Kapag naaalala ko 'yung nangyari kagabi ay para akong masisiraan ng bait. Bakit ba kasi ako nagpahalik sa lalaki na 'yun? Nakakainis talaga! Inagahan ko ang pag gising para magluto ng breakfast at para narin hindi kami mag-abot.
Habang nagluluto ay hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ni John kagabi "You're craving for my touch." Napailing ako. Ano ako? Nagnanasa sa kanya? Never! Kahit pa na maghubad sya sa harapan ko ay walang epekto!
Ilalapag ko na sana ang naluto na hotdog sa lamesa nang makita ko si John na naglalakad papalapit sa akin at halos magbara ang lalamunan ko ng mapatingin sa katawan nya. He's wearing a bath rode pero mukhang tinamad syang magtali dahil naka bukas 'yun kaya kitang-kita ko ang makisig nyang pangangatawan.
"Ang aga mo ata nagising?"
Natauhan ako ng marinig sya. Nasa kabilang side sya ng lamesa pero amoy na amoy ko ang ginamit nyang shampoo. Nahihibang na ata ako!
"K-Kailangan kong pumasok ng maaga. Anong oras pala ang pasok mo sa trabaho?" Tumalikod na ako at pinagtuunan ng pansin ang fried rice.
"9:00 pa ang pasok ko." Sabi nito. Nagulat ako nang nasa tabi ko na sya at nakasandal sa sink.
"I-Ikaw na lang muna ang maghatid kay Josh sa school." Hindi ko sya magawang lingunin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. "8:30 ang pasok nya." Tinigna ko ang orasan at nakitang 7:10 na.
"Tingin mo ba ay kailangan na ni Josh ng Nanny? Graduating ka kaya kailangan mong mag focus sa pag-aaral."
Nilingon ko sya. "Magiging busy ka ba?"
"Hindi naman, but what if we're both busy?" Tuluyan na rin nya akong nilingon.
Noong nakatira pa kami kila Mommy ay may katulong ako mag alaga kay Josh kaya't hindi ko naisip na maghanap ng Nanny. Natatakot rin ako na baka magkamali kami ng mapili at maltratuhin ang anak ko. Kapag busy naman sina Mommy ay umaabsent ako sa ibang subject.
"Hindi ko na lang papasukan ang unang subject para mahatid ko ang anak ko." Sagot ko dito at tinuloy na ulit ang pagluluto. Ayoko mag-isip ng masama pero kaya nya ba 'to ginagawa dahil wala syang amor sa anak namin.
"Paano kung bumagsak ka?" Sinilip nya ang mukha ko.
"Pakikiusapan ko ang mga professor ko. Hindi mo na kailangan pa na mag-abala sa paghanap ng Nanny. Aalagaan ko ang anak ko." Iniwas ko ang mukha ko sa kanya.
"And what if they don't agree? You're a graduating student." Inagaw nya sa akin ang hawak na sandok.
Iritable ko syang nilingon. "Kaya kong mag adjust para sa anak ko, matagal ko ng ginagawa 'yun."
"Pero hindi rin naman masama ang pagkuha ng Nanny diba?" Pilit nyang itinataas ang kamay at inilalayo sa akin ang sandok.
"Ayoko." Inirapan ko sya at kumuha na lang ng panibagong sandok.
"I'll ask some agency."
Tinignan ko sya ng masama. "Kasama ba ang opinyon ko pagdating sa anak natin? Tinanong mo pa ako kung ikaw lang din naman ang masusunod." Inirapan ko sya at itinabi na lang ang mga naluto.
"I'm trying to help you, Georgia. Nag aadjust na nga ako dahil nag-aaral ka imbes na nandito ka lang sa bahay." Rinig na rin sa boses nya ang inis.
"Kasalanan mo! Binutis mo ako eh!" Wala ng filter ang mga pinagsasabi ko at wala na rin akong pakialam.
Natahimik sya, sa wakas. "Ano? Kung hindi mo sana ako binutis ay nagtatrabaho na ngayon." Hindi naman sa nagsisisi ako na nabuntis nya ako, wala na rin kasi akong masabi.