Pang-labing dalwa

6 0 0
                                    

**

(12AM. Feb. 14. Venice's place.)

"Zander? Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ni Venice nung pagkabukas nya ng pinto.

"Happy birthday Eve." Sabay yapos sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa mga nangyayari. Una pumunta sa kanila si Zander para batiin sya, pangalawa nagsasalita na sya at sinabi pa nito ang panagalan nya! At pangatlo, niyapos sya nito.

"Totoo ba to? Like seriously, is this real? Answer me!" Tumawa naman sa kanya si Zander.

"Don't be scared. Trust me." Piniringan naman sya nito at inalalayan papunta sa kung saan.

-

Inalis naman ni Zander ang piring sa mga mata ni Venice.

"Surprise." Hindi sya makapaniwala sa mga nakikita nya. Parang panaginip lang ang lahat.

Nasa garden sila. Sa garden, may decorations. May banner na ang nakalagay:

'Happy Sweet Sixteen, Eve!" Mukhang gawa pa ni Zander yon dahil artistic naman sya.

Isang simpleng picnic party. Yung mga pagkain, take out. Lahat, paborito nya.

Sundaes, Fries, Floats, Hamburgers, Nachos, Pies, Spaghetti, at iba't ibang klase ng chips.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday dear, eve..." Kanta ni Zander na papalapit sa kanya na may dala dalang pizza na may candles. Hinipan nya ito at humiling.

Binaba ni Zander ang Pizza at kinuha nya ang gitara.

"Kumakanta ka?" Tumawa na lang si Zander sa kanya.

"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka." Ang sarap pakinggan ng boses ni Zander yan ang nasa-isip nya nung kinakantahan sya nito ng paborito nyang kanta.

"Sino ba tong mukhang gago, nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba" Nakatingin lang sya sa kanya.

"Meron pang dalang mga rosas. Suot na man'y, maong na kupas. At nirayan pa ang barkada nakaporma't nakabarong sa awitin daig pa ang minus one at sing along" Lumabas naman ang mga barkada nila na may dalang mga rosas at sinayaw sya.

"Puno ng langit ang bitwin, at kay lamig pa ng hanggin, sayong tingin ako'y nababaliw, giliw. At sa awitin kong ito'y sana'y maibigan mo... ibubuhos ko ang puso ko, sa isang munting harana, para sayo." Hindi makapaniwala si Venice sa mga nangyayari.

Sinayaw naman sya ni Zander at iba naman ang kumanta.

Sinasabayan pa rin ni Zander ang kanta pero pabulong lang na kinakanta sa kanya.

"Tingin ka sakanila" sabi nito.

'Will you be my prom date?' Yan ang nakalagay sa mga nakataas na illustration board.

May binulong si Venice sa kanya. Napatalon si Zander sa tuwa.

"Guys, she said yes!" Natuwa naman ang lahat at sinamahan sila.

'Best. Birthday. Ever.' Yan na ang nakatanim sa isip ni Venice habang pinagmamasdan kung gaano kasaya si Zander.

**

Nagmamadali syang tumakbo, nag-babakasakaling maabutan sya.

Sa tagal-tagal nyang naghahanap. Nakita nya na rin ito. Nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno.

"Ano bang nasa isip mo?" Buti na lang hindi sya nahuli.

Nilalamig na ito. Basang-basa. Mukha ng walang malay.

"Bakit ka nagkakaganyan? Sagutin mo naman ako, Eve." Agad nya itong niyakap at sinuot sa kanya ang hinubad nyang damit.

"Layuan mo nga ako. Tinatanong mo kung bakit? Hindi ba halata?! Simula nung bumalik ka, gumulo na naman ang lahat. Ginulo mo nanaman. Nakakapagod na. Tantanan mo na ako." Inalis nito ang pagkakayakap nya at hinubad ang mga sinuot nitong damit sa kanya.

Tumakbo sya papalayo.

**

"Wag ka ngang maging tanga! Gusto kong mapalapit ka kay Nadine. Maging artista ka. Tutal yan naman talaga ang gusto mo diba? May bago syang movie na ipoproduce." Hindi nya alam kung bakit umabot sa gantong punto ang lahat.

"Ano? Ipapakasal nyo na nga ako sa kanya. Gusto mo pa, mapalapit ako? Ginagawa ko naman lahat ah? Kulang pa ba?! Binenta nyo na nga ako sa kanila, ayokong magartista! Ayoko." Sagot ni Zander sa ama nya. Maalala nya lang ulit si Eve pag nag-artista sya. Maalala nya nanaman ang lahat ng sakit. Lahat, lahat na pilit nya nang kinakalimutan.

"Ano yang mga sinasabi mo?! Binenta? Hindi kita binenta. Wag na wag mo akong sagutin dahil ako pa rin ang padre de familya dito." Sinuntok sya nito at umalis na.

-

"Bro, alam mo ba may bagong movie na ipoproduce si Nadine?" Tanong ni Kris, isang barkada nya na sobrang lapit sa kanya. Tumango naman sya.

"Guess what, Si Venice ang direktor."

"Bro, wag mo akong gagaguhin. Si Venice?" Tumango sya.

"Ito na yung chance mo para mapalapit sa kanya bro. It's a good idea. Kunwari si Nadine ang pinunta mo pero si Venice talaga. " Agad naman syang napatayo at kinontact si Nadine.

To: Nadine

→ Hey, It's Zander. Can we see each other? I need to talk to you.

Hindi nya alam kung anong pumasok sa utak nya. Pero ang gusto nya lang nung mga panahon na yon, makita si Venice.

**

Pinagmasdan nyang lumayo sa kanya ang pinaka-mamahal nyang babae. Siguro tama na nga ang desisyon nya, pakawalan na sya.

The Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon