Chapter 39.1: Daphne's
****
"Are you serious about this?! This is ridiculous, damn! Hahahahahahahaha!"
Hindi pa rin ako makamove on sa epic na pakulo ng ina ni Drake na si Daphne! Putspa, akala ko mamamatay na ako tapos yun pala walang bala! Kaya pala hindi ako kinakabahan at walang nagfaflash back na kadramahan sa utak ko eh!
"SHUT UP!" iritadong sigaw niya. Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy na lang sa pagtawa. Grabe!
Halos hindi na maipinta ang mukha ni Daphne habang nakacross arms at nakaupo sa upuang pinakuha niya sa men-in-black niya kanina. Pang-ilang beses niya na akong sinigawan tungkol sa pagtahimik but I just can't! It's frigging hilarious!
"S-Sorry! Hindi ko po kasi mapigila---hahahahaha!"
Si Kuya na nagbigay ng baril na walang bala, ayon, nafired agad. Kawawa naman siya! Mana sa amo niya eh, tatanga-tanga...
"Mom, it's getting dark. Let her go."
Nabaling ang atensyon ko kay Drake ng bigla siyang magsalita. So concern siya? Psh, kanina nga hindi niya pinigilan yung ina niya na barilin ako eh! Kung nagkataon pala na may bala yun, edi deads na'ko!
"Ikaw Drake! Kung nagkataong may bala yun at nabaril talaga ako ng baliw mong ina---excuse me, ng ina mo pala, mumultuhin talaga kita! Namumuro ka na sa'kin ah! Sa school pa lang... Tsk, tsk, ang lakas naman ng genes ng mama mo. Hahahahaha!" nag-umpisa na naman akong matawa kaya hindi ko napansin na nakatayo na pala si Daphne sa harapan ko.
Oh, so naiinis din pala siya?
Sumeryoso ako at nilabanan ang mga titig niya sa'kin. But there's something missing in her stare. May kulang. Iba sa kanina. Hindi ko alam kung ako lang yun, o talagang nawala ang tapang sa mga mata niya.
Dahil sa pinagtawanan ko siya, naubos ang self-esteem niya? Wtf.
"Okay... so, why the hell are you giving me that look?" hindi ko napigilang pagmasdan ang mukha niya.
She's pretty, yeah. Halatang nung kabataan niya ay kasing ganda ko siya. Oo nga, maniwala ka. Gano'n siya kaganda.
"Let her go." mahinang bulong niya pero narinig naman siya ng mga alipin niya. Agad silang kumilos at tinanggal ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Hooo, freedom!
Yun lang pala ang kailangan para pakawalan ako nitong babaeng 'to eh!
"Walk her home, Drake." malumanay paring sabi niya. Tumayo na ako sa upuan at nag-inat inat. Ilang oras din ata akong nakatali ah?
"Thanks for the thought, Daphne. But I can manage..." sagot ko at nag-umpisa ng maglakad palabas ng kwarto. "Uh, pahiram na lang ako ng phone, then patawag na din. Kung okay lang."
Tinawag niya yung isang men-in-black niya at pinalapig sa kanya. Inabot niya yung phone niya tapos pinalapit sakin. Kinuha ko naman ito sa kamay ng lalaki nang ilahad niya ito sa'kin. Okay, wtf?
Well, whatever. Gusto ko lang makauwi na at makatulog. Damn, whatta day.
Dinial ko ang number ng Driver namin pero bago ko pa man ito maitapat sa tenga ko, biglang may umagaw sa kamay ko. Now what?!
"Why?!" inis na tanong ko kay Drake. Ibinalik niya sa lalaki yung phone at hinatak ako palabas ng kwarto. Kinaladkad niya ako ng Kinaladkad pababa hanggang sa makarating kami sa parang parking lot nung bahay.
All this time, nakatingin lang ako sa likod ni Drake. I wonder what's up with her mom? Mukhang hindi normal mag-isip ang ina niya.
"Drake---"
BINABASA MO ANG
Class 4-F And I
Roman pour AdolescentsIsang classroom na puno ng mga delinquent students. Sino bang gustong mapunta do'n diba? Wala. As in wala. Except me. I love Class 4-F And I'm sure they love me, too.