••••
Dedicated to @Seulgi20_heart
••••
Chapter 17: You can never replace her
***
"Hoy, Terrence! Sa'n ba tayo pupunta?!" Iritadong sigaw ko kay Terrence. Kanina niya pa ko kinakaladkad at malayo na din kami sa room. Lumiko siya kaya lang hindi ako nakaiwas kaya tumama ako sa pader.
"A-aray!" Daing ko sabay himas sa ilong ko. I think I broke my nose! Letse naman kasi tong si Terrence eh!
Nilingon niya ako pero hindi siya tumigil sa pagkaladkad. Wala naman akong choice kundi maglakad na lang din.
Nakarating kami sa rooftop ng isang abandonadong building ng school. Binitawan niya ako kaya agad kong hinawakan ang braso ko na ilang araw ng nasasaktan dahil sa kagagawan nitong nilalang na'to. "Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya nang maalala kong basta basta niya nga pala akong hinila papunta dito.
"I told you you're not welcome in Class 4-F. Bakit ba pinagsisiksikan mo ang sarili mo, ha?"
Napatulala ako sa mukha ni Terrence. Hindi dahil sa gwapo siya. Hindi dahil sa ang perpekto ng bawat anggulo ng mukha niya. Hindi dahil kulay pink yung labi niya. Hindi dahil ang tangos ng ilong niya. Hindi dahil ang ganda ng mata ng mata niya. Hindi din dahilsa itsura ng yung buhok niya na kahit messy ay maganda.
Kung hindi dahil sa sinabi niya...
"A-ano bang sinasabi mo d-dyan, Terrence? D-dinatnan ka n-na naman ba?" Tumawa ako ng pilit sabay hampas sa balikat niya ng mahina. Napalayo ako ng isang hakbang ng tinignan niya ako sa mata. Wala man lang akong emosyong nakikita dito. Blanko.
"Hindi ka welcome sa section ko. At kahit kelan, hindi kita matatanggap do'n. Umalis ka na." Malamig na sabi niya. Napaatras pa ako ng isang hakbang.
"Seryoso ka ba? A-akala ko kaya mo ko hinila papunta d-dito kasi nagse---"
"Nagseselos? Ako? Nagpapatawa ka ba?" Tumawa siya ng nakakainsulto. Umiling pa siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napayuko ako pero alam kong hindi pa ako naiiyak.
"B-Bakit ba hindi mo ko makuhang iacknowledge sa 4-F?! I'm part of it already! Wala ka ng magagawa do'n." Sigaw ko pero parang hindi man lang siya naapkpektuhan. Tinignan niya ulit ako sa mata, wala paring ekspresyon iyon. Nanlamig ako ng umihip ang hangin at dahil na din siguro sa mga tinging ipinupukol sa akin ni Terrence.
"I don't care about you. And please, don't flirt with Silver. I know that you already know that we're cousins. Ayokong nakikita kang kasama si Silver."
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ha. Nakakaloko na'to si Terrence ah. Hindi ako naiiyak sa mga sinasabi niya. Nagagalit ako. Naiinis. Nasasaktan. Pero hindi pa gano'n kasakit para maiyak ako.
"Excuse me. Pero hindi ko nilalandi ang beloved cousin mo. Pinisil ko lang yung pisngi, landi agad?" Nanggigigil na sabi ko sakanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay sabay lapit sa kanya. "And really? Sayo pa nanggagaling yan? Ikaw nga sa public site mo pa nirarampa yang kalandian mo eh. Panose to nose pa kayo ng Gail Sy mo---Aray ano ba?!" Naputol ang speech ko ng marahas niyang hatakin ang braso ko.
"Sa'n mo nalaman ang tungkol kay Gail?!" Matigas na tanong niya. Napangiti ako, the sensitive part of the monster.
"Aw, who cares? At least I know diba?"
Napasinghap ako ng mas hinigpitan niya ang kapit sa braso ko. "Kanino?!"
"K-Kay Ma'am Sanchez." Nasasaktang sabi ko.
"That lady." Madiing sabi niya. Binitawan na niya ako sabay talikod.
"It's almost year, bakit hindi mo parin siya nakakalimutan? I-I'm here." Nakayukong bulong ko na sa tingin ko eh narinig niya kasi napatigil siya sa paglalakad palayo.
"You can never replace her. You're just a stupid bitch who doesn't know her place. You're no match to her."
...pagkatapos ng line niyang yun, iniwan na niya akong nakatulala do'n sa rooftop. Nagsimula na'ring umagos ang mga luhang hindi ko alam na kanina pa pala namumuo sa mga mata ko.
~~~~
"Class 4-F, I'm your new teacher. Mrs. Patricia Scott."
Nagulat ako ng may pumasok na ibang babae sa room. Mas nagulat ako in-announce niya na siya ang bagong teacher namin. Huh?! Nasa'n si Ma'am Sanchez?!
"I am sad to say Ma'am Sanchez passed away because of a car accident."
Nabitawan ko ang ballpen ko na ginagamit kong pangdoodle kanina.
***
Much love from meee
xoxoxoxo
Charl Lianne
BINABASA MO ANG
Class 4-F And I
Novela JuvenilIsang classroom na puno ng mga delinquent students. Sino bang gustong mapunta do'n diba? Wala. As in wala. Except me. I love Class 4-F And I'm sure they love me, too.