Chapter 25

2.8K 97 0
                                    

Chapter 25: Truth

****

"Okay Guys, we're off to go."

Naglakad na ako papunta sa sasakyan namin habang nakachin-up.

"Seriously?"
"Bakit kasama pa'ko Pierre? Dapat tutulong na lang ako du'n sa room eh!"
"Shut up. Kailangan natin bantayan si Forest."

Napabuntong hininga ako nang marinig ko ang bulungan ng tatlo. Si Jared, Gerald at Pierre. Yeah, I don't know their purpose on joining us. I see their point, gusto akong protektahan from Gail pero kailangan ba tatlo pa sila? Ang OA kaya.

"Pwede bang maiwan na ang dalawa dito?" Sabat ni Gail na pormadong-pormado eh sa supermarket lang naman kami pupunta.

Nasa likod ko sila at nakasunod lang sa'kin habang naglalakad ako patungo sa sasakyan namin. Nang makarating ako, tinanguan lang ako ni Kuya Driver at pinagbuksan ng pinto. Pumasok naman na ako at sumunod na sila na umupo sa likuran. Ito kasing van ang ginamit namin kasi obviously, hindi kami kasya du'n sa sasakyan na ginagamit namin pagpapasok ako.

Narinig kong tumawa ng sarcastic si Pierre. "Hell no." Matigas na sabi niya habang nakacrossed-arms. Kita ko sila dito sa rear view mirror na nagsisikuhan ni Gerald. Si Gail naman, katabi si Terrence sa hulihan tapos katabi niya si Silver. Si Silver na nakatingin sa'kin.

Iniwas ko agad ang mga tingin ko at itinuon na lang ang atensyon sa daan.

"Okay na po ba, Ma'am Forest?" Tanong ni Kuya Driver sa gilid ko. Tumango nalang ako habang hindi parin iniaalis ang tingin sa unahan.

Tahimik lang buong byahe, well except du'n sa mga times na nag-aasaran at nagmumurahan sila Gerald sa likod ko. Except din yung times na nagmumusical outburst si Jared na happy-ing happy na nagsasound trip habang nakahead set. Okay? Exempted yo'n.

"We're here." I announced as the car halted in the parking lot of the mall.

"Finally." Singhal ni Gerald na kanina pa reklamo ng reklamo na nagugutom na daw. Naiihi na daw. Nauuhaw na daw. Masakit na daw pwet niya kakaupo. Nangangalay na daw. Nasusuka na daw. Inaantok na daw. Kahit 15-20 minutes lang yung byahe, ganyan na agad kadami ang reklamo niya.

Binuksan ko na ang pinto at saka lumabas. I can't afford to waste time, masyadong maraming ingredients ang bibilhin namin kasi masyadong maraming table for costumers ang laman ng 4th floor. Siguro naman 28 boys would suffice the Butler Cafe 'no? Kasi kung hindi, epic fail yun. Buti na nga lang marunong yung 8 na magluto at marunong sa kusina kaya nakahinga ako ng maluwag kanina nang itinanong ko 'yon. So, 18 boys lang ang server tapos 2 boys du'n sa may pinto na magwe-welcome.

"Faster guys." Sabi ko habang hindi lumilingon sa kanila na sigurado akong nasa likod ko lang.

"May kamag-anak ka bang kabayo, Kagubatan?! Ba't ganyan ka kabilis maglakad?!" Sigaw ni Gerald na ikinalingon ko.

"Did you just insulted me?!" Singhal ko. Wait, I think that line is famili---

"ARAAAAAY!"

Nanlaki ang mata ko ng madapa si Gail. Nakasalampak siya ngayon sa semento at mangiyak-ngiyak. Ewan ko kung bakit siya nadapa, well siguro kasi kinakaladkad siya ni Terrence para makaabot sa'min.

Okay, I'm not evil. I didn't laugh. Tumakbo ako papunta sa kanya na nasa semento pa'din. Si Terrence naman worried na worried ang expression kaya napangiti ako. Bagay sila. Parehas tanga. -_____-

"Are you okay?" Sabi ko pagkalapit ko sa kanya. Narinig ko namang tawa ng tawa si Pierre sa likod ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Will you please stop laughing when there's nothing to laugh about?!" Sigaw ko. Tumigil siya sa pagtawa at nag-make face.

Hindi ko na lang siya pinansin at nilingon na ulit si Gail.

"Yeah, I'm fine." Mahinang sabi niya sabay pilit na tumatayo. Inilahad ko ang kamay ko para alalayan siya. "Here." Sabi ko. Si Terrence kasi parang tanga. Nakatunganga lang siya at tinitignan kami.

Ngumiti si Gail at saka tinanggap ang kamay ko. Tinulungan ko siyang makatayo at inalalayan sa paglalakad. "Ang tanga mo pala." natatawang sabi ko habang sinusundan na sila Pierre na naglalakad na papasok sa Mall.

Nilingon ko siya at nakita kong naka-pout siya. I admit it, she's cute. "Bakit ba lagi nalang 'tanga' yung term na ginagamit niyo! Don't you know it hurts!" Naiiyak kunwari habang tumatawang sabi niya.

Napangiti din ako at napatango. "Yun kasi yung pinaka-exact term." Natatawa ding sabi ko.

"Pero kahit na..." depensa niya. Umiling nalang ako at di na nagsalita. Nakarating na kami sa entrance at chineck na din yung bag namin tapos pumasok na kami. Dumiretso na kaming pito sa supermarket. Akay-akay ko pa din si Gail.

"Forest, akin na."

Napalingon ako kay Silver na naglalakad sa gilid ko. "Hm? Ang alin?" Nagtatakha kong tanong. Bigla-bigla na lang pumupusad 'tong si Silver.

"Yung bag mo." Bulong niya. Tumango tango naman ako at iginaya si Gail sa may bench para paupuin muna.

"Thank you." sabi niya pagkaupong pagkaupo niya. Tumango lang ako at ngumiti.

"Oh." Inabot ko kah Silver yung backpack ko saka itinayo na ulit. "Tara na. Let's shooooop!" Masiglang sabi ko.

"Uh, Cassandra. Pwede ba tayong mag-usap?" Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si Gail. Napalingon ako sa kanya at napakunot ang noo ko.

"We're talking. Saka, mamimili pa tayo."

"Let's leave it to the boys. Kaya na nila 'yan. I just wanna tell you something." Nakangiting sabi niya.

"No way!" sigaw agad ni Pierre. Binatukan naman siya ni Terrence at saka hinatak palayo. "Tara na, Silver." sabi ni Terrence habang naglalakad. Sumunod naman sa kanya sila Jared at Gerald. "Wait. Nandito na yung list diba?" Sabi ni Pierre na nakatayo padin sa gilid ko.

"Oo." Bulong ko. Naglakad na siya palayo at iniwan kaming dalawa ni Gail dito na parang tangang nakatayo dito sa gitna ng Mall.

"Let's sit there." Nagulat ako ng magsalita bigla si Gail sa tabi ko at itinuro yung upuan na inupuan niya kanina.

"Okay." Sabi ko saka siya inalalayan papunta do'n.

Nang makaupo na kami, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "What is it that you wanna talk about?" mariin kong sabi. Ngumiti siya habang pinapanuod ang mga tao na naglalakad sa harapan namin.

"First of, alam kong sobrang bad ng way nang pagkakakilala mo sa'kin. Since I think, yung alam lang ni Pierre ang nakarating sa'yo. But that's not the end of it."

Napataas ang kilay ko, "Are you trying to say that Pierre's a liar?!"

Umiling agad siya saka ako nginitian. "Of course not. In fact, para sa'kin, he's the most honest person I've ever met. I'm just saying na yung alam niya is kulang."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "What do you mean? Here, just cut the chase." nauubusan ng pasensya at curios na curios na tanong ko. Ano bang gusto niyang sabihin? I know tungkol to sa pàglalaho at pagbabago niya na ang alam ko eh kasalanan niya at wala ng iba pa.

"There's two Gail Sy."

I rolled my eyes. "So I heard."

"Nope. Literal na may dalawang ako."

Nanlaki ang mga mata ko. "You mean, you're mad?! You have split personality?!"

"No. I have a twin. Gale Sy."

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon