**
"Magkatabi tayo sa duyan sa ilalim ng buwan. Buhangin sa ating mga paa, ang dagat ay kumakanta" Napangiti sya habang naririnig ang boses ng pinakamamahal nyang lalaki.
"Matagal na rin tayong magkakilala. Minahal na kita, simula pa nung una. Unang makita ang yong mga mata." Tumingin ang binata sa kanya. Kasalukuyan silang nakahiga at ang ulo nya ay nakapatong sa braso ng binata.
"Sana ay huwag nang matapos to. Pagibig na para lamang saiyo" Sabay silang umawit habang nakatingin sa madilim na kalangitan na puno ng makikinang na bitwin.
"Sabi ko naman sayo, sasabayan mo lagi ako sa pagkanta. Hindi lang sa chorus! Ang ganda kaya ng boses nating dalawa, bagay na bagay." Tumawa naman ang dalaga sa kanya. Hindi nga maganda ang boses nya eh.
"Alam ko lang, bagay na bagay tayo kahit na sintunado ako." Niyapos naman sya ng lalaki at hinalkan sa noo.
"Wala naman akong paki kung sintunado ka. Bagay tayo kahit na anong mangyari." Tumango naman ang dalaga sa kanya. Lalo namang hinigpitan ng lalaki ang pagkakayapos nya.
"Sabi nila swerte mo raw sakin. Pero kung tutuusin, ako ang mas maswerte satin. Ikaw ang pinapangarap ng kahit na sinong babae. Maswerte ako kasi lagi kang nandyan para sakin. Mahal mo pa rin ako kahit na maldita ako."
"Mas maswerte ako sayo. Dahil minsan lang makakita ng babaeng katulad mo. Sila, si Maria Clara ang nahanap, ako naman si Paulita Gomez." Pinisil naman ng dalaga ang ilong nito.
"Binobola mo nanaman ako." Inayos ng binata ang pagkakahiga nila.
"Elizabeth Venice Arete R. Capistrano, ikaw ang Paulita Gomez ng buhay ko. Para sayo, handa akong maging si Isagani. Ang pagmamahal ko sayo ay parang pagmamahal ni Rizal kay Leonor Rivera, sobra sobra. Handa kitang pakasalan sa ano mang simbahan. Mali man, pero handa kitang ipaglaban." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at tinayo ito.
Sinayaw nya ito ng parang prinsesa. Kahit na walang tugtog. Mukha man silang tanga, ayos lang dahil handa syang maging tanga para sa kanya.
**
"Venice! Venice! Venice!" Agad syang nagising sa pagkakaidlip. Hindi nya napansin na nakatulog na pala sya. Inayos nya na ang sarili, bago buksan ang pinto.
"Sorry. Nakatulog ako. Ano nang nangyari?" Tanong nya agad kay Nads.
Nakatingin lang si Nads sa kanya.
"Heka. Umiyak ka ba? Anong problema?" Tiningnan nya ang mukha sa salamin. Hindi naman ganong kamugto ang mata nya pero halata pa rin na galing sa pagiyak.
"Kinusot ko lang yan. Inaatok nga kasi ako kanina. Pati, kakagising ko lang." Ngumiti naman sya para maconvince si Nads na ayos lang sya.
Pumunta na agad sila sa set. Nung nakita ng mga crew si Venice agad silang nasibalikan sa pwesto. Walang tanong tanong kung anong nangyari, umupo si Vens sa upuan nya at kinuha ang michophones.
"Actors, ready?" Tanong nya. Tumango naman ang mga ito.
"Five, four, three, two one ACTION!" Sigaw nito.
Nakaupo pa rin si Bella at Zander. Umiiyak pa rin ito, tumayo si Zander at iniwan si Bella.
Hindi agad ito napansin ni Bella. Nung napansin nya na ito, malayo na si Zander.
Tumayo si Bella. Saktong pagtayo ni Bella, bumuhos na ang ulan.
"Pati ang langit, nakisabay sa pagdadalamhati ko." Bigla syang napaupo sa damuhan.
Napansin nyang walang tumutulong ulan. Napatingin sya sa paligid, umuulan pa rin. Napatingin sya sa itaas nya. Nakita nya ang dilaw na payong.
Napatayo sya at niyakap si Zander.
"Akala ko iniwan mo na ako" Naiiyak na sabi ni Bea.
"Shh" Hinagod nya ang basang buhok nito.
Bumitaw na sa yakap si Bella. Pero nakatingin pa rin sya kay Zander.
Umayos na si Bella. Sya lang ang nakapayong sa kanilang dalawa. Taga hawak lang si Zander.
Tas lumakad na sila palabas ng park.
"CUT!" Nagpalakpakan naman ang mga nanonood.
Pinuntahan agad ni Zander si Venice.
"Diba may scene pa akong tatakbo papunta kay Bella?" Tanong nito.
"Meron pa nga. Magpatuyo ka muna." Sagot naman nito. Tumango naman ito at pumunta na sa tent nya.
"Direk! May isa pa akong scene na kailangan basa ako diba? Yung babalikan ako ni Zander? Paano yon? Nilalamig na ako. Kailangan pa ni Zander na magpatuyo." Tanong ni Bella nung napadaan sya sa tent nito.
"Mag bihis ka muna." Ngumiti naman si Bella at pumasok na sa tent nya.
--
From: Paul
→ Hey. Can I call you?
Inignore ko yung message nya. Buti na lang walang seen dito.
Teka, bakit biglang dumilim?
Napahawak naman ako sa kamay na pumiring sakin.
"Stop it." Agad nya naman itong inalis.
"Ang seryoso mo kasi. Hmm, okay na ba ang casting sayo?" Tanong nya sakin.
"Oo naman. Nagawa naman nila yung nasa isip ko." Ngumiti ako dahil alam ko pag ngumiti ako, titigilan nya na ang pangungulit sakin. Hinarap nya naman yung upuan ko sa kanya.
"That's great. Tera, kain tayo."
"Ayoko." Tas tumalikod ako sa kanya.
"Don't worry. Umorder na ako. Pizza, Mc fries, and float." Sabay pakita ng inorder nya.
"Ugh. You know me so well." Kinuha ko naman yung fries.
"Syempre." Sabay kindat. Jusko, pasalamat ka gwapo ka. Pero inirapan ko parin sya.
"Ooops. Sorry, babalik na lang ako." Nakakaaduwa yung ngiti ni Nads.
"Join us." Sabi ni Max sabay abot ng fries.
"Wag na. Mukhang nakakaabala pa ako eh." Tiningnan ko sya ng masama.
"Wag ka nang maarte, Nadine." Napailing na lang sya at umupo.
"Asan si Pipo?" Tanong ni Max.
"Andon, kasama si Zander." Oh. Mukhang matatagalan pa ang susunod na taping.
"I see. Matatapos na ba sila?" Dahil 15 mins na. Mukha namang tuyo na si Zander non.
"I don't know. Hindi naman ako pumasok sa tent, nakasalubong ko lang si Pipo."
"Kung gusto mo, puntahan natin para malaman na natin. Mukhang naiinip ka na." Umiling ako. Dahil hindi magandang dahilan ang pagkainip kahit na inip na inip na talaga ako.
"Ano ka ba Max! It's only been 15mins, relax. Your girlfriend is over reacting." Sabay kagat ng fries nya. Napatingin sakin si Max.
"Nadine, can you leave?" Lumaki naman ang mga chinitang mata nito. Bakit ba ang naive nitong babaeng to?
"Oooh. Bye Max." Tas nagmadali na syang umalis.
"What was that?" Tanong nya agad sakin pagkatapos nyang isara ang pinto.
"What?"
"That. Bakit mo pinaalis si Nads?" Ha? Akala ko ba gusto nya ring paalisin si Nads?
"Because of you. Tiningnan mo kaya ako!"
"Tiningnan kita dahil hindi ko alam na sinabi mo kay Nadine na girlfriend kita" Say what? "And for the fact that mas nauna pa syang nakaalam kaysa sakin." Nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot.
Bwisit talaga si Nadine. Pahamak.