Chapter 37

2.7K 103 7
                                    

Chapter 37: Foundation Week Day 2

*****

*knock knock*

"Sweetie? Wake up! Breakfast's ready."

"Yes, Mom. I'm up." I groaned and rolled on the other side of the bed.

"Forest, baby… I know nasa kama ka pa, get up. Male-late ka!"

Naiinis kong iminulat ang mga mata ko at tinignan ang orasan. For Christ's sake, 7:00 am palang!

"Maaga pa naman po! I have school at 9!" Inaantok kong sigaw at nagtakip ng unan sa tenga.

I'm still sleepy! I'm so sleepy.

Hindi ako nakatulog ng maaga kahapon dahil sa---oh, you know the reason already… Kaya please naman Mom, makisama ka! I know you just want to make it up to me but give me more minutes! I'll be so glad.

Oh how I wish I really can tell that to Mom. I really wish I can.

*knock knock*

"Fine! I'm really up!" padabog akong tumayo at binuksan ang pinto para ma-assure ko siyang bumangon na talaga ako. "Okay? I'm up. No need to knock on the door four times…"

Gisingin mo na lahat, wag lang ang Cassandra Forest Adams na puyat at kulang sa tulog.

"Sweetie, may eye bag ka.. What time did you sleep yesterday?" Madramang fineel ni Mom ang sabi niyang existing eye bags ko. I rolled my eyes and turned my back at her.

"Confidential, Mom. Confidential."

Narinig kong tumawa siya sa likod ko pero hindi ko na pinansin. Dumiretso ako sa CR. Naghilamos at nagsipilyo ako bago tuluyan bumaba para kumain ng almusal.

Nadatnan ko si Daddy na nagbabasa ng dyaryo habang relax na relax na nakaupo sa sofa sa living room. I approached him and gave him a peck on the cheek. "Morning, Dad."

Tumango lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa. "Morning, baby."

Umupo ako sa tabi niya at nagkunwaring binabasa yung binabasa niya. "Dad?"

Napatingin siya sa'kin at napataas ang kilay. "Yeah?"

"Dad, ano kasi…" napatingin ako sa ibang direksyon habang pilit binubuo sa isip ko ang right terms na dapat gamitin sa tanong ko. "Ah, kasi…. What, what do you think of S-Silver?"

Napakunot naman ang noo niya. "Silver? Silver Storms? Your friend?"

Nahihiyang tumango ako at sumagot, "Yup. What do you think of him?"

"Why?" napatingin agad ako sa kanya nang marinig ko ang tono ng boses niya. Hindi nga ako nagkamali, nang-aasar siya. Nakangisi pa kasi habang itinutupi ng maayos ang dyaryo at ipinatong sa lamesa.

"U-uh, kasi… Tsk, never mind Dad…"

Tumayo na ako at pupunta na sana sa dining area para mag-almusal ng hatakin niya ako pabalik. "Dad?"

"Sweetie, what do you think of Silver?"

I frowned and glanced away, trying to think the rudest thing Silver ever did to me. Well… Siguro kapag tinatarayan niya ako? But that's not really rude, kasi ako minsan I'm like that. Kapag hindi niya ako pinapansin? Eh kailan ba ako nagpapansin sa kanya? Gahd, parang wala pa namang sobrang rude na ginaw sa'kin si Silver, ah?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Daddy na naghihintay ng sagot ko habang nakangiti. "Ah, he's good."

Napayuko naman ko ng biglang tumawa si Daddy. "Seriously, Forest? Good? Sa tagal mong nag-isip, good?"

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon