Chapter 5

3.1K 106 1
                                    

••••

Dedicated to @night_angel ~

••••


Chapter 5: Simula pa lang

"Religion, ideology, resources, land, spite, love or just because. No matter how pathetic the reason, it's enough to start a war."
-Pain (Naruto)

****

Lutang ako buong afternoon class kahit na muntik na akong madikit sa upuan ko forever.

Kung hindi ko napansin yung bote ng rugby sa basurahan pagkapasok ko, uupo sana ko sa upuan ko agad. Pero dahil maingat ako at hindi naman gano'n katanga, sumagi sa utak ko na baka nga nilagyan nila ng rugby yung upuan, naiwasan ko tuloy. Habang nagtuturo naman si Sir McKenzie na teacher namin sa Math (obviously walang nakikinig sa kanya), tinry lang naman nilang buhusan ng glue ang buhok ko, buti nalang naiwasan ko at nabuhos sa lapag, ako pa nga pinaglinis at pinagpunas nila.

Hindi ako nagreklamo. Ayokong magreklamo.

Masyado akong naawa sa kanila kahit hindi dapat.

"Miss Adams?"

Nabalik lang ako sa katinuan ng tawagin ako ni Ma'am Declaroix (A/N: Declaroy) na teacher namin sa Filipino. Subject niya rin ang last subject kaya nakahinga ako ng maluwag. Makakauwi na din ako pagka-bell.

*kriiiiing kriiiiing*

Yes! Bahay?! Here I com---

"Miss Adams?"

Naputol ang pagsicelebrate ko ng tawagin niya ulit ang pangalan ko. Nagtayuan na yung mga classmate ko at nagumpisa ng magsilabasan ng classroom.

Napangiwi ako, wala bang maglilinis sa kanila?

"You clean the room, Miss Cassandra." Bulong ni sino pa ba? Edi si Terrence Carter. Tumango nalang ako at humarap kay Ma'am.

"Po?" Sagot ko habang nakangiti ng malapad kay Ma'am Declaroix. Tumayo ako at lumapit sa unahan kung saan siya nakatayo. "Nasabi sa'kin ni Ma'am Sanchez na ikaw ang Class Rep ng section niyo. Pakidala naman nitong mga hands out na'to sa faculty room. Thank you." Sabi niya na ikinaguho ng mundo ko.

Nawala ang mga ngiti sa labi ko pero tumango pa din ako. "Okay po, Ma'am. Pero pwede pon--"

"Ah may gagawin ka pa ba Miss Adams? Ayos lang, pakidala na lang kahit anong oras mamaya. Nasa faculty room lang ako." Tumango ako at pinagmasdan siyang lumabas ng classroom.

I sighed atsaka humarap sa classroom na mukhang dump site. Pinunasan ko ang imaginary pawis sa noo ko at naglakad kung saan makikita ang mga cleaning materials. Kinuha ko ang walis at dust pan.

Cleaning time!

Linis dito, linis diyan.
Walis dito, walis diyan.
Pulot dito, pulot diyan.
Punas dito, punas diyan.
Tapon dito, tapon diyan.

"A-ah Miss, anong ginagawa mo?" Napatalon ako ng may marinig akong boses ng lalaki sa gilid ko.

Napasigaw ako at napatakbo sa pinakadulong side ng classroom. "Uwaaaaaaaaa! S-sino kaaa??" Sigaw ko.

"Ah miss, janitor po ako dito. Kami po ang naglilinis ng bawat classroom ng PA. Hindi na po naglilinis ang mga estudyante dito."

Nanlumo ako sa sinabi niya. Sayang effort ko. Napabuntong hininga ako at napasalampak sa sahig. Napapagod na ako.

Pinasadahan ko ng tingin yung mga hands out na nakapatong sa teacher's table. Kaya ko pa ba?!

Simula pa lang pero gusto ko ng sumukoooo! Huhuhuhu~

"Ah gano'n po ba, Kuya? Salamat po at nasabi niyo. Bago lang po kasi ako dito eh." Nakangiting sabi ko sabay tayo at lakad papunta dun sa mga hands-out na nakapatong sa ibabaw ng teacher's table. Kinuha ko na yon pati ang bag ko. Pagkabigay ko nito, uuwi na din ako.

"Halata nga po, Miss." Natatawa namang sabi ni Kuya Janitor pero di ko na pinansin. Naglakad na ako sa kahabaan ng corridor at napapatingin na lang sa mga bakanteng classroom na puno ng basura o kaya mga sirang upuan na nadadaanan ko.

I sighed, madilim na. Sigurado akong pagagalitan ako ni Manang Tina pagkauwi ko.

Bumaba na ako sa hagdan hanggang sa makarating ako sa ground, naglakad ako papunta dun sa teacher's building kung saan pur teacher lang ang makikita pati yung faculty room. Malamang, kaya nga teacher's building diba?

Nang makarating ako dun sa pinto ng faculty room, agad kong inikot ang doorknob at binuksan ito. "Excuse me po?" Sabi ko ng mapatingin halos lahat ng teacher na busy sa kanilang mga gawain. Agad kong nakita si Ma'am Declaroix na medyo kumaway sa'kin. Nasa may bandang gitna siya nakapwesto. Ngumiti na lang ako at naglakad na patungo sa gawi niya.
"Ma'am, ito na po yung mga hands-out." Magalang na sabi ko.

Tumango naman siya Ma'am saka inayos ang salamin niya saka ako sinipat. "Salamat, binibining Adams. Bakit nga pala ngayon ka lang at gabi ka na? Ano bang ginawa mo?" Tagalog na tagalog na tanong niya. Napatawa ako ng mahina kasi narealize ko na baka kasi napapaligiran siya ng mga co-filipino teacher niya at kailangang magtagalog siya.

Umiling ako saka ngumiti, "Ginawa ko na po kasi yung mga assignments ko para bukas." Sabi ko. Tumango tango naman si Ma'am kaya tumalikod na ako para umuwi.

Habang naglalakad ako papunta sa carpark kung saan nakita ko agad si Kuya Driver na nakatayo malapit sa sasakyan namin. I waved my hands para mapansin niya ako. Napangiti naman ako ng pumasok siya sa sasakyan at nagumpisang magdrive papunta sa lugar ko.

"Gabi na po, Ma'am Forest." Bati niya. Bumaba siya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok na ako at nagthank you.

"Gumawa pa po kasi ako ng project." Nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Kuya Driver sa rear-view mirror. Tumango siya kaya ipinikit ko na lang ang mata ko. Siguro iidlip muna ako hanggang sa makarating kami sa bahay.

Ano kayang magandang palusot kay Manang?

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon