito na nag aalangan pa.

I take a deep breath. "Yeah."

"Where's the father?"

Sige lang. Tanungin mo pa ako. "W-Wala sya dito." Great! Hindi ko talaga kaya.

"I see." Hindi na muli sya nagtanong.

"Mommy!" Nagtatakbo si Josh habang papalapit sa akin.

"Baby." Umupo ako para makatapat ko sya.

"Can I take off the mask? So hot na po." Parang nagmamakaawa na sabi nya. Wala sa sariling tinanggal ko ang maskara nya.

Huli na ng marealize ko na nasa tabi ko nga pala si John, parang gusto kong ibalik 'yung maskara.

"Ayan!" Natutuwang sabi pa nito.

"Hey little boy." Crap! Umupo din si John.

"Hi po." Magalang na bati ng anak ko.

"What's your name?" Tanong nito.

"Joshua Tre--" I cut him. "Baby, sya si tito John, kapatid ni tita Alex.

"Hello tito John." Kinuha ng anak ko ang kamay nya at nagmano.

Saglit na nagtitigan si Josh at John. Magkamukhang magkamukha kasi sila. Yung singkit na mata ni John, tangos ng ilong, at shape ng mukha. Labi nga lang ang nakuha sa akin. And one of my deepest secret is, I used John's last name to my son.

"He looks--"

"Josh, puntahan mo na yung mga friend mo." Kiniss ko muna ang anak ko bago umalis.

Nagulat ako ng hinila ni John ang braso ko at kaagad na itinayo.

"Let me go!" Pagpupumiglas ko.

"Not until you tell me everything."

Isinandal nya ako sa kotse nya at tinapatan.

"Tell me the truth." Mariing sabi nito.

"Tell you what?" Pagmamatigas ko. I'm good at lying, and I'm proud of that.

"I-Is he my son?" Alanganing tanong nya.

I smirked. "Are you kidding me? Ano ba ang nakain mo at naisip mo na anak mo si Josh?" Itinaas ko pa ang isang kilay ko.

"Then w-why he looks like me?" He grip my wrist.

I flinced. "You're hurting me." Tinignan ko sya ng masama.

He let go of my hand. "I'll repeat my question. Why does he looks like me?" Diniinan nya pa lalo ang mga salita nya.

"Why do you fvcking care? Ano naman sayo?" Napasigaw na ako.

Mukha namang nagulat sya kasi hindi sya kaagad nakapagsalita.

This is me now. I became stronger and he's the reason for that.

"He's my son."

"How sure you are?" Panghahamon ko.

"101%" Tinatapatan nya pa ako.

"Fvck you." I said through gritted teeth.

"So you're good at cursing." He smirked.

"Yeah, do you want to hear more?" I bit my lower lip. "Fvck you! As*hole! You moron! Fvcking ass--" I wasn't able to finish my word because suddenly kiss me.

It was harsh. I fight back.

Hindi ako papatalo sa kanya, hindi porket lalaki sya, matatalo nya ako.

"Still the same lips, after what? After five years? Same age as your son. And you name him what? Joshua TREVOR? Sounds good."

Hindi ako makakilos sa mga pinagsasabi nya. Paano nya nalaman? I forget, nothing is impossible if you're a Trevor.

"So you have him check? What an as*hole." Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.

"Why did you hide? Ha?" Gigil na gigil na sya at ramdam na ramdam ko 'yung dahil dumidiin ang pagkakahawak nya sa bewang ko.

"Sino ka para sabihin ko sayo? Hindi ikaw ang naghirap ng 9 months sa pagbubuntis, at five fvcking years na pagpapalaki. I regret that I used your last name. Don't worry, I'll fvcking change that." Winaksi ko ang kamay nya sa bewang ko. At umalis sa harap nya.

"Sa korte na lang tayo mag-usap." Sabi nito sabay sakay ng kotse.

Napaluha ako.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon