Oh my God! Oh my God! Hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang anak ko. Sinamahan ako ni Alex at Stan para maghanap kay Joshua. Iyak na ako ng iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Halos madapa na ako kakatakbo at kakaikot sa school ni Joshua, nanggaling na ako playground, library, rooms, at pantry, pero wala talaga sya!
"George, relax. Mahahanap natin ang anak mo." Tinapik pa ni Stan ang likod ko.
"Hindi ko na kaya. Joshua." Napaupo na lang ako sa sahig. Nanlulumo na ako. Wala na akong alam kung saan ko pa sya hahanapin.
Nagring ang phone ko, baka si Mommy. "M-Mommy." Humahagulgol na sabi ko. Para na akong bata na nagsusumbong sa nanay nya.
[You're crying, Georgia.] Boses ni John.
"J-John! Hayop ka! Nasaan ang anak ko?" Lalo akong naiyak ng marealize ko na kinuha ni John ang anak ko.
[Sinabihan na kita. Diba? Ilalayo ko sayo ang anak ko.] Alam kong nakangisi sya ngayon.
"Papatayin kita! Papatayin kita John!." Hindi ko na talaga napigilan pa ang iyak ko. Halos maputulan na ako ng ugat sa leeg sa pagsigaw.
[We both know that you can't do that.] Tumawa pa sya.
Nakatitig lang sa akin sila Alex at alam kong alam na nila kung sino ang kausap ko.
"Kaya ko basta para sa anak ko. Walang hiya kang lalaki ka! Napaka kapal ng pagmumukha mo!" Tumigil na ako sa pag iiyak at galit na ang nararamdaman ko sa kanya.
[I already warned you, woman. Pero anong ginawa mo? Sinuway mo pa rin ako. Nagbago ka na nga talaga.] I heard sadness in his voice.
"Siraulo ka! Fvck you! Sinasabi ko sayo, John! Kapag may nangyaring masama sa anak ko, mapapatay kita!" Seryoso ako sa banta ko sa kanya.
[Anak natin, Georgia. Anak natin na pinagkait mo.]
"Ano ba ang gusto mo?" I take a deep breath.
[You already know what I want, Georgia.]
I smirked. "Magkita tayo."
[That was past. Pumunta ka sa restaurant ko.]
Hindi na ako nakapagsalita pa ng pinatay nya ang tawag. Bakit ba umabot pa kami sa ganito? Bakit ba hindi nya na lang kami pabayaan?
----
"You may now kiss your bride." Anunsyo ni Attorney. Hindi ko na sya hinintay at ako na ang humalik sa kanya. Apat lang kami na nasa office, si Attorney, John, his secretary, and me.
"Dalhin mo na ako sa anak ko." Sabi ko sabay pahid sa labi, nakakasuka sya.
"You've really changed." Walang emosyon na sabi nito bago nagpasalamat sa Attorney. Ngumiti na lang ako kay Attorney at sa witness.
Nauna akong lumabas, hinintay ko sya sa tapat ng kotse nya, ginasgasan ko ang pintuan. Napahawak ako sa wedding ring namin at ngumiti ng mapait. Kasal na ako.
"Get in." Utos nya kaya agad akong sumakay sa kotse. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Then I saw Josh, playing with someone.
"Baby." Tinakbo ko sya at niyakap ng mahigpit. Hindi ko na naman napigilang umiyak.
"Mommy! Why are you crying?" Hinawakan nya pa ang mukha ko.
"Because I missed you so much." I kissed his forehead.
"I miss you too, mommy." Pinunasan ko ang pawis nya.
"Mommy, sabi ni daddy, dito na daw tayo titira." Tumango na lang ako. Wala na akong takas sa kanya, alam ko 'yun.
"Let's go. Pasok na tayo sa loob." Hinila ni John ang kamay ni Josh sa akin at pumasok sa loob.
I was left there. Alone. Kaagad akong pumasok sa loob at naabutan ko sila na nagkikilitian.
Maaga kong pinatulog si Josh kahit na wala syang pasok bukas. Nagsabi na rin ako kila mommy na magkasama kami ni Josh, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin na kasal na ako.
Tumingin ako sa paligid, wala pa ring pagbabago sa bahay nya.
"John naman! Pangit nga tignan kapag nasa gilid ng pintuan 'yung sofa! Medyo ilayo mo!" Utos ko kay John habang hawak ang walis tambo.
"Bakit? Tama lang 'yan! Para pagpasok, upo kaagad!" Tinawanan nya pa ako.
"Isa! Bahala ka! Walang sexy time mamaya!" Sigaw ko. Nakita kong natigilan sya.
"Siguro nga mas okay kung ilayo natin. Ano sa tingin mo?" Nakangiting sabi nya. Ako na naman ang panalo!
"Basta 'yung sexy time natin mamaya ah?" Binulungan nya pa ako. Kinurot ko naman sya sa tagiliran.
"Georgia." Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko si John.
"Lumabas ka muna." Saglit kong niyakap ang anak ko bago lumabas.
Naabutan ko sya sa terrace na nakatayo habang naninigarilyo.
"Next time, wag kang maninigarilyo sa harapan ni Joshua. May hika sya." Sabi ko.
Natigilan naman sya at pinatay ang sigarilyo. Tinitigan nya ako. Nakakalusaw pa rin syang tumingin, tagos hanggang kaluluwa. Nailang ako bigla.
"So, we're married." Basag nya sa katahimikan.
"This is what you want. Right?" Tinaasan ko pa sya ng kilay.
"No."
Hindi ko alam, pero bigla akong nasaktan sa sinabi nya. Parang may tumusok na kutsilyo sa puso ko.
"H-Ha?" Nautal pa ako, lintek na dila yan.
"I don't want you to marry me like this, but you leave me no choice." Titig na titig pa rin sya sa akin. Magaling talaga syang magtago ng emosyon.
"We have choice John, you don't have to marry me." Nilakasan ko pa ang loob ko dahil mukhang walang epekto ang presensya ko sa kanya.
"Inilalayo mo sa akin ang anak ko! Kaya don't fvcking tell me that we have a damn choice!" Sigaw nya. Napaatras ako.
"Anong gusto mong gawin ko? Ibigay ko sayo ang anak ko?! Hindi ako tanga para gawin 'yun! Ako ang naghirap!" Balik sigaw ko. Hindi na ako ang dating Georgia na puro 'oo' na lang sa gusto nya.
"This is what I want Georgia. You and Josh, with me." Nilagpasan nya ako pagkatapos nyang sabihin 'yun.
Napahawak ako sa terrace, sa saglit ng pag-uusap namin ay para akong naubusan ng lakas. Once again, I become my old self, weak.