12

264 12 0
                                    

Dahil na rin sa pamimilit ni John na ihahatid nya ako kanina ay nagdesisyon na lang ako na dalhin ang gamit para sa school at dito na lang maghintay ng oras sa company niya. Tutal ay malapit ang school ni Josh ay nakarating kami kaagad sa trabaho nya. His family handles hotel and restaurant, marami silang hawak sa iba't-ibang panig ng bansa. His office is located at the top floor. Alam ko dahil madalas akong mag stay dito noong nag-aaral ako at kami pa.

Mapanuring mata ang sumasalubong sa akin. Masigla ang bati nila kay John pero tumataas ang kilay kapag napapalingon sa akin at dahil hindi ako papatalo ay iniirapan ko sila. Nakakarinig ako ng singhapan kapag ginagawa ko 'yun.

Akala nyo ah!

Marahil ay nagtataka si John kaya nilingon nya ako pero tinignan ko lang sya ng inosente.

"Bilisan mo maglakad." Iritadong sabi nito bago hinawakan ang kamay ko.

Sa sobrang gulat ay natangay nya ako. Hindi na ako nakapalag pa. Iba sa pakiramdam ang hawak nya, iwinaksi ko na lang sa isip 'yun at sinabayan sya sa paglalakad.

"Zariyah, let them know that I'm here. Ipaakyat mo na lahat ng document na kailangan ng perma ko. Give me all the report from the restaurants." Bungad nya sa secretary nya na natataranta rin sa pagsulat ng kung ano. Papasok na sana kami sa office nya nang lingunin nya ulit 'to. "And the meeting, schedule it 1pm."

Tumayo na ang secretary sa upuan nya at nagulat ako ng buntis pala 'to at ang laki na ng tyan.

"Noted Sir. May gusto po ba kayong inumin?" Bumaling sya sa akin.

Wait. Sa pagkakaalala ko ay lalaki ang secretary nya, 'yun yung umattend noong kasal namin.

"W-Wala." Namangha ako sa kanya dahil sa laki ng tyan nya ay nagagawa nya pa rin magtrabaho.

"Give us coffee." Sabi naman ni John at hinila na ulit ako papasok sa office nya.

"You can sit here. I'll just work." Anito at hinubad na ang suot na coat, Agaran din syang naupo sa swivel chair at binuksan ang laptop.

"John, buntis pala ang secretary mo. Kaya nya ba ang lahat ng inutos mo?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong.

"Kaya nya naman 'yun. Magsasabi sya sa akin kapag nahihirapan sya." Sagot nito na hindi ako nililingon.

"Wala naman akong gagawin dito, pwede ko syang tulungan. Naalala ko na lalaki ang secretary mo."

Naagaw ko na ang atensyon nya. "That's his wife. Pareho ko silang secretarty, her husband is checking our hotel."

Tumango ako sa paliwanag nya. "Saan ko ba mahahanap ang mga report ng restaurant nyo?"

"No need. I can ask everyone in here to send me the report." Nakatitig pa rin sya sa akin.

Lumapit na ako at huminto sa tapat nya, nakapagitan sa amin ang table nya.

"Ako na lang, para naman may magawa ako dito."

"It's in every floor of this building." Pinagsalikop nya ang kamay nya at ginamit 'yun para pagpatungan ng baba.

"Okay. Ano ang sasabihin ko para ibigay nila sa akin ang report?" Naisip ko kasi na baka hindi ibigay sa akin dahil hindi ako kilala at wala akong ID.

"Just tell them that you're my wife." Ngumisi sya.

Napanguso ako. "Paano kung hindi sila maniwala sa akin?"

"Then call me." He stand up and lean closer to me. Mabuti na lang may nakaharang sa pagitan kami.

"B-Busy ka diba?" Umatras ako kaya umatras din sya at pinagkrus ang braso sa dibdib.

Without You (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon