Marami na kaming natake na scenes. Mukhang maayos na ang lahat. Sobra nga lang nakakapagod dahil sa mga night shoot pero worth it naman.
12 PM. Wala nang tao sa set dahil breaktime. May 2 scenes pang natirang gagawin ngayong madaling araw.
Humiga ako sa damuhan. Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayokong makita ang kalangitan.
Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong humiga sa damuhan, wala lang akong choice. Lahat occupied na o kaya naman masyadong maraming tao.
Nakakapagod.
**
"Nakita kita kanina, may kasama kang babae. Sino yon?" Hindi ko maiwasang maitanong sa kanya dahil parang sinasaksak ang puso ko kada maalala ko yon.
Ngumiti lang sya. Tinabi ako sa upuan at hinawakan ang kamay ko.
"Nagseselos ka ba?" Sobrang lapad ng ngiti nya. Grabe, naiinis ako.
"Hindi! Tinatanong ko lang. Sino nga?" Hindi ako makatingin sa mga mata nya. Masyado akong naiinis sa reaksyon nya.
"Nakakatuwa, nagseselos ka pala. Akala ko ako lang eh." Sabay halik sa pisnge ko.
Bigla akong namula. Hindi sa inis, kundi sa kilig. Nakakabwisit talaga to.
"Ewan ko sayo! Bahala ka nga." Patayo na sana ako kaso hinila nya ako pabalik.
"Wag ka nang mainis, kaibigan ko lang yon. Walang wala sya kumpara sayo. Nagpapatulong lang sya, naawa ako kaya ko nagawa yon." Kaibigan?
"Grabe syang makatingin sayo! Siguro hindi mo sinabing may girlfriend ka na. Sabihin mo lang kung ayaw mo na, kung hindi ka na masaya dahil pwede naman tayong maghiwalay. Ayokong nalulungkot ka." Hindi ko maiwasan ang mapaluha, baka kasi hindi ako ang babae para sa kanya.
"Eve. Sinabi ko sa kanya na may girlfriend ako. Sinabi ko sa kanya na mahal na mahal kita, at hindi ko kayang mabuhay kung wala ka. Wag ka nang magdrama dahil ayokong nakikita kang lumuluha. Masakit sakin yon. Hayaan mo, hindi ko na sya kakausapin." Pinahiran nya ang luha ko at niyapos ako.
"Eve, wag mong masyadong palalapitin sayo si Lucas ha? Ayoko sa kanya. Pakiramdam ko may gusto sayo yon." Niyapos ko sya ng mahigpit.
"Iiwasan ko na sya. Wag kang mag alala, walang wala sya kumpara sayo."
**
"Hindi ko talaga alam kung bakit tayo naging ganto eh. Akala ko may chance pa na mabago ang lahat. Masakit lang dahil hanggang ngayon, ikaw pa rin." Kahit na hindi ko sya tingnan, kilalang kilala ko na ang boses nya.
Hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. Parang nanaginip lang ako. Hindi magandang panaginip, bangungot.
"Gustong gusto kitang kalimutan. Hindi ko lang alam kung papaano."
"Paano kita makakalimutan? Kung sa lahat ng makikita ko, ikaw ang naiisip ko. Mapatingin lang ako sa langit, naaalala na kita. Lalo na pag gabi." Gusto kong magmura dahil hindi na magandang biro ang panaginip na ito.
"Pero alam kong masaya ka na. Kahit na nadudurog na ang puso ko pag nakikita ko kayong dalawa, ayos lang dahil ayokong makita kang malungkot."
"Eve, siguro ganto talaga. Pinagtagpo tayo kaso nga lang hindi tayo itinadhana." Tumayo na sya at iniwan na akong magisa.