Chapter 15

2.7K 99 1
                                    

••••

Dedicated to @michyii

••••


Chapter 15: Genes (¬_¬)ノ


***

Uwaaaaaaaaaa!

Ang dilim na bakit wala pa rin si Kuya Driver?! Dapat kanina pa siyang 4:00 dito ah! Huhuhu, hindi ko na alam kung anong oras na kasi deadbatt na ako, nakalimutan ko din isuot yung wrist watch ko kaninang umaga.

Why now?!!!

"Mommyyyy~"

Luminga-linga ako para maghanap ng kung ano mang breathing creature sa paligid pero negative eh. Wala talagaaaaa!

"Kasi naman eh! Dapat sumama na'ko kay Terrence eh!  Nakakainis ka naman, Forest eh! Pa-hard to get pa akala mo naman maganda ka! Oo maganda ka pero dapat di ka na nagmaganda! Ugh!"

Alam kong mukha na'kong tanga dito na kinakausap ang sarili mag-isa. Naman eh!

*grrrkslkckkrosksalwk*

[A/N: PAGPASENSYAHAN ANG SOUND EFFECT. ANO BANG TUNOG NG KUMAKALAM NA TYAN? ]

Huhuhu, nagagalit na din yung halimaw sa tyan ko. Bakit ganon? Gusto ko ng umuwi!

"Oh, Miss Adams? Nandito ka pa?"

Nanginig ako ng konti dahil sa nerbyos ng marinig ko ang pamilyar na boses na'yon. Dahan-dahan akong lumingon sabay ngiti ng malapad.

"S-Sir Drē, k-kayo po pala. A-akala ko kung sino po." Nauutal na sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag kasi buti siya yung nagpakita, hindi yung expected ko at expected mo.

Lumapit siya sa'kin habang nakangiti. "Sino bang akala mo, Miss Adams?"

Natingin ako sa ibang direksyon dahil sa awkwardness. Duh, I'm talking to the Principal!

"W-wala naman po."

Tumango-tango siya kaya nakahinga lalo ako ng maluwag. Buti na lang hindi na siya magtatanong.

"Bakit nandito ka pa?" Biglang tanong niya. Napakamot ako sa ulo ko sabay ngiti.

"Dahil po sa kaartehan ko."

Syempre hindi yan yung sinagot ko. Hindi naman ako gano'n katanga. "Wala pa po kasi yung Driver namin. Dapat po kaninang 4:00  pa siya nandito. Hindi ko po kasi nasabi sa kanya na maaga po ako makakauwi kasi deadbatt na po ako." Kwento ko habang nakangiti. Tumawa naman siya ng mahina sabay hugot ng something sa bulsa niya. Mula doon, lumabas ang phone niya tapos inabot niya sa'kin. Nagtakha naman ako kaya kusang tumaas ang kilay ko.

"Ano pong gagawin ko dyan?" Tanong ko.

Napatawa ulit si Sir Drē kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Use my phone muna---"

"Move."

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid namin si Silver. Hinawakan niya yung braso ni Sir Drē sabay hawi at tulak palayo. Napakaharsh talaga ni Silver kahit kailan! Pati Principal hindi pinapatawad!

"Mr. Storm, did you jus---"

Akmang susuntukin ni Silver si Sir Drē pero tumigil din ito ilang centimeters away from his face. "---fine, bro." Lumayo ng isang metro si Sir Drē na ikinagulHo kasi sinunod niya si Silver. Pero ang mas ikinagulat ko eh yung last word niya. Ano daw?! Bro?!

"Bro?!" Gulat na tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Oh, he didn't tell you?" Nakangising sagot-tanong ni Sir Drē. I rolled my eyes in return. "Hindi, sinabi niya sa'kin. Itinatanong ko lang ulit." Sarkastikong sagot ko.

"He's my brother, Miss Adams. Oh, and cousin ko si Terrence."

"Ahhh gano'n---wait, WHAT?!" Nanlaki ng super ang mga mata ko sa nalaman ko.

So si Silver, kapatid si Sir Drē na Principal ng school tapos pinsan niya si Terrence?! So that means, magpinsan si Silver at Terrence?!

Hindi ma-process ng utak ko.

"Seryo---huy Silver ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Sa'n tayp pupunta? Huy!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng kaladkarin ako ni Silver palayo kay Sir Drē. Tinry kong kumawala sa hawak niya sa kamay ko pero sobrang higpit. Okay, at least I tried.

Nang hindi talaga ako makawala, lumingon na lang ako kay Sir Drē na nakangiti habang tinatanaw kami. "Bye po, Sir Drē!" Paalam ko habang kumakaway gamit ang free hand ko.

"Shut up." Madiin na sabi ni Silver kaya automatic na napasara ang bibig ko.

Magpinsan silang dalawa. Kaya pala magkaugali sila.

-______________-#

Class 4-F And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon