Chapter 32

2.6K 93 0
                                    

Chapter 32: *insert sighs*

*****

"Cassyyyyyyyyy!"

"Yannyyyyyyyyy!"

Tumakbo kami palapit sa isa't-isa at nagyakapan ng sobrang higpit. Syempre, dahil mas mataba naman ako ng konti sa kanya kasi isa siyang payatot na nilalang, naipit siya. Bwahahahaha!

"A-Aray Cassy! H-hindi ako m-makahinga!" reklamo niya habang pilit kumakawala sa napakahigpit kong yakap. Napatawa ako pero kinagat ko din ang dila ko para pigilan ito. Patay malisya kong niluwagan ang yakap sabay tingin sa kanya na may mga matang nagsosorry.

"Ikaw talaga! Sinadya mo yun no!" singhal niya saka hinabol ang hininga niya. Napatawa na lang ako at tuluyan na siyang binitawan. Napangiti na lang ako ng ngumiti din siya sa'kin.





I should have held her tighter.

"Forest?"

I should have never let her go that day, even if it means she'll get angry at me.

"Hey, Forest?"

I should have stayed there and just hugged her.

"Forest!"

"W-what?!"

Napabalikwas ako ng biglang may nagsnap ng fingers sa harapan ko at tumawag sa pangalan ko. "S-Silver?" nagtatakhang tanong ko habang nakakunot ang mga noo.

"You're spacing out." sabi niya habang nakakunot din ang noo.

"A-ah, sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" parang tangang sabi-tanong ko habang nagkakamot kunwari ng ulo kahit hindi naman makati.

"Tss. What's wrong?" nakasimangot na tanong niya habang hinahatak ako paupo sa isang bench para magpahinga. Natuyo lahat ng laway sa lalamunan ko dahil sa tanong niya. "What's wrong? W-Wala ah!" natatawa kunwaring tanong ko habang nauutal-utal pa.

Nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko. Awtomatikong tinignan ko siya ng masama. "What was that for?!" inis na singhal ko habang hinihimas himas yung noo ko na feeling ko namula kahit na hindi masyadong malakas yung pagkakapitik niya.

Kahit na crush ko siya, wala siyang karapatan na pitikin ako ng basta basta na lang ng walang paalam! O kahit pa nagpaalam siya hindi parin tamang manakit siya!

"Your ears are red. You're lying." bulong niya kaya agad ko namang itinago ang mga tenga ko. Darn, bakit alam niya 'yon?!

"So what?!"

"So there's something wrong?"

"What do you care?!"

"Tell me."

"No way!"

"One."

"Like I care."

"Two."

"Go on."

"You'll tell me or I'll kiss you?"

"Don't use empty threats on me, that's use....less."


Nanlaki ng sobra ang mga mata ko nang lumapit ng sobra si Silver na halos magkadikit na yung mga ilong namin. W-what the?!

Alam kong namumula at nakaawang ang bibig ko at mukha akong tanga but to hell with that, he's so close! Konting kembot na lang magkikiss na kami!

Anong kiss Forest?! Matauhan ka nga!

"A-Ano b-b-ba?!" nauutal na sabi ko habang tinatry na ilayo ang mukha ko sa kanya pero nagulat ako ng hawakan niya ang batok ko at mas lalong inilapit ang mukha ko sa kanya habang nakataas ang mga kilay.

Ramdam na ramdam ko ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa dibdib ko, pati yung pamamawis ng mga kamay ko pati narin ang pagbigat ng hininga ko at pamumula na parang kamatis ng mukha ko. Damn!

"Empty threats? Nakakalimutan mo bang kung sino ako, Miss Cassandra Forest Adams? Now, you will tell me or I'll inch closer and..." nanlaki ang mga mata ko ng biglang ibaba ni Silver ang mga tingin niya sa mga labi ko kaya nakagat ko ito.

"Fine! Fine, I"ll tell you!" pagsuko ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng binitawan ni Silver ang batok ko at lumayo ng ilang metro. Napayuko ako kasi feeling ko sobrang namumula parin ang mga pisngi ko.

Ang sama naman niya! Akala ko blackmail lang tapos may gano'n pa palang effect! Sana itinuloy na niya di'ba?!

Arggggghh! Bad, Forest! Bad!

"Napaka mo!" singhal ko ng medyo makarecover ako para mataalis ang sobrang awkwardness na bumabalot sa paligid. Nilingon ko siya na nakangisi lang naman sa'kin.

"At least you're telling." nakasmirk na sabi niya. Ugh bakit kahit anong ekspresyon ng mukha niya ang perfect tignan? Darn Forest, ang corny mo!

"You just don't play fair!" nakasimangot na sabi ko.

"I don't really care. If it means I'll know what's running in your head then so be it." sabi niya sabay kibit-balikat.

Bakit ang cool cool pa rin niya kahit na we almost kissed kung hindi pa'ko pumayag?!

"Only if you knew..." bulong niya na hindi ko masyadong naintindihan.

"Huh?!" nagugulahang tanong ko. "Anong sabi mo?" dagdag ko.

"Forget it. Now, tell." seryoso ng sabi niya.

Napabuntong hininga ako at boom---isa isa ng nagsibalikan lahat ng alaala na matagal ko ng sinubukang ibaon sa limot.



"Casssyyyyy! Madaya ka! Sabi mo sabay tayong magpapasa ng project!"
"A-ah, kasi Yanny sabi no Mommy ipas ko na daw!"
"Hmpf! Lagi mo na lang sinisisi si Tita kahit n kasalanan mo! Ang sabihin mo, excited ka lang kanina ipasa kasi magkakasabay kayo ni Dr---"
"Waaaa! Wag kang maingay Yanny!"
"Ewn ko sayo! Basta ilibre mo na lang ako ng ice cream mamaya!"
"Oo na! Oo na!"

"Cassy nakapagreview ka na? Periodical na natin bukas!"
"Eeee, nanunuod pa ako ng Barbie! Nasa exciting part na'ko eh! Mamaya na!"
"Haist! Basta bukas magdala ka ng madaming baon!"
"Huh? Owkeeey! Pero bakit?"
"Tsk! Basta! Papakopyahin na lang kita bukas kasi for sure hindi ka makakareview! Pakainin mo na lang ako!"

"Mahirap talaga yan kasi pabaliktad yung libro mo, Cassy!"
"Ay oo nga!"
"Hay nako!"
"Hihihi..."



Napatingala ako para pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Kinagat ko ang ibaba kong labi ng magsimula silang magkarerahan palabas ng mata ko.

"I have lost my best friend... and it freaking hurt."

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon