Chapter 11

2.8K 106 1
                                    

••••

Dedicated to @BluecessDreamer

••••


Chapter 11: Hooray!


******

"BUTLER CAFE?!"
"SERYOSO KA?!"
"NO WAY. THAT'S SO GAY!"
"HELL NO!"

Ilan lang yan sa reaksyong natanggap ko mula sa kanila pagkasabi ko na Butler Cafe na lang ang samin. Napairap ako sa kawalan. Ang OA naman maka-react ng mga 'to.

"Ang OA niyo ah? Oh sige, may mas maganda ba kayong recommendation dyan?"



"Tss. Kung Butler Cafe, anong role mo?" Napalingon ako kay Terrence ng bigla siyang magsalita. Nakacrossed arms siya at nakadekwatro habang prenteng nakaupo sa upuan niya. I shrugged, I don't know. Since Butler Cafe yun, I don't think my place ako dun. Isa pa, Class 4-F lang naman, wala namang 'and I'.

Napangiti ako ng mapait sa naisip ko. Class 4-F lang, walang I. Peste.



"So ano? Game kayo? Siguro mamimigay na lang ako ng mga flyers sa may front gate. Ano? Okay na ba'yon?" Suggestion ko habang nakangiti ng malapad sa kanila. "And don't worry, ako ng bahala sa susuotin niyo. Tutal naman ako nakaisip nito. Basta tulungan niyo kong magdecorate at mag-ayos nitong room."
Napangiwi silang lahat sa akin kaya napabuntong hininga ako. Mukhang hindi sila papayag. Haist, makaisip na nga lang ng ib---


"Okay deal. Butler Cafe. Pero hindi ako sasali dito." Nabigla na naman ako ng magsalita si Terrence. Huh? Hindi siya sasali pero payag siya? Ang unfair naman ata nu'n sa iba?


"Eh anong gagawin mo? Papayag ka tapos di ka pala sasali. Ang labo mo naman." Naguguluhang tanong ko. Inirapan noya lang ako saka tumingin sa ibang direksyon.


"Sasamahan kitang mamigay ng flyers." Bulong niya pero narinig ko pa'din.

"A-ah, o-okay."



UGH! FEELING KO TALAGA ANG PULA PULA KO! NA PARANG KAMATIS! NAG-IINIT ANG MUKHA KO! PLEASE LUPA, BUMUKA KA AT KAININ MO'KO!




*kriiiing* *kriiiiiing*



Napahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang bell. Ngayon lang ako natuwa sa salitang 'save by the bell'. Bumalik na ako sa upuan ko. Kasabay ng pagupo ko ang pagdating ni Ma'am Sanchez. Kahit siya ang adviser namin, panghuling subject sa morning class ang oras niya. Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin.

"Good Morning, Class 4-F." Bati niya sa'min. Tumayo ako at ngumiti ng malapad.


"Good Morning, Ma'am Sanchez." Bati ko pabalik. I sighed when I noticed that I'm the only one who greeted back. Ngumiti lang sakin si Ma'am atsaka sinabing umupo na daw ako. Tumango ako at saka umupo na.


"OUCH!" I cried in pain when my butt landed on the tiled ground. Mabilis akong lumingon at napansing lumayo ng ilang metro sa akin yung upuan. Tumingala ako at nakitang nakangisi si Terrence. Nagtawanan naman ang buong 4-F.


Haist! Nakakabwisit talaga 'tong lalaking to! Lagi niyang ginagawa yan kapag hindi ako ready! Huhuhu, feeling ko magkakapasa na yung butt ko eh.
Tumayo na ako at pinagpagan ang itim kong palda at saka hinila na pabalik sa'kin yung upuan. Pabarag akong umupo habang nakasimangot. Nakakainis talaga!

"Bwisit na Terrence! Argh!" Bulong ko. Grabe nanggigigil na ako sa nilalang na'yan. Super sama ng ugali.


"Ah, class. Siguro nasabi na sainyo ni Miss Adams ang tungkol sa Butler Cafe? Pumayag ba kayo?" Malumanay na tanong ni Ma'am. Hindi parin maalis sa isip ko yung kasamaan ng ugali ni Terrence! Ang sarap tuhugin, ihawin hanggang sa masunog!



"Miss Adams?"


Tapos ipatapon sa impyerno tutal dun naman siya bagay! Oh kaya naman lunurin sa isang swimming pool na puno ng mga piranha!
"Miss Adams?!"


"A-ah, ano po yun?" Natatarantang sambit ko. Napailing si Ma'am Sanchez kaya napakunot ang noo ko.

"Wala. Oh sige magkaklase na ako." Tumalikod na siya at nagumpisa ng magsulat ng kung ano-ano sa white board.


Hindi na ako nakinig at tumunganga nalang. Wala ako sa mood makinig ngayon. Masyadong occupied ang utak ko tungkol sa Foundation Week. Sana makicooperate sila para naman manalo kami ng kahit anong award. Ugh.


Mabilis na lumipas ang oras at ang tanging ginawa ko lang eh tumanga. Hindi naman ako sinita ni Ma'am Sanchez kasi siguro naiintindihan niyang stress ako sa buhay ko.


Inayos ko na ang mga gamit ko ng magring ang bell. Uwian na nila, pero dahil nga may meeting pa ang mga ClassRep eh mamaya pa ako makakauwi. Tumayo na ako at naglakad na palabas. Napahinto ako ng may naramdaman akong presensya ng breathing creature sa likod ko. Lumingon ako at nagulat ng makita ko si Terrence, Jared, Pierre at Silver na nakapila sa likod ko.


Tumabi ako sa gilid para makadaan sila. Hindi na lang kasi magsabi ng 'excuse me'. Mahirap ba'yon?


They all stared at me like I've grown three heads. Ganon din ang ginawa kong tingin sa kanila. "Oh bakit? Diba dadaan kayo? Daan na! Duh."


I rolled my eyes at nagcrossed arms. Tinignan lang nila ako pero hindi sila gumalaw sa pwesto nila. "What?! May meeting pa ako!" Nawawalan ng pasensyang singhal ko.


Hinatak ni Terrence ang braso ko at kinaladkad ako palabas. "A-ano ba?!" Naiiritang sigaw ko. Nilingon ko sila Jared at nakitang nakasunod lang sila samin.
"We're going with you." Bulong niya.


Napatunganga ako sa kawalan pagkarinig ko sa sinabi niya. "T-Thank you." Nahihiyang bulong ko nang marealize ko na sasamahan nila ako! Hooray! Hindi ako loner mamaya dun! Napangiti ako ng malapad at nagpatangay na lang sa hatak niya.

"Wag kang assuming. Sasamahan ka namin kasi tanga ka. Nothing more, nothing less."

Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.

"Sure~"
***
Okii love lots. Salamaat sa nagbabasa~
xoxoxoxo
Charl Lianne

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon