Lumabas ng pinto si Venice, hindi nya alam kung tama ba yung sinagot nya sa tanong ng kaibigan. Oo, matagal na silang magkasama pero alam nya sa sarili nya, kaibigan lang sya ni Max.
Napailing sya at nagpatuloy na sya sa paglalakad.
"Sorry." Hindi nya namalayan na nabangga na pala sya ni Zander. Napatinggin lang sya dito, walang kibo. At lumuhod sya para kunin ang mga nahulog na folder na naglalaman ng script. Tinulungan naman sya nito.
Walang imik ang dalawa. 'nakakabingi lang' yan lang ang tumatakbo sa isipan ng binata habang tinutulungan nya si Venice. Kung hindi lang sya tanga, walang awkward moment na nagaganap ngayon. 'Sobrang dami naman ng papers nato!' yan naman ang tumatakbo sa isip ng dalaga. Kung hindi nya lang iniisip ang sinabi ni Nads, sana naiwasan nyang mangyari to.
"Sa movie ba natin to?" Atlast, nakapagsalita na rin si Zander dahil gusto nya nang mawasak na ang katahimikan. Gusto sanang sagutin ni Venice ng 'Obviously, tanga ka ba?' pero syempre, kailangan nyang maging propesyonal.
"Oo. Saulo mo na ba yung lines mo? We are running of time." Sagot nya. Wow, mahaba kaysa sa ineexpect ng binata na sagot nya. Akala nya ang isasagot lang sa kanya ay 'Obviously.'
"Oo. Actually kanina pa kaya, hahanapin sana kita eh." Hindi na sya nagtataka sa sagot ni Zander, alam nyang yan ang sasabihin nya.
"So, magdedeliever ka na sakin ng lines?" Tanong nya ulit. Kaunti na lang ang papel na nagkalat sa sahig, makakahinga na sya nang maluwag.
"Hindi. Gusto ko sana take na agad para mas madali" kung sa ibang aktor nya narinig yon, iisipin nyang mayabang to at binabalewa sya pero napangiti sya.
Hindi nya inaasahang mapapangiti nya ang isang Elizabeth Venice Arete Capistrano, akala nya kasi mayayabangan ito dahil sa sinabi nya pero hindi. Mukhang natuwa pa sya.
At last, natapos na rin sila sa ginagawa nila.
"About what you said, sure. 5 mins." Tinulungan nya naman itong tumayo. Nung nakatayo na sya, agad nyang binitawan ang kamay ng binata.
Hindi nya na inabala pang magpasalamat at agad s'yang umalis na para bang walang nangyari.
-
Handa na ang lahat. Sinigurado ni Venice na walang papalpak sa una nilang shooting. Normal lang sa kanya na kabahan pag una nilang shoot marahil para sa kanya pag hindi sya nagandahan sa una, wala na itong pag-asa pa.
"Are you okay?" Napansin sya ni Max na kalapit nya lang. Tumango sya at tumingin ulit sa paligid para siguraduhing tama ang lahat.
"Okay! In five, four, three, two one ACTION!" Sigaw nya. Minsan nga iniisip ng mga nakapaligid sa kanya na hindi nya na kailangan ng microphone, malakas na kasi ang boses nito.
Nagsimula na. Lahat ay nakasubaybay.
Nakaupo si Zander at Bella.
"Sa tingin mo, pwede pang maibalik ang dati?" Tanong ni Bella kay Zander na nakatungo pa rin.
"Bakit ko pa kailangang sagutin ang tanong na alam mo nanaman ang sagot?" Tumingin sya kay Bella, kita ang galit sa kanyang mga mata.
"Akala ko kasi pwedeng magbago yung sagot mo... hanggang ngayon kasi umaasa pa rin ako." sagot ni Bella. Nagkatinginan sila, pero agad namang yumuko si Bella.
"Hindi ko na kasalanan kung umasa ka. Umasa ka hanggang sa gusto mo kasi pagod na ako." Humagulgol na sa iyak si Bella, at nakatingin lang sa kanya si Zander.
"CUT!" Sigaw naman ni Vens. Ang tahimik na set ay napuno nang ingay ng palakpakan. Ngumiti ang dalawa. Pinuntahan naman ng P.A si Bella para bigyan ng tissue at ayusan.
Pinanood naman ni Vens ang scene.
"Ano sa tingin mo? Pwede na ba?" Tanong sa kanya ni Nads. Dahil kung hindi, magpapalit sila ng casting.
"To be honest, I never thought that Bella could do this scene. But, she proved me wrong." Natuwa naman si Nads. Magaling nga ang dalawa.
Pumunta naman si Vens kay Bella at Zander.
"Direk, how was it?" Nakangiting tanong ni Bella kay Venice habang inaayusan sya ng buhok.
"It's good. But guys, you need to work on your chemistry." Tas tumango na lang sila.
"Could I talk to you for a second?" Napatingin naman sya may Zander, tama ba yung narinig nya? Tumango na lang sya.
Naglakad sila, medyo malayo sa set. Nung nakakita na sila ng upuan, agad silang umupo.
"I'm having difficulty in this scene, could you help me?" Tas inabot nya kay Vens ang script.
Hindi nya na kailangang basahin to dahil alam nya na yon dahil sya ang gumawa nito at ilang araw nya ito pinagisipan.
"Tanda mo pa ba yung gabing sinabi mo sakin na ako lang at wala ka nang ibang mamahalin bukod sa magiging anak natin? Nasa tabing dagat tayo non... humiling ka pa nga sa bulalakaw na sana ako na yung babaeng ihaharap mo sa altar at mamahalin nang panghabang buhay." Ngumiti si Venice at medyo naluha-luha na.
"Sa tinggin mo ba mababago nyan ang lahat pag naalala ko ang nakalipas na?" Tumingin si Venice kay Zander.
"Gusto ko lang kasing alalahahin mo yung mga panahong mahal mo pa ako. Kiko, lagi kong inaalala yung gabing yon kahit na alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko. Ayos lang naman yon kasi nga gusto kong balikan ulit yon kahit na masakit, sumasaya naman ako." Tumawa si Zander.
"Walang magagawa ang mga bulalakaw sa langit, hindi non mababalik ang dati. Wag mo nang alalahanin ang nakalipas na dahil matagal ko nang binaon sa limot yon. Wala na akong maalalang magagandang nangyari satin-- ang tangi ko lang naalala ang sakit na iniwan mo noong umalis ka kahit na alam mong kailangan kita nang lubos." Ngumiti si Zander at tumingin sa malayo.
"Umalis ako dahil mas kailangan ako ng nanay ko. Umalis ako dahil alam kong kahit na anong gawin ko, hindi pa rin ako sapat para sa pagmamahal mo. Takot ako, takot akong masaktan dahil lahat ng pinangako mo, pinangako rin ng tatay ko sa nanay ko." Galit ang tono ni Venice, namangha naman si Zander dahil akala nya hindi nya ito magagawa.
"Hindi ako ang tatay mo, iba ako sa kanya. Pinangako ko yon dahil alam kong mangyayari yon. Kahit kailan hindi ko inisip na hindi ka sapat dahil sobra kitang mahal. Mas mahal pa kita kaysa sa buhay ko. Takot kang masaktan? Bakit ka pa nagmahal kung takot ka rin naman pala? Parang naglolokohan lang tayo rito." Tumingin si Zander kay Venice, hinawakan ang mga kamay nito.
"Wag ka nang magsalita pa kung masasakit na salita lang ang bibitawan mo." Pumikit si Zander.
Nakatingin lang sa kanya si Venice. Agad nitong inalis ang pagkakakapit nito sa kamay nya.
"Okay na yon." Umalis na sya bago pa marinig ang sagot ni Zander.
"Direk! Start na ba ulit?" Tanong nung crew sa kanya. Imbes na sagutin, hindi nya ito pinansin at dali dali syang pumunta sa tent nya.
Hindi nya na napigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak.
Napatungo sya nang hindi nya namamalayan.
Iniisip kung tama ba ang desisyon nya.
Sa paghahawak nila ng kamay
Bumalik ang lahat ng pangyayari
Na pilit nyang binaon sa limot.