Chapter 27
Midnight Call*****
"UWAAAAAA! HANDA NA BA LAHAT?! SIGURADO?! HUHUHU, BAKA MAMAYA NYAN KULANG MAY KULANG PANG INGREDIENTS! O KAYA NAMAN---"
"[ Chillax, Forest! Kumalma ka nga! Inhale muna...]"
*inhale*
"[Okay, narinig ko. Now, exhale]"
*exhale*
"[Ngayon, kalma na. Ready na lahat kahapon pa. Hindi ka na nga nakatulog kagabi sa kakakumahog para bukas.]" narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya napasimangot ako. Hindi na nga ako magkandauga-ga dito, tinatawanan niya pa'ko!
"Ano ba?! Bakit tumatawa ka pa dyan?!" nakasimangot na sigaw ko sa kausap ko sa phone. Guess who?
"[Forest, huwag mo nga i-stress out ang sarili mo! Sayang, baka pumanget ka bukas! Naka-maid outfit pa naman tayo tapos parang nagahasa ang itsura mo.]" sabi niya habang tumatawa pa din. I just sighed and nodded. May point naman siya.
"Tss. Now that you mention it, sigurado akong pagtatawanan tayo bukas nila Pierre."
Haist. Naalala ko na naman yung itsura ni Pierre nung ipakita ko sa kanila yung costumes namin.
"Serio--HAHAHAHAHA! Mukha ka talagang maid dyan! Dapat magdala ka--HAHAHA!--din ng feather duster, Forest! P-para---HAHAHAHA--perfect na talaga!"
-_________________________-#
"[Uh, well...]" biglang lumungkot yung boses ni Gail kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Oh my gosh!
"Hala, uy, sorry Gail!" paumanhin ko ng maalala ko na hindi pa nga parin pala okay si Gail at Pierre.
Well, after kasi nung iyakan scene namin dun sa bench sa mall, sinundan na din namin sila Silver na kalahati pa lang ang napapamili. Sa dami nila, oo, kalahati palang pagdating namin. Grabe nga yung reaksyon ni Pierre nang makita niya na namumula yung mata ko. Nilapitan niya agad ako at in-examin, tinatanong kung inano daw ako ni Gail. Napatawa na nga lang ako sa ka-OA-an niya eh.
Tapos yun, binili na namin lahat ng kailangan tapos dumeretso na sa school school para ayusin sa ginawa naming parang kusina na part yung mga ingredients. Oh by the way, nag-hire na lang ako ng mga chef kasi for sure baka ma-fail lang yung 8 may alam magluto. Nanigurado lang ako...
"[Hoy, Forest? Nandiyan ka pa?]"
Naibalik lang ako sa kasalukuyan ng magsalita si Gail na malungkot parin ang boses. Well, nabanggit ko kasi si Pierre, na hindi parin siya pinapatawad kahit na tinulungan ko siyang mag-explain. Nakumbinsi namin lahat maliban sa kanya. He doesn't trust her, he said.
I sighed, "Yeah, I'm still here. Sorry nga---"
"[Ano ka ba! Okay lang yun. Basta ganito, huwag mo ng i-stress ang sarili mo. Gabi na din, matulog kana. Maaga pa tayo bukas.]" masigla na ulit yung boses niya.
Sa totoo lang, I envy her. Seriously, kung ako yung nasa posisyon niya that time, baka sumuko na ako sa buhay ko. I'll consider killing myself though. Because I am not strong. Hindi ako kasing lakas niya. Besides, hanga rin ako kasi naman, kahit sobrang bitter ng mga nangyari, feeling ko wala man lang hatred na nabuo sa puso niya. Kahit konti.
"Oo nga pala. Anong oras ka papasok? Gusto mo dumaan ako sa inyo? Para ma-make up-an din kita!" excited na sabi ko habang umiikot-ikot sa kama ko. Narinig ko namang tumawa si Gail sa kabilang linya kaya napatawa din ako.
"Sure, Forest. Basta agahan mo ah? Baka magkagulo ang 4-F du'n." natatawang pagpayag niya kaya napasigaw ako sa tuwa.
"Waaaaa! Na-miss ko magkaro'n ng best friend!" natutuwang sambit ko. More like to myself. I just said it out loud. Hindi ko na kasi mapigilan ang tuwang nararamdaman ko. Akala ko kasi bumalik si Gail para guluhin ang lahat.
Maybe I thought wrong. No, I really did.
Narinig ko ulit ang malakas na pagtawa niya kaya napangiti ako. At least I can make her laugh.
"[So, we're best friends?]"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "So we're not?!" nakasimangot na sabi ko. Narinig ko ulit siyang tumawa kaya mas lalo akong sumimangot. "What?!"
"[Huh? Sabi ko, we're best friends. Wala naman akong sinabing hindi ah! Besides, it's a statement.]"
Napangiti ako ng sobrang lapad sa sinabi niya. Childish na kung childish. Pero, namimiss ko lang talaga magkaroon ng kaibigan.
"Ah, akala ko pipilitin pa kita eh." umikot ako sa kabilang side ng kama at napakag ng labi. I miss having late-night calls with a friend.
"[So, best friend. Matulog ka na. Beauty rest na.]" tumatawang sabi niya. Napatango ako at napasulyap sa wall clock ko at nakitang 11:35pm na.
"Okay. Basta bukas ah? Dadaan ako sa inyo!"
"[Opo. Opo.]"
"Hm-hm." Pagkasabi ko no'n, ibinaba ko na.
Napangiti ako ng sobrang lapad saka ini-spread ang dalawa kong kamay pa-sidewards at tumitig sa kisame. "I wonder how Diana's doing right now?" bulong ko sa sarili ko nang maalala ko ang isang tao na sobrang halaga ng papel sa buhay ko.
Nobody sees, Nobody knows~
We are a secret, can't be exposed~
That's how it is, that's how it goes~
Far from the others, close to each other~Napaupo ako at napasulyap sa phone kong nagriring. Kinuha ko ito at literal na nanlaki ang mga mata ko. Si Silver tumatawag!
Agad-agad ko itong sinagot at kinakabahang napakagat sa mga fingernails ko. "H-Hello, Silver? Napa---"
"[Sinong kausap mo? Kanina pa busy yung number mo.]"
0/////////////0
Hindi naman sa ano ah! Pero feeling ko nabasa ko na itong eksenang to sa mga stories. Sa mga ganitong scenes at mga lines ng lalaki, I'm possitive nagseselos or nagiging possessive siya!
Naramdaman kong nagsi-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko at sobrang pula ko ata!
"A-Ah, kanina ka pa ba t-tumatawag?" kinikilig pero hindi ko ipinahahalatang tanong ko. Indirect answer! Kapag nagtanong ulit, confirm ang hinala ko!
"[Oo. Sino nga yung kausap mo?]" naiiritang sagot-tanong niya... okay. Hindi ko napigilan.
"Waaaaaaaaaa!"
Oo, napatili ako. Napatili ako sa kilig for goodness' sake!
"[What the---bakit ka sumisigaw diyan?!"
Nakagat ako sa ibaba kong labi para pigilan ang pangalawang tili ng babaeng naglalandi sa kwarto niya mag-isa.
"Ah, wala wala. May magnanakaw kasing nakapasok sa bahay." Ano ba yan Forest! Ang lame naman ng dahi---
*boogsh*
"Silver?! Anong nangyari?!" worried na tanong ko. Bigla na lang kasing parang may nadapa o kaya natalisod sa kabilang line eh.
"[What the f*ck?! Wala ba kayong Security dyan sa sub niyo?! Shit, nasa'n ka?! Tumawag ka ng pulis pupunta na'ko ja---"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
I swear pa na'kong tanga dito sa sobrang lakas ng pagkakatawa ko. Seriously naniwala siya?! Laughtrip!
"[W-what's funny?!]" worried parin at naguguluhan siguro na tanong niya. Napahawak ako sa tiyan ko kasi sobrang--promise!--sobrang tawa ko.
"E-eh kasi--Hahahaha-nagjojoke lang naman---a-ako!" nahihirapang huminga pero tawa parin ng tawa na sabi ko.
"[You what?!]"
"Joking. Hahahaha! Benta!"
"[You think that's funny?!]"
"I-it's not?!"
"[Let's see tomorrow.]"
*toot toot*
Napalunok ako. Natuyo ata lahat ng laway sa lalamunan ko.
What did I just do?! Paki-remind nga po akong umiwas sa paningin ni Silver bukas.
BINABASA MO ANG
Class 4-F And I
Novela JuvenilIsang classroom na puno ng mga delinquent students. Sino bang gustong mapunta do'n diba? Wala. As in wala. Except me. I love Class 4-F And I'm sure they love me, too.