Panglima

6 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya ko namang itanggi na hindi ko sinabi kay Nadine. Dahil kailan man, walang kami.

Tas yung mukha nya pa, hindi ko alam kung masaya sya o nangdidiri sya.

"God, Am I freaking you out? You're not even talking." Really? Hindi kasi halata. Pinuntahan nya ako at tinayo. Hinawakan nya ako sa balikat. "Im so sorry. I'm just shocked."

Believe me, gustong gusto ko syang banatan ng 'Wow. Ako kasi hindi.' Pero wala talagang lumalabas sa bibig ko. Damn it.

"V, I know you're still in shock, obviously. Maybe it's time to know what is." God. No.

Nakatingin pa rin sya sakin at hinawakan nya ang mga kamay ko.

"From the moment that I met you, you turned my life around. You're always be the girl who I always been In loved with. I can't picture my day without seeing you smile. I know, it's only couple of months since but will you be my girl friend?"

I don't even know that he is courting me. I don't even know he is inlove with me. God, I'm so naive. How could I not see that coming? I cannot believe it.

I don't know what to say.

**

"Eve, hindi ko talaga alam kung paano to sasabihin. Matagal ko na talagang tinatago to pero hindi ko na kaya eh. Wag ka munang sasabat please? Pakinggan mo muna ako." Tumango ako sa kanya. Nakatingin lang sya sakin, yung tingin nya sobrang lalim.

Jusko, ito na po ba yon?

"Sa apat na taon nating magkakilala, kada araw nagbabago ang tingin ko sayo. Akala ko suplada ka, walang paki sa mundo, at masungit. Akala ko hindi kita magiging kaibigan ni hindi nga kita makausap eh. Pero mali pala ako. Alam kong galit ka sakin noon, ayaw mo nga akong makatabi eh. Wala tayong nagawa, naging seatmate pa rin kita. Doon tayo nagsimula. Salamat sa bangko at nakilala kita nang lubos." Huminga sya nang malalim.

Hindi ko alam kung matatawa ako dahil hindi na sya makahinga o matutuwa ako at kikiligin nang sobra sa sinasabi nya.

"Hindi ko inakalang aabot tayo sa ganto. Basta, nagising na lang ako na nagiba yung tingin ko sayo. Mas gumanda ka, naging mabait at lahat ng ginagawa mo parang perpekto na. Pag ngumingiti ka, napapangiti rin ako. Hindi ko alam kung bakit basta, napapasaya mo ako." Hinawakan nya ang mga kamay ko at inilagay sa dibdib nya.

"Nung una, sabi ko baka ginayuma mo lang ako. Pero nung tumagal sabi ko parang kakaiba na talaga. Hindi ko namalayan, nahuhulog na pala ako. Wag kang magagalit dahil pinigilan ko naman eh. Kaso nga lang, ayaw talagang magpapigil. Sabi ko kaibigan lang ang tingin mo sakin. Pero wala, tuluyan nang nahulog." Yung tingin nya talaga, nakakamatay na. Parang kinakain na ako ng buhay.

"Kaya ngayon, sumugal na ako. Dahil kung hindi ko aaminin to, baka tuluyan na akong masiraan ng ulo. Ayoko nang magbaka sakali, gusto ko nang matapos to. Eliza, mahal kita. Pwede bang manligaw?" Niyapos ko sya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

"Mahal din kita. Hindi mo na kailangang manligaw, dahil sobra na ang apat na taon para makilala ka. Ang gusto ko lang ay makasama ka."

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap non pero noong araw na yon, pakiramdam ko'y ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

**

"Venice. Don't pressure yourself. Hindi naman ako atat na malaman ang sagot. I'm willing to wait." Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. "Calm down please." Tumango naman ako.

Hindi ko napansin na may nakakita pala samin.

Yung mga mata nya, hindi ko alam kung anong gusto nyang ipahiwatig.

Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin sya mabasa?

The Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon