Pangsampu

8 0 0
                                    

"FIVE FOUR THREE TWO ONE, ACTION!" Nagsimula nanaman ang shooting. Malapit na itong matapos kaya lahat kami ay pursigido na.

"Bakit mo ba ako iniwan non?" Tanong ni Zander kay Bella.

"Mahalaga pa ba yon? Masaya na tayo. Hindi na natin kailangan pang ibalik ang nakaraan." Ngumiti ito.

"Gusto ko lang malaman dahil hanggang ngayon yon pa rin ang iniisip ko." Napailing na lang si Bella sa kanya.

"Huwag mo nang isipin yan. Ang isipin mo na lang ay maayos na ang lahat." Pilit na ngumiti si Zander sa sagot ni Bella. "Yan, lagi kang ngingiti para mas gwumapo ka! Swerte ko talaga sayo." Sabay pisil sa pisnge nito.

"Pero, Danica." Sinamaan lang sya ng tinggin ni Bella.

"Ano bang hindi mo maintindihan? Ayoko ngang pagusapan diba? Hindi ba halata. Masaya na tayo kiko. Masaya na!" Walang emosyon.

"CUT!" Pumunta ako kay Bella.

"Anong mali direk?" Tanong nya.

"Walang emosyon." Sagot ko sa kanya. Tumango naman sya, mukhang napansin nya rin.

"Sorry direk. Hindi ko talaga makuha yan eh. Nahihirapan ako." Ngumiti naman ako.

"Ayos lang yan. Tingnan mo, idedeliever ko." Tumango naman sya.

Tiningnan ko si Zander.

"Pero, Danica..." Mas ramdam ko ang emosyon ni Zander ngayon kaysa kanina.

"ANO BANG HINDI MO MAINTINDIHAN?! Ayoko ngang pagusapan diba? Hindi ka ba nakakahalata?! Masaya na tayo kiko, masaya na."

"Direk, pwedeng ituloy nyo na? Hanggang sa dulo ng scene. Sige na po." Tumango naman ako. Binigay nya sakin ang script nya.

"Alam kong ayaw mo na tong balikan pero hindi naman ako mapapanatag kung hindi ko malalaman ang sagot." Medyo malumanay ang pagsasabi nya at ramdam mo ang galit nya kahit na hindi ito pasigaw.

"Kung anong alam mong rason kung bakit, iyon na yon. Ayos na ba?" Napangisi lang sya.

"Sigurado ka ba sa sagot mo?" Tumango ako. Bigla akong natakot, hindi ko alam kung bakit. Siguro gawa sa boses nya. Bakit ba ang galing nya?

"Kaya mo ako iniwan kasi natakot ka. Natakot kang baka malaman ko na may mahal ka ng iba. Natakot kang sumugal dahil sa tingin mo, hindi ako yung para sayo." Nawala ako sa script. Mukhang wala naman ito...

"Tama ba ako? Yun ba talaga ang dahilan? Sabihin mong mali ako, dahil... hindi ako naniniwala. Mahal mo naman ako diba?" Kinapitan nya ang kamay ko at nilagay sa dibdib nya. Naluluha na sya.

"Tumigil ka nga. Hindi yan ang dahilan... Oo, mahal kita. Oo, iniwan kita. Pero kahit kailan hindi kita ipinagpalit. Wala na akong ibang minahal bukod sayo. Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?" Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, dapat talaga tinapos ko na yon kanina pa. Tumango sya.

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Dahil kung hindi kita iiwan, hindi ka ganyan ngayon. Hindi ka magiging matatatag. Hindi ka magiging successful. Dahil mas ayos ka kung wala ako. Ako ang pampabigat sa buhay mo kaya hindi ka makaahon." Ramdam kong may luha nang pumatak, ayoko nang sundan yun.

"Hindi yon ang rason." Nakatitig pa rin sya sakin.

"Akala ko maniniwala ka na." Napatawa ako.

"Sige, wala na namang rason kung bakit pa to itatago... Kaya kita iniwan dahil alam kong ikakasal ka na sa iba at ang masakit pa don, sa kaibigan ko pa. Nagkasakit ang nanay ko non, walang wala kami. Pumunta sa ospital ang tatay mo at binigyan nya kami ng pera. Kaso nga lang, may kapalit." Nakatingin lang sya sakin, blangkong blangko.

"Okay, nakuha mo ba?" Tanong ko sabay abot ng script kay Bella.

"So, let's take a roll." Dagdag ko pa. Pero nakatanga pa rin sakin si Bella.

"Can we take a break?" Tanong ni Zander. Hindi nya ako matingnan.

"Sige." Umalis na sya. Sobrang bigat pa rin ng atmosphere sa set.

**

"Alam kong ayaw mo nang pagusapan to. Ako lang naman ang nakakaalam nito, pero kailangan talaga." Bungad agad sakin ni Pipo nung pagkabukas ko ng pinto.

"Bakit?" Dahil nalilito ako sa mga sinasabi nya.

"Hindi ko kayang makitang may iba yung mahal ko. Hindi ko kayang makitang lumalakad sya sa gitna ng pasilyo ng simbahan at... hindi ako yung naghihintay sa kanya." Sa kinatagal-tagal ko syang nakasama, ngayon ko lang sya nakitang umiyak.

"Ano ba yang sinabi mo?" Dahil naguguluhan ako.

"Wag na tayong maglokohan, nakakapagod na. Hindi naman kita pinapakailaman sa mga kagustuhan mo pagdating sa mga bagay-bagay. Pero, hindi ko na kaya. Alam kong alam mo na, hindi ko lang pinansin nung una." Huminga sya ng malalim at pinunasan ang mukha nya.

"Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo. Tigilan mo na yang katangahan mo, alam mo naman kung ano yung tama. Gawin mo. Gamitin mo ang puso mo, wag yang utak mo."

"Ikaw na lang ang huli kong pag-asa para mapasakin yung babaeng pinakamamahal ko."

Umalis na sya at iniwan akong nakatulala

**

From: Pipo

→ Want to talk about it?

Inignore ko lang ang text ni Pipo.

From: Cathy

→ What's wrong with you? Nabalitaan ko yung nangyari sa set kanina.

My, god. Kailangan ko nang i-turn off ko yung phone ko bago pa sumabog ang ulo ko sa kakabasa sa mga walang kwentang messages. Pero, may nagmessage ulit.

From: Unknown Number

→ Let's talk.

The Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon