Kagaya nga ng sinabi ni John kanina, pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa conference room. Sinabi ko na rin sa kanya na kapag three PM ay hindi pa tapos ang meeting nya ay ako na lang ang susundo kay Josh, pumayag naman sya.
Tahimik ang loob ng conference room lalo na ng naupo si John sa harapan. Sinisenyasan nya ako na maupo sa tabi nya pero tumanggi ako, mas pinili ko na maupo sa gilid katabi ni Zariyah.
"So I heard na may kumakalat daw na balita sa buong building." Panimula ni John. "Walang balak magsalita?"
"That's from our floor, Sir." Sabi ni Miss Regalado.
"What happen?"
Halos lahat ng tao sa conference room ay nakatingin na kay Miss Regalado, halata naman sa kanya ang kaba.
"O-One of my trainee caught cheating to her boyfriend, at ang isa nyang karelasyon ay from third floor." Singhapan ang narinig namin sa loob.
"Didn't you inform them about having relationship in my company?" Kahit hindi sumigaw si John ay ramdam ko ang galit nito.
"I clearly told them, S-Sir."
"Ano 'tong problema na 'to kung nasabi mo nga? Hindi mo ba sila napapansin?"
"May nakapagsabi po na sa labas sila madalas nagkikita at hindi nagpapansin kapag nasa trabaho." Nalipat naman ang atensyon sa lalaki na nagsalita. Malamang ay under nya ang nainvolve sa problema.
"Binalita sa akin ng security na nagpupumilit daw pumasok dito ang boyfriend at gusto akong makausap." Natawa sya pero kahit ganoon ay hindi nawawala ang inis.
"I'll talk to my trainee, Sir. I'm sorry."
Tumango-tango na lang si John at sinimulan na ang pagmemeeting tungkol sa mga hotel and restaurant nila. Dahil may alam naman ako sa business ay medyo nakakasabay ako kaya hindi ako naiinip.
Hindi ko maialis ang tingin ko kay John dahil pagdating sa trabaho ay napaka dedicated nya na parang mahihiya ka kung iistorbohin mo sya. Kada presentation per floor ay hindi sya nawawalan ng tanong, talagang binubusisi nya at sinisigurado ang mga detalye.
Naramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko hudyat na two thirty na at kailangan ko ng sunduin si Josh. Kay Zariyah na sana ako magpapaalam pero busy rin sya sa pagttype sa laptop nya. Tumayo na lang ako ng dahan-dahan para wala akong maistorbo, itetext ko na lang sya.
"Where are you going?"
Natigil ako sa paglalakad pati na rin ang nagpepresent ay napahinto sa pagsasalita ni John, paglingon ko ay halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Sorry sa abala pero susunduin ko na kasi si Josh." Sabi ko. Nakakahiya na naabala ko pa sila.
"We're not done here. You can use my car." Tumayo si John at naglakad palapit sa akin. Halos mabali ang leeg nila sa pagsunod kay John.
Iniabot nya sa akin ang susi ng kotse. "You still remember where I park my car, right?"
"O-Oo." Bwiset! Bakit ba ako nauutal?
"Sabay-sabay na tayo umuwi." Hinapit nya ang baywang ko at hinalikan ang noo ko bago ngumiti. "Mag-iingat ka."
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko kasabay ng marahang pagtango. Para akong masusuka sa lakas ng tibok ng puso ko. Normal pa ba 'to?
Habang naglalakad ako sa elevator ay para akong lumulutang. Ano ba ang nangyayari kay John? Bakit parang iba sya ngayon? Pakitang tao lang ba 'yun? Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sobrang pag-iisip.