Panganim

6 0 0
                                    

"Vens, sorry na. Sabi mo kasi hindi kayo, eh baliktad kang magisip diba? Akala ko kayo na. Ang tanga ko lang. Wag ka nang magalit please?" Kanina nya pa ako kinukulit. Sabi ko naman sa kanya na okay na pero hindi pa rin sya naniniwala.

"Okay na nga. Pati may nagawang maganda naman yon eh." Pakiramdam ko hindi pa rin sya naniniwala. Jusko Nadya, hindi ko na alam ang gagawin ko para maniwala ka.

"Bibili kita ng kahit na anong libro na gusto mo. Hindi ko lang kayang makita kang galit sakin." Kakaiba talaga si Nadine.

"Oo na. Ano bang problema mo? Eh hindi nga ako galit sayo." Dahil wala naman talaga akong kinakagalitan.

"Ang bait mo kasi masyado sakin! Eh hindi ka naman ganon. Nacricreep out lang ako." Sagot naman nya. Hay jusme, ayaw nya pa non? Nakakaloka.

"Bahala ka nga. Una na ako, may aayusin lang ako."

-

"To be honest bes, ang tanga mo." Yan lang naman ang nakuha kong sympatya sa kaibigan kong si Gia nung kwinento ko sa kanya yung nangyari kahapon.

"Ano bang malay ko? Akala ko mabait lang sya sakin eh. Alam mo naman ako, manhid ako sa mga ganyang bagay. Pati hindi naman ako kagusto gusto! Mali rin naman sya, hindi nya sakin sinabi na mahal nya ako at nanliligaw na pala sya. Ano yon? Manghuhula na lang ako?" Natawa sya sakin. May nakakatawa ba don? Buti na lang at wala masyadong tao sa cafe na to dahil nakakahiya tong kasama ko.

"Uulitin ko, ang tanga mo. Minsan nga nagdududa ako kung matalino ka talaga eh. Isipin mo, ganyang bagay hindi mo man lang napansin? Kami nga napansin namin eh. Akala pati namin kayo na. Action speaks louder than words." Pati ba naman si Gia?

"Paano mo naman nasabi? Eh nagiging mabait lang naman ako sa kanya dahil I'm returning the favor. Hindi nga sya nagsasabi ng 'Vens, I love you.' Walang ganon." Napasimangot naman sya sa sagot ko.

"Oo nga, mabait ka sa kanya. Pero yung bait mo, hindi katulad ng bait mo sa iba. Gets mo? Lahat ng nakapaligid sa inyo ang tingin may something sa inyo. Wag kang magagalit pero lagi naming tinitingnan namin yung gallery nyong dalawa. At--" Muntikan ko na syang mabugahan ng kapeng iniinom ko.

"What the fuck? That's too personal!"

"Sus, patapusin mo muna kasi ako. Yun nga, tinitingnan namin yung gallery nyo dahil ayaw nyo naman magkwento kaya masyado kaming desperado kaya naman yon nagawa. Pati walang lock yung phones nyo kaya namin nabubuksan agad. Sa gallery nyo, marami kayong photos ng isa't isa. Mas marami pa yung photos ni Max sa phone mo kaysa sa mukha mo, vise versa. Ano ba namang klase yon? Tas sasabihin mo sakin walang namamagitan sa inyo? Ulol. Hindi naman ako tanga Vens." Napaisip ako sa sinabi nya.

"Kaya lang naman maraming photos sakin si Max dahil pag bored ako, sya lang yung pinipicturan ko kasi sya lang yung kasama ko madalas pati hinihiram nya yung phone ko para magselfie. Marami kaming photos together dahil yun nga, lagi kaming magkasama." Literally, napanganga sya sa sinabi ko.

"Sayo na mismo nanggaling. Lagi kayong magkasama. Bakit ba kayo magkasama? Kami nga minsan mo lang makasama kasi busy ka pero pag sa kanya, free agad ang schedule mo." Fuck, saka ko lang naisip lahat ng ginawa at sinabi ko.

"Gia, bwisit ka! Oo nga, mukha ngang kami! Shet, nasobrahan nga ako ng bait pag dating sa kanya." Inuntog ko ang ulo ko sa mesa, ang tanga ko lang.

"See. Dapat talaga kinakausap ka eh. Ayaw lang nila dahil baka raw magalit ka lang. Minsan kasi hindi mo nakikita yung katangahan mo, kaya nga nandyan kami para imulat ka. Dederetsyohin ko na dahil ayoko nang magtagal dito, mahal mo ba bes?" Umiling ako.

"Bes, hindi ko sya mahal. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero bago pa nya sabihin na mahal nya ako, gusto ko sya. Pero after that, nawala lahat. Hindi ko alam kung bakit." Napatigil sya sa paginom ng kape nya.

"Grabe, pinaasa mo. Akala ko pa naman sasabihin mo gusto mo rin sya. Paano yan?"

"Ayoko namang masaktan sya. Gusto ko pa rin naman syang makasama dahil sobrang komportable ako pag sya ang kasama ko. I think, I will give it a try." Ngumiti ako. Dahil mukhang tama naman ang desisyon ko.

"Tanga! Mas lalo mo lang syang paaasahin. Tama na, sabihin mo na lang, wala talagang chance."

"Ayoko. Ayoko syang saktan dahil lang sakin dahil naranasan ko na yon and that's the most horrible thing that ever happened to me. I don't want him to suffer. I'll make things work. Alam kong kaya ko rin syang mahalin." Napabuntong hininga na lang si Gia.

The Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon