Chapter 28: Booth Day
*****
"Manang! Aalis na po ako, ah?"
"Oh sige, Forest. Gagabihin ka ba?"
"Hindi po ako sigurado."
Naglakad na ako palabas ng bahay at dumiretso na sa sasakyan. Tinanguan ko lang si Kuya Driver saka excited na umupo sa back seat.
I'm so excited!
"Kuya, sa Hanase's Haven po muna tayo. Dadaanan ko lang po si Gail." nakangiting sabi ko kay Kuya Driver habang excited na nakatanaw sa daanan.
"Napansin ko Ma'am Forest, lagi ka na ulit nakangiti ah?"
Napasulyap ako kay Kuya Driver sa rearview at nakitang nakatingin lang siya sa daan habang nakangiti.
"Well, Kuya, I found a best friend sa school!" masiglang sabi ko. Biglang nagflash sa utak ko so Gail habang nakangiti. Napangiti din ako ngunit naglaho agad it ng magsalita ulit si Kuya Driver.
"Kumusta na nga po pala si Ma'am Diana?"
Natahimik ako. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Tinatanong ni Kuya kung kumusta na siya. Napangiti ako ng malungkot. "Gusto ko rin po yang itanong sa kanya. Kaya lang po, wala na po kasi kaming contact."
"Ay nako, Ma'am Forest! Pasensya na po. Hindi ko po sinasadya na ipaalal---"
"No, okay lang po. Besides, I miss her."
Napatungo ako at napatitig na lang sa mga daliri kong nanginginig sa di ko malamang kadahilanan.
"A-ah, nandito na po tayo. Hindi po tayo papapasukin kasi exclusive village po ito."
Napatunghay ako at napangiti na ulit ng makita kong nasa tapat na kami ng Entrance Gate papasok sa sub nila Gail. "Okay na po ako hanggang dito, Kuya. Naghihintay po si Gail sa may---ayon po siya!" Kinaway ako ni Gail kasi kita nama ako, ibinaba ko kasi yung bintana kaya kumaway na lang din ako. "Pakihintay na lang po kami dito."
Bumaba na ako at sinalubong si Gail na tumatakbo papunta sa'kin.
"Grabeeee! Ang ganda mo, Forest!" bungad niya. Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Wag ka nga!" I pouted.
Napapikit ako ng pisilin niya ang pisngi ko. "Ang cute mo!"
I glared t her but she just laughed at me. Naman eh!
"Ang ganda mo talaga, tara na." Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko at nag-umpisa na kaming naglakad habanv ako eh nakasimangot pa din.
"Tsk. Ayoko nga magmake-up sana kaya lang ang panget naman kapag wala." sabi ko habang tinitignan ang mga bahay na nadadaanan namin.
"Huh? Nakamake-up ka ba? Parang lipstick lang naman ang meron ka." sabi niya habang ibinabaling ng mata ko paharap sa kanya. In-examin niya yung mukha ko habang nakakunot ang noo.
Napanguso na lang ako. "Considered pa din yun."
"Hays. Dito lang." Tumigil kami sa isang hindi gaano kalaking bahay pero sobrang ganda. Plain white lang yung disenyo pero halata paring sophisticated.
"Nice house." sabi ko habang inoobserbahan ang paligid ng bahay nila. Simula sa mini gargen na punong-puno ng malalagong bulaklak at yung swing na parang wala ng nakakagamit matagal na.
"Thanks. Tara, pasok tayo."
Napatango na lang ako at sumunod na lang kay Gail. "Oh by the way, sinong kasama mo dito?" biglang tanong ko ng maalala kong nasa-States parin ang kambal at Mommy niya.
BINABASA MO ANG
Class 4-F And I
Teen FictionIsang classroom na puno ng mga delinquent students. Sino bang gustong mapunta do'n diba? Wala. As in wala. Except me. I love Class 4-F And I'm sure they love me, too.