Pangpito (Gia)

5 0 0
                                    

"Anong nangyari sa paguusap nyo?" Pambungad na tanong sakin ni Pipo nung pagkasakay ko sa kotse nya.

"Can we discuss that later?" Tas hinalikan ko sya.

"But, babe." Hinalikan ko ulit sya pero this time ginamit ko na yung dila ko to explore his mouth. In no time, tumugon naman sya sa halik ko.

"Babe, siguro naman kaya mong maghintay? Condo muna tayo. It's not safe here." Ano pa bang magagawa ko? Inayos ko na ang upo ko at pinaandar nya na ang kotse.

--

Pagkapasok agad namin sa condo nya, agad nya akong hinalikan. Pababa hanggang sa leeg ko papunta sa mayayabo kong dibdib.

Sinisimulan nya na ang paghuhubad sakin.

Nung aalisin nya na ang bra ko, hindi ko napigilan ang sarili ko bigla ko syang tinanong.

"Hanggang kailan mo ba balak isikreto to?" Napatigil sya ginagawa nya.

"Ano bang klaseng tanong yan? Wrong timing ka naman." Naniinis na sagot nya sakin. Hinalikan nya ulit ako at pinagpatuloy nya ang naiwan nya.

"Kailan pa ba yung tamang panahon para pagusapan to? I mean, ilang taon na natin tong ginagawa pero wala ka pa rin nanayayari." Tumigil na sya sa ginawa nya, tumayo at iniwan ako sa sofa.

"You know what, you should leave. I can't answer your damn question." Inayos ko ang sarili ko.

"Ngayon ko lang tinanong dahil hindi ko alam kung may patutunguhan ba talaga to. You can't even break up with Nadine! Jusko, ayoko nang makihati dahil nakakasawa rin naman!" Napahawak sya sa ulo nya.

"We are clear with that right?" Sagot nya sakin.

**

Matagal na kaming makakilala ni Pipo. High school palang kami na ang magkasama. Sabi nga ng ilan, bagay kami. Pero lagi lang namin silang tinawanan pag sinasabi nila yon. Para samin, walang talo talo. Kahit kailan, hindi magiging kami.

Nagsimula ang 'FWB' noong pareho kaming lasing. 2nd year college. Hindi na namin tanda kung paano nangyari yon, basta ang alam namin, masaya yon. Mula non, yun na kami.

Nung 3rd year namin nakilala si Nadine. Naging barkada namin sya. Akala nya nung una, kami ni Pipo pero agad namang tinanggi ito ni Pipo "Kami? Baka gunaw na ang mundo bago mangyari yon pati lalaki kaya to." Sabay tapik sa balikat ko.

Hindi nagtagal, nanligaw na si Pipo kay Nadine. Sabi nya, tinamaan na raw sya at pakiramdam nya, sya na talaga. "Tigilan na natin to. Mahal ko si Nadine, ayokong malaman nya to, baka layuan nya lang ako. Hindi ko kayang mawala sya." Akala ko tapos na yon don, matagal din kaming hindi nagpansinan pagkatapos non.

Maraming nanligaw sakin pero kahit isa sa kanila wala akong sinagot dahil si Pipo lang talaga.

Lasing ako nung pumunta ako sa condo nya. Para akong tanggang nagmamakaawa na sana bumalik yung dating kami. Iyak lang ako nang iyak noon. Pero sabi nya seryoso sya kay Nadine. "Pips, kahit na fuck buddy lang ayos na ako. Basta, pansinin mo lang ulit ako." Yan ang pinakatanda kong sinabi ko sa kanya.

Nagulat ako noong pinuntahan nya ako sa condo ko. Walang sabi sabi, hinalikan nya ako. Akala ko, wala na sila ni Nadine. Akala ko, ako yung pinili nya. Pero mali pala, akala lang pala lahat.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Hinalikan ko kasi si Nadine. Sinampal nya ako." Tinawanan ko sya dahil kung ako si Nadine, hindi ko sya pipigilan.

"Tas?"

"Sabi nya wag ko raw gagawin yon dahil gusto nya pag hinalikan sya dapat sa harap na ng dambana." Tuwang tuwa ako dahil akala ko dahil don nahiwalay na sila.

"Ibigsabihin lang non, kailangan ko syang pakasalan bago ko sya mahalikan. Fuck, ang tagal pa non! Ilang buwan na akong tigang. Nirerespeto ko naman sya pero hindi ko talaga kaya. Tas naisip ko yung sinabi mo, kaya ako nandito." Yun na ata ang pinaka masakit na sinabi nya sakin.

"May balak kang pakasalan sya?" Gusto kong sabihin nyang 'tanga ka ba? Syempre hindi.'

"Oo. Pero yung alaga ko hindi na kaya. Nakatatawa diba? Akala ko kasi isa lang sya sa mga patapon na babae na nakilala ko pero iba sya. Yung ginawa nya kanina, mas lalo ko pa syang minahal." Siguro nga, isa lang ako sa patapon na babaeng nakilala nya.

"Sana hindi makarating to kay Nadine. Tutal, gusto mo rin naman to kaya pareho naman tayong may mapapala." Sobrang swerte lang ni Nadine, sana ako na lang sya.

Alam kong mali yung pagpayag ko pero ano bang magagawa ko? Tanga ako pag dating sa kanya. Dahil yun lang ang way para makasama ko sya. Para mabalik yung dati. Para kahit papano, madama ko rin na kailangan nya rin ako.

**

"Alam mong mahal ko si Nadine. Pati bakit mo ba tinatanong yan? Ano bang nakain mo?"

Kasi napagisip isip ko na hanggang ngayon si Nadine pa rin. Kulang pa ba yung binibigay ko sa kanya?

"Ayoko nang lokohin si Nadine." Sana naisip ko yan bago ako pumayag sa relasyon namin.

"Anong gusto mong iparating? Newsflash: Naloko na natin sya. Pati sya naman ang may kasalanan dito kaya nangyari to. Kung nakikipagsex lang sya sakin, edi okay na." Alam kong pagod lang sya kaya nya nasasabi yan. Alam kong mahal na mahal nya si Nadine.

"Pipo, ayoko na. Alam kong nagmakaawa ako noon, pero sawa na akong makihati. Tutal, ilang buwan na lang naman, ikakasal na kayo." Oo, ikakasal na sila. Ayokong maging kabit, dahil ayoko umabot sa puntong yon.

"Hindi na tuloy ang kasal."

"Bakit?" Alam na ba ni Nadine?

"Dahil ipapakasal na sya sa iba."

"Pumayag sya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pero wala na syang magagawa. Arranged marriage yon para sa business nila."

Walang emosyon na pinapakita si Pipo.

"Kanino?"

"Kay Zander"

The Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon