Gulong-gulo si Zander sa mga nangyayari. Hindi nya na alam kung anong papaniwalaan nya. Ang pamilya nya ba o ang taong pinaka-mamahal nya.
Nakasara ang tent nya. Ayaw nya ng istorbo. Bakit nya ba kasi ginawa yon? Dapat talaga, sinunod nya na lang yung script. Hindi na sana nangyari to, dahil pa dito madedelay ang release ng film nila. 'Bad move.' Paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili nya.
**
Maingay sa classroom nila. Makalat, magulo at puno ng mga walang kwentang bagay. Yan ang nasa-isip nya sa bago n'yang silid-aralan.
'Ayos lang yan Zander, isang taon ka lang naman dito.' Hindi sya sanay sa maraming kaklase, sa maingay at maruming classroom. Pero kailangan nyang tiisin, dahil pansamantala lang naman to.
"Bago ka? Ngayon lang kita nakita ah." Nakangiting bati sa kanya ng babaeng nakapony tail at may salamin. Marami na namang bumati sa kanya, nginingitiaan nya lang ang mga ito. Pero itong babaeng to, kakaiba.
Imbes na ngitian katulad ng ibang bumati sa kanya, kinausap nya ito.
"Oo." Isang salita lang naman ang sinabi nya pero napangiti naman ang babae sa kanya. Bigla itong tumabi sa kanya ng wala man lang paalam.
Naglabas ito ng papel at bolpen.
'Ayaw mo atang sayangin ang laway mo. Kaya sa papel na lang tayo magusap :)' Nakasulat sa papel na inabot nito sa kanya.
'Hindi naman.' Tumawa ang babae nung nabasa nya ito.
'Sus. Alam mo sabi nila, pipe ka raw. Ayaw mong mag-salita nung binati ka nila. Bakit?'
'Kasi nahihiya ako. Tinatamad akong magsalita.' Inabot nya to sa babae.
'Ah. Wag kang mahiya. Ako nga nga pala si Venice.' Napangiti naman ito sa pangalan nito, dahil kapangalan nya ang paborito nitong lugar.
'Sige, salamat sa payo. Zander nga pala.' Binalik na ni Venice ang bolpen at papel sa bag nya.
"Sorry. Tamad akong magsulat. Kausapin mo na lang kasi ako, Zander" sabay ngiti nito ng malapad.
"Sige, ganto na lang. Sa papel ka na lang sumagot. Tutal, mukha ka namang masipag magsulat hangga't hindi mo pa ako kayang kausapin." Natuwa naman sya sa ideya ni Venice.
Ilang buwan ang tumagal na si Venice lang ang nagsasalita sa kanilang dalawa. Marami syang kwinekwento tungkol sa mga bagay-bagay. Sa mga pangarap nya, mga gusto nya at minsan, kumakanta pa ito. Lagi silang mag-kasama. Taga pagtaggol nila ang isa't isa. Minsan nga iniisip nito kung bakit pa sya nito sinasamahan at kung bakit hindi ito napapagod sa kakasalita ng wala namang sumasagot sa kanya.
**
To: Venice
→ Let's talk.
Ilang minuto nya itong hinintay na sumagot. Kaso, wala. Mukhang nasobrahan na sya sa ginawa nya.
"Zander, bakit nandito ka pa? Nacancel na ang shooting." Sabi ni Bella nung nakita nya itong lumabas mula sa tent nya.
"Bakit?" Akala nya binibiro lang sya nito, pero nagsisimula na nga silang mag clear ng set.
"Ewan. Basta ang sabi ni Ms. Nadine bukas na lang ulit." Tumango naman sya at nagpaalam na sa kanya si Bella.
Nag-ayos na sya ng mga gamit at papaalis na sya.
Kaso narinig nya si Nadine at Max na naguusap.
"Nacontact mo na ba si Venice?" Tanong ni Nadine kay Max. Alalang-ala na sya.
"Hindi pa nga eh." Hawak-hawak nila ang mga telepono nila at mukhang kumokontact na ng mga pwedeng tumulong para mahanap si Venice.
Agad syang tumakbo at hindi nya namalayan na naiwan nya pala ang mga gamit nya.