••••
Dedicatedq to@ImHisHeartbreaker
••••
Chapter 12: FOREVER!
****
"Wag ka ngang ngumiti dyan. Ang panget mo."
Napatawa ako ng mahina. Tinignan niya ako ng masama kaya itinikom ko na ang bibig ko. Tumingin ako sa mga Classroom na nadadaanan namin. Kusa talagang napapangiti yung labi ko eh!
"Sabing wag---"
"It's unintentionally. Kusa." Nakangiting putol ko sa sasabihin niya.
"Tss."
Narinig kong tumawa si Pierre kaya mas lalo akong napangiti. Nilingon ko sila saka kinindatan. Tumawa lang lalo si Pierre at inirapan lang ako ni Jared. Pinagtaasan lang akong kilay ni Silver.
Oh, nakilala niyo na ba si Silver Storm? Siya yung lalaking laging natutulog sa klase. Laging lutang. Laging nakatanga. Mukhang sabog pero sobrang gwapo. Hindi ko alam pero parang may something sa kanya. Hindi kasi siya inaasar o inaalaska ng kahit sino sa room. Kung magtatanong siya, lagi siyang sinasagot ng seryoso at tamang sagot.
"Bakit sumama ka pa Silver? Baka busy ka, sana---"
"Wala kang pake."
-__________________-
Nevermind. Tumingin na ulit ako sa unahan at medyo nararamdaman na yung sakit ng higpit ni Terrence. Hindi ko nalang pinansin kasi masyado akong natutuwa sa pagsama nila.Isang liko na lang 4-A na. Nasense ko na agad ang 'righteousness' sa atmosphere. Syempre first section 'to kaya expected ko na ang napakabuting hangin sa paligid.
Binitiwan na ako ni Terrence. Hinawakan ko agad ang braso ko pero binitawan ko din ng tignan niya ko habang nakataas ang kilay.
"Hehe, wala." Sabi ko habang nakapeace sign. Binilisan ko ang lakad ko at umuna na sa kanila. Pumasok na ako sa loob at medyo napanganga sa itsura ng Classroom ng 4-A.
Heaven ba'to?!
Nagulat ako ng may humatak na naman sa braso ko. Tinignan ko ng masama ang lapastangan pero napangiti ng makita kong si Pierre yon. "Hahaha. Nakakahiya ka talaga. Nakanganga ka pa dyan. Tara dun tayo."
Tumango na lang ako at nagpatangay nalang sa kanya. Umupo kami sa pinakadulong part. Nasa pagitan ako ni Pierre at Jared.
Nilibot ko ang mga mata ko sa buong room. Nakatingin sa'min halos lahat ng students sa loob. Pinagtaasan ko sila ng kilay kaya tumingin sila sa ibang direksyon. Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang lalaki na hindi natitinag sa katitingin sa'min, rather sakin kahit kanina ko pa sya tinitignan ng masama.
Obviously, si Drake Bodreux siya.
Nakangisi pa siya kaya mas nairita ako. Ba't hindi ko naisip na posibleng nandito siya kasi malamang siya ang ClasRep ng 4-A? Kaasar.
"Kalma, Forest. Hahahaha" nilingon ko si Pierre ng magsalita siya sabay tawa. Bumuntong hininga nalang ako at itinuon na lang ang tingin sa pintuan. Puno na yung Classroom at ang hinihintay na lang ata ang teacher na magmimeeting.
"Diba tungkol lang naman sa booth o house na gagawin natin ang meeting?"
"Siguro. Wala namang iba eh."
"Basta sa'tin ang Party House."Party House?! Anong klaseng booth yun? Napangiwi ako ng marinig ko ang bulungan ng sa tingin ko eh Class 4-B. Pamilyar kasi yung lalaki, parang nakita ko na siya sa 4-B ng mapadaan ako dun one time.
"Okay everybody, stand up." Napatingin ako dun sa babaeng nagsalita sa unahan. Mukha siyang teacher pero hindi ko pa siya nakikita ever.
Nagsitayuan silang lahat maliban sa'min.
"Tumayo daw, 4-F." Bulong nung babae sa unahan namin na sa palagay ko 4-D. Tinignan ko sila Jared at sa palagay ko ulit, wala silang balak tumayo. Kinalabit ko so Terrence na katabi ni Pierre atsaka binulungan. "Tumayo daw, Terrence."
"Tss." Tumayo siya kaya nagsitayuan na din sila Pierre. Tumayo na din ako at ngumiti na dun sa teacher na nakatingin lang samin.
"Sit." Sabi nung teacher. Napangiwi na naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Papatayuin kami tapos papaupuin din?
Pabarag akong umupo dahil sa irita. Pinapagod lang niya kami eh!
"E-excuse me, Miss? Do you have a problem?" Tanong niya habang nakatingin sakin.
I smiled sarcastically at her, "Nothing, Ma'am. I'm just hungry so please make this fast."
Siniko naman ako ni Pierre kaya tinignan ko siya ng masama. "What?!" Iritadong bulong ko.
"Hahahaha." Tinawanan niya lang ako kaya mas lalo akong nairita.
"U-Uh,so everybody. Listen, ang meeting na ito ay tungkol sa Foundation Week." Nakangiting sabi niya.
"Oh, you don't say." Bulong ko. Yes, bulong lang talaga dapatsiya pero satingin ko napalakas kasi napalingon silang lahat sakin.
Pinagtaasan ko sila ng kilay kaya tumingin naulit sila sa unahan. Nagpatuloy na lang ulit yung teacher.
"Kailangan naming malaman ang napili niyong booth para malaman namin kung may magkakapareho at maiba na agad, okay?"
Tumango lahat maliban saming lima.
"Let's start with Class 4-A. Ano ang napili niyo?"
Tumayo si Drake. "Marriage Booth po ang Class 4-A, Miss Richards."
Napatango si Miss Richards daw sabay sulat sa papel. "Okay. 4-B?"
"Party House po."
"Hm-hm. 4-C?"
"Jail booth po."
"4-D?"
"Undecided pa po."
"Okay. Sige iinform niyo nalang ako. 4-E?"
"Videoke house po."
"C-Class 4-F?"
"Butler Cafe." Sagot ko.
Napatingin sa'kin lahat pero hindi ko pinansin.
"So far wala namang nagkakaparehas. Anyways, Sir Drē informed us na merong pagbabago ng konti."
"Huh?!"
"Ano?"
"Why?"
"Meron?""Okay everyone, listen. You don't get to use your own classroom. Magbubunutan." Nakangiting sabi ni Miss Richards. Napangiti din ako. We need to get the most beautiful spot. Ang classroom ng 4-B. Maganda kasi ang room nila kasi nasa may bungad yun. Madaling mapuntahan.
"Deal." Bulong ko. Sa tingin ko kami lang ang hindi ual. Pati Drake nagreklamo eh.
"Wala tayong magagawa. Kailangan natin sundin kasi utos ng Principal yun. Okay, bumunot na ang representative dito sa box." Tinuro niya yung box sa unahan. Tumayo ako at naglakad papunta sa unahan. I'm a lucky drawer~
Bumunot na'ko at ramdam kong nakatingin silang lahat sakin. Bumalik na ako sa upuan ko at nagtayuan naman ang iba at bumunot na din. Umupo ako at dahan dahang binuksan ang papel.
Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ng nakuha namin.
'Class 4-F'
UGH FOREVER NA BA TALAGA KAMING MATATALI SA CLASSROOM NA'YON! HUHUHUHU~
BINABASA MO ANG
Class 4-F And I
Novela JuvenilIsang classroom na puno ng mga delinquent students. Sino bang gustong mapunta do'n diba? Wala. As in wala. Except me. I love Class 4-F And I'm sure they love me, too.