Tuluyang nilamon ng dilim ang kalangitan habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan. Sinamahan pa iyon ng nakakagulat na kulog at kidlat. Malakas ang ihip ng hangin na makikita dahil sa galaw ng animo'y sumasayaw na kurtina ng nakabukas na bintana.
Rinig na rinig ko mula sa labas ang alulong ng mga aso na animo'y nakakita ng multo.
Oo, naniniwala ako sa multo. Sa mga kaluluwang hindi makarating sa paroroonan nila. At gusto nilang hilahin tayong mga buhay sa impyerno. Dati ang buong akala ko'y hindi totoo iyon. Akala ko'y produkto lang ng malilikot na pag-iisip ng mga tao ang mga kaluluwang nananakot raw.
Pero nagbago ang pananaw kong iyon nang makasalamuha ko sila mismo. Akala ko hindi nila kayang manakit dahil patay na sila. Pero mali ako.
Nabago ang buhay ko dahil sa isang gabing akala ko ay magiging masaya. Kasama ko no'n ang aking mga kaibigan sa isang resort na inakala nami'y pangkaraniwan lang. Ang gusto lang namin ay makapag-saya at makapag-pahinga naman sa stressful na student life namin.
But everything went extraordinary. Hindi ko naman inasahang iyon na pala ang huling pagkakataon na magkakasama-sama kami.
Walong ordinaryong magbabarkada lang kami. Pero ginimbal kami ng isang gabing puno ng hiwaga. Isang nakakasindak na gabing tumapos sa buhay ng mga kaibigan ko. Maging ako'y para na ring pinatay. Oo, humihinga pa ako pero nakakulong pa rin ako sa mga pangyayaring iyon.
Lahat ay nagbago. Nabalot ako ng takot at pangamba.
At iyon ay dahil lang sa isang...
OVERNIGHT.
BINABASA MO ANG
Overnight
HorrorEight people... One haunted resort. Samahan mo sila sa isang nakagigimbal na gabi. Samahan mo silang harapin ang mga nakakatakot na kaluluwang gusto silang hilahin sa impyerno. Pero sasamahan mo ba sila... hanggang hukay?