(Nads)
Kadarating lang ng bagong leading man ng movie na ipoproduce ko.
"Gwapo na ba ako?" Tanong n'ya sakin nung nakita n'ya ako.
He's an old friend of mine kaya ganyan syang makipagusap. Baguhan sya sa industry, hindi pa nga sya gaanong kilala eh. Pero sobra ang bilib ko sa acting skills n'ya kasi natural lang.
"Wag mo ng intindihin kung gwapo ka, kailangan mo nang pumasok sa loob. Hinihintay ka na ng lahat." hinila ko agad sya papasok bago pa s'ya makasagot.
"Everyone! Come over here." Nagsipuntahan naman ang lahat sakin.
"This is Zander, the leading man." Yung iba, halata na gwapong-gwapo sila at yung iba naman ngumiti lang.
Nagpakilala naman sila kay Zander. Pero iba talaga yung pagpapakilala ni Bella sa kanya:
"I'm Bella, your co-star. Yes, I'm very attractive but don't fall in love with me. I'm here for work and nothing else." Hindi ko alam kung natatawa o humahanga si Zander sa kanya kasi iba yung reaction n'ya pagkatapos.
"Oh. I'm Zander. Don't wory I won't. I have a girlfriend" priceless ang mukha ni Bella nung narinig nya yon.
"That's great. I need to go." tas umalis na sya, napahiya ata. Yan ang hirap sa magaganda, masyadong confident sa sarili.
Sa kalagitnaan ng paguusap ng mga staff nagtanong bigla sakin si Zander.
"Where's the director?" Ay. Nakalimutan kong tawagin!
"Nads! Wag mo nang papuntahin yung leading man na sinasabi--" sakto.
"Is she the director?" Bulong nya sakin nung narinig nya ito. Tumango ako.
Nakita ko syang papunta dito. Dala-dala lahat ng papel na kailangan ni Zander
"You're late. At dahil sayo madedelay pa ang shooting ng film ko. BERNA! Bigay mo nga dito yung script nya. 1hr para sauluhin mo yung lines and after that you should be ready. 4 na scenes ang gagawin natin." Wala man lang bang formality?
Hindi pa rin sya tumitingin kay Zander kasi busy sya sa paghahanap ng mga scene.
"Here's the sce--" Napatigil sya bigla nung nakita nya ito. Aba. Bakit?
"Vens, siya nga pala si Zander, ang bagong gaganap na Kiko" nakakahiya naman kasi. Hindi man lang nya tinanong kung sino s'ya.
Nagkatinginan lang sila. Siguro mga 3 secs din yon bago s'ya magreact.
"Im Venice, your director." Hindi nakangiti si Vens, nakangisi kasi sya.
"I'm really sorry for that. Magkaroon kasi ng emergency sa bahay. Pero next time I'll be on time." ngumiti si Zander kay Vens.
"If may problem ka or gustong itanong, just consult me." Tas umalis na s'ya ng tuluyan.
"Sorry ha? Ganon lang talaga yon pag naiinis. But she's nice." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"That's fine. May right naman syang magalit sakin and besides she's the director, natural lang yon. Btw, nasan yung tent ko? Can I go there? I want to rest for a while."
"PIPO! PLEASE ASSIST ZANDER TO HIS TENT" Agad namang pumunta si Pipo sa pwesto namin.
"Zander, Pipo. Pipo, Zander. Just tell Pipo what you need." Tumango sya at nagpasama na kay Pipo papunta sa tent nya.
--
Pinuntahan ko si Vens para iconsult s'ya sa bagong venue para bukas pero nakalock yung pintuan nya.