6

281 9 0
                                    

"I'm sorry na, hindi ko lang talaga naalala na may dinner date pala tayo." Pilit ako nitong pinapaharap sa kanya.

Ilang oras akong naghintay sa restaurant na pinareserve ko sa aming dalawa tapos malaman ko lang na kanina pa pala sya nakauwi sa condo nya at isang oras nang natutulog.

"Sorry na. Magsalita ka naman." Isinandal nya sa balikat ko ang ulo nya.

"Ang bigat ng ulo mo." Inalog ko ang balikat ko kaya nalaglag ang ulo nya.

"Ang tahimik mo talaga. Kailan ka ba mag iingay kapag galit ka?" Pinilit ako nitong mapaharap sa kanya.

"Gusto mo ba yung manermon ako sayo? Kasi feeling ko kahit anong sigaw ko sayo, hindi na mawawala o mababago yung nangyari. So, what's the point?" Mataray kong sabi dito. Nakakahiya dun sa mga waiter kanina na pabalik balik at tinatanong kung nasaan na daw ang kasama ko.

"Nakatulog nga ako. Sobrang dami kong inasikaso kanina sa restaurant tapos si Alex pa nagpasama doon sa taekwondo competition nya." Ramdam ko na ang pagmamakaawa nya.

Narealize ko rin naman na pagod din sya sa trabaho. Kung minsan nga kapag nanunuod kami ng sine ay nakakatulog rin sya. Panganay si John sa kanilang tatlong magkakapatid kaya dapat ay may mapatunayan sya, dagdag pa na nasa business field ang pamilya nila.

"Huli na ito John, kapag naulit pa to, masasaktan talaga kita." Napakagat labi ako.

"This won't happen again, I promise." And he kiss me.



Dinalian ko ang pagsasagot sa exam dahil wala akong tiwala sa pagbabantay ni John.

"Georgia, tapos ka na?" Mahinang bulong sa akin ni Alex.

"Oo. Si John at Josh lang ang naiwan sa bahay." Nagpaalam na ako sa kanila at dire-direstong lumabas.

"George!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Harold pala.

"Ano ba yun?" Iritado kong tanong dito.

"Sungit naman." Tumawa pa sya. "Uuwi ka na? Kain muna tayo."

"Hindi ako pwede ngayon, Harold. Nagmamadali ako, kailangan kong umuwi ng maaga." Naalala ko na tuwing uwian ay lagi tong nagyayaya kumain, gutom na naman siguro.

"Wala na akong stock ng pagkain sa condo, wala na akong makain." Dahilan nito.

Hindi na lang sabihin ang totoo ang nag dadahilan pa. Tinignan ko sya ng masama at ang loko ay ngumiti lang.

"Tara na! Samahan mo na akong kumain."

Nag isip muna ako. Hind naman ako magtatagal. Inilabas ko muna ang cellphone at nag iwan ng mensahe.

"Tara na. Hindi ako maglalabas ng pera ah!" Pagbibiro ko. Alam ko naman na ililibre ako nito eh.

"Oo naman! Sagot ko. Chinese restaurant tayo." Inakbayan ako nito papunta sa kotse nya.

Di rin nagtagal ng makarating kami sa restaurant na sinasabi nya. Masasarap daw ang pagkain dito at maganda ang service.

"Nagpareserve na ako kanina."

"Paano kung hindi ako sumama?" Iba rin tong lalaki na 'to eh.

"Edi kakain ako mag-isa o kaya ay manghihila ng isang kaklase." Nagtawanan kami pareho at mukhang napalakas dahil napalingon sa amin ang grupo ng mga kalalakihan na mukhang malalim ang pinag-uusapan.

Nagtama ang mata namin ni John. Ano ang ginagawa nya dito? Kaya ba hindi sya nagreply sa message ko kaninan? Sino ang kasama ni Josh?

Nag alangan pa akong maupo ng pinag usog ako ng upuan ni Harold. Hindi nya inaalis ang titig sa akin kahit na nagsasalita sya at kaharap ang kausap, medyo nailing ako.

"Anong gusto mo?" Naputol lang ang titigan namin ng tanungin ako ni Harold.

"Hindi ko alam. Ikaw na ang bahala." Sagot ko dito. Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko.

May natanggap ako na mensahe galing kay John. "Akala ko ba ay may exam nyo?" Binasa ko ng mahina. Pinagdududahan nya ba ako?

Nagreply ako. (Katatapos lang ng exam ko. Sinamahan ko lang si Harold kumain. Sino ang kasama ng anak ko?) Tinignan lang ako nito ng masama bago nilagay ang cellphone sa bulsa.

Aba't ang gago dinedma lang ako! Kung hindi ko lang inisip na may kausap sya ay baka binulyawan ko na sya.

"Hey George, okay ka lang?"

"O-Oo. Bilisan na lang natin kumain ah?" At nanggigigil na ako.

"After ten minutes pa daw bago maserve ang food eh. Restroom lang ako." Hinintay ko lang mawala sa paningin ko si Harold bago ko inilabas ang cellphone at tawagan si John.

"What?" Iritableng sagot nito habang nakaharap sa akin.

"Sino ang kasama ng anak ko? Diba sabi ko wag mo syang iiwan?" Pinaningkitan ko sya ng mata.

"To correct you, anak natin. Go home para malaman mo kung sino ang kasama nya." Talagang nilalabanan nya pa ang titig ko. Mapapatay ko talaga 'tong lalaki na 'to.

"Wag mo akong iniinis John! Sinabi ko na sayo kanina na walang trabaho kapag nasa bahay si Josh!"

"How 'bout you? Nagawa mo pang makipag date kahit na may asawa't anak ka na?" Talagang hinahamon ako ng lalaki na 'to.

Maya-maya pa ay dumating na si Harold. "Anong nangyari sayo George? Mukhang bad mood ka."

"Sorry Harold, pero nagmamadali kasi ako eh." Sabi ko at agad na naglakad papunta sa lamesa nila John.

Napahinto sila sa pag-uusap at napatingin sa akin. "Miss? What can we do for you?" Tanong nung isang nakasalamin na singkit.

"Let's go John. Uuwi na tayo." Diretso ang tingin ko kay John.

"Who is this young lady, John?" Tanong naman nung isa na balbas sarado.

"I'm sorry guys but I think we need to reschedule our meeting. I'll just send an email to your secretary within this week. Excuse us." Hinawakan ako nito sa siko at pinauna maglakad. Hindi manlang ako pinakilala. Well, ano pa ba ang aasahan ko sa gago na 'to? Ni hindi nga masuot ang wedding ring naming.

Pagsakay sa kotse ay kaagad kong tinanggal ang wedding ring, nakita nya yun.

"Ano ang ginagawa mo?"

"Ano sa tingin mo?" Tinignan ko sya ng masama habang nilalagay ang singsing sa bag.

"Gusto mo ba single ang tingin ng tao sayo kahit kasal ka na?" Halata sa boses nya na nang-iinis sya.

"Bakit hindi mo yan sabihin sa sarili mo?" Napatingin muli ako sa kaliwang kamay nya.

"So gumaganti ka dahil hindi ko suot ang singsing?" He smirked.

"Bakit ako gaganti? Wag mo nga akong pakialaman!"

"They don't know that I'm married now." Nagsimula na syang mag drive.

"I know. Kaya nga hindi mo ako napakilala kanina." Muntik ko ng tampalin ang sariling bibig. Kung ano-ano na ang lumalabas.

Ngumiti sya ng mas nakakaloko. "Next time, I'll introduce you to them."

"Kahit 'wag na." Hindi sya sumagot at tumawa lang. Kingina nitong lalaki na 'to!

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon