10

289 9 4
                                    

Minsan gusto ko na rin batukan ang sarili ko. Ako rin kasi ang gumagawa ng bagay na ikakasakit ko. Kung hindi ko sana sinabi 'yung kanina edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Mommy, nasaan si Daddy?" Sasagot sana ako ng biglang lumapit sa amin si John na walang emosyon.

"Kakain na daw po tayo." Humawak si Josh sa magkabilang kamay namin ni John.

Napagdesisyon ng mga magulang na sa field na lang din kami kumain tutal ay hindi naman ganun kainit.

"Daddy, hindi po ba sila kakain?" Tinuro ni Josh ang mga bodyguard na nakatayo malayo sa amin.

"They're here to protect us." Sagot nito.

"From bad guys?"

"Yes, baby."

Dahil sa inasta kanina ay hindi ko magawang mag-angat ng tingin. Hindi dapat ganun ang reaksyon ko kasi para ko na ring sinabi at pinamukha sa kanya na hindi pa ako nakaka move on, which is true. I'm sure na dahil doon ay lalaki ang ulo nya.

"But daddy, kailangan nilang kumain para malakas sila." Malakas na ang boses si Josh dahil sa ingay ng paligid. Napaangat na ako ng tingin at halos mabilaukan ako dahil nakatitig sa akin si John, kaagad akong umiwas.

"P-Pakainin mo na lang din sila dito, marami naman 'tong naluto ko." Hindi na muli akong tumingin sa kanya dahil kahit nakayuko ay ramdam ko ang titig nya.

"Call them, Josh." Utos nito sa anak. Kainis! Bakit hindi na lang sya ang umalis. Kumaripas agad nang takbo si Josh.

"Careful baby!" Pahabol ko dito nang muntik ng madapa.

"Georgia." Tawag nito sa akin. Hindi ko sya nilingon. "Can you please look at me." Maawtoridad na ang tinig nito, halatang nagbabanta.

"Ano?" Nag-angat na ako ng tingin.

"Tungkol sa nangyari sa atin 6 years ago—"

Hindi ko na sya pinatapos pa. "Bakit mo pa inuungkat ang nakaraan, John?"

"I want it to be clear."

"Okay ka lang ba? That was six years ago! Kung gusto mo sanang magpaliwanag, bakit hindi pa noon?" Walang mangyayari kung magagalit ako. I take a deep breath.

"How can I explain? Nawala ka." Mahinahon nitong sabi.

"Are you fvcking kidding me?" Natawa ako. "That's bullshit! We both know that you can just pay anyone to look for me." Natigilan ako.

"So you're expecting me to look for you?" He smirk.

"No, because I know that you won't do that." Inasikaso kong muli ang mga pagkain. Bakit ba ang tagal ata ni Josh?

"Bakit ba parang siguradong-sigurado ka sa mga sinasabi mo?"

"Kagaya ng sinabi ko kanina. I know your kind. Pwede ba tigilan mo na 'to? Nangyari na at wala nang magbabago." Iritable na ako.

"Hindi ba pwedeng hindi ka makinig muna sa akin?" He sound so frustrated.

Tinignan ko sya. Dapat ba akong makinig sa mga sasabihin nya? Malinaw naman sa akin ang ginawa nya dati. Dapat noon nya pa ginawa 'to.

"Nanay don't know that I'm already married."

Nabigla ako sa sinabi nya pero napangiti rin ng mapait. "Wala nang nakakapagtaka doon, John. Sa tinagal natin noon, kahit isang beses ay hindi mo ako nagawang ipakilala sa magulang mo."

Wala syang sinabi. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya hanggang sa dumating na si Josh kasama ang dalawang body guard na may dala rin na pagkain.

"What took you so long?" Tanong ni John sa isa sa mga body guard.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon