(PIPO)
From: Wife
→ where are you? I need you right now.
Agad kong pinuntahan si Nadine sa apartment nya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, alam kong may masamang nangyari.
--
"Nads. Open the door." Binuksan nya agad ang pinto.
Niyapos nya agad ako. Nabasa ng luha ang damit ko.
"Anong nangyari?" Inalalayan ko sya, papunta sa sofa.
Hindi pa rin sya nagsasalita, iyak pa rin sya nang iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nahihirapan akong makita syang ganto.
"Hindi na tuloy ang kasal natin." Hindi sya makatingin nang deretsyo sakin.
"Bakit?" Nanginig ako bigla.
"Ayoko na. Tama na." Niyapos ko lang sya ng sobrang higpit. Paano nya nasabi yan? Alam nya na ba yung kay Gia?
"Anong sinasabi mo?" Pilit syang kumakawala sa yakap ko.
"Lahat ba kailangan may rason?! Sabi kong ayoko na! Pakawalan mo na ako." Pagmamakaawa nya. Pinakawalan ko sya at dumistansya sya pero abot ko pa rin sya.
"Are you breaking up with me?" Tumango sya.
"Bakit?"
"Kasi kailangan ko. Para sa pamilya ko. Sana maunawaan mo dahil sobrang hirap nito sakin." Hindi ko sya maintindihan.
"Ipapakasal na ako sa iba. Dahil pag hindi, hindi na masasalba ang company ng tatay ko."
"Sobrang halaga ng company ng tatay ko. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanila." Pinipigilan nya ang pagiyak. Kita ko sa mga mata nya ang hirap, sakit at awa.
"May magagawa ba ako? Magkano ba ang kailangan?" Dahil malaki naman ang ipon ko, pwedeng pwede kong ibigay yon.
Umiling sya. "Hindi. Hindi yon kaya, Pipo. Pakawalan mo ako, yun ang maitutulong mo sakin."
"Sige." Hindi ko sya kayang pigilan, kahit na gusto ko syang ipaglaban. Pera ang kalaban mas mahirap pa sa tao. Gustong gusto ko syang ipaglaban pero sumuko na sya.
"Kanino ka ipapakasal?" Paalis na ako nung naitanong ko yan.
"Kay Zander."
Sa pagsara nya ng pinto, syang pagguho ng mga pangarap na binuo naming dalawa.
--
Sinundo ko si Gia dahil gusto kong malaman kung anong nangyari sa paguusap nila ni Vens.
Pero hindi naman nya ako sinagot.
"Anong sabi ni Vens?" Tanong ko dahil si Vens na lang ang huli kong pagasa.
"Sabi nya hindi nya mahal si Max." Napangiti ako don. Unti unti na akong nagkakaron ng pagasa.
"Pero bibigyan nya ng chance si Max dahil ayaw nyang makasakit." That's bullshit.
"Alam mo namang mali yon diba?" Sana naman pinigilan nya ito.
"Paano ko pipigal si Vens? Eh mukhang masaya naman sya."
"I'll take you home."
Hinatid ko si Gia sa kanila at agad akong pumunta kay Vens.
--
To: Direk
→ Alam kong gising ka pa. Susunduin na kita sa inyo. Magbihis ka na ng maayos. No question asks.
Kailangan kong makausap si Vens. Sya na lang ang huling alas ko.