**
Hindi nya pala kayang pakawalan si Venice. Agad nya itong hinabol. Hinanap nya ulit ito ngunit, hindi na na ito makita. Siguro, nakauwi na sya. Sana.
Ayaw nyang umuwi sa condo nya kaya niisipan nyang pumunta na lang sa dati nilang bahay.
-
"You're here." Nabigla sya nung nakita nyang nakahiga sa sofa yung kapatid nya.
"Of course. Mas gugustuhin ko pa dito kaysa sa wala nating kwentang bahay." Mukhang naka-inom nanaman ang kapatid nya.
Napansin nyang may kainuman ito. Dahil maraming beer ang naka-kalat.
"May kainuman ka?" Tanong nito sa kapatid nya.
"Oo. Kakauwi lang nila." Sagot nito.
Sinimulan nya namang ayusin ang mga kalat ng pinaginuman ng kapatid nya. Siguro, dun nya lang mapaparamdam sa kapatid nya na kahit na papaano, may kapatid pa rin sya.
"Oo nga pala, wag kang papasok sa kwarto ko." Too late, dahil nakapasok na sya.
"Sabi ko naman sayo wag kang papasok." Naiinis na sabi nito.
May babae syang nakita, nakatalukbong, at mahimbing ang pagkakatulog.
"Sino sya?" Baka isa lang sa ka-one night stand ng kapatid nya.
"Hindi ko sya ka-one night stand. I'm not like you." Sagot nito sabay sarado ng pinto.
"Sino nga sya?" Tanong nya ulit.
"She's a lost sleep." Yun lang ang sagot sa kanya ng kapatid nya at hindi na ulit sya inimikan nito.
-
Umaga nung napagdesisyunan nyang tingnan ulit ang babaeng nasa kwarto ng kapatid nya. Pero nung papasok na sya, narinig syang boses.
"I'll help you to recover. Promise."
Umalis na sya at hindi na nagpaalam, siguro yun na rin ang gusto ng kapatid nya.
**
Parang wala namang tao sa set. Nakita nya lang si Gia na nakatulala.
"Gia, anong nangyari dito?" Tanong nya agad dito.
"Nawawala si Venice." Hindi sya makapaniwala.
"Talaga? Hindi ba sya nakauwi kagabi?" Napatingin na sa kanya si Gia.
"Kahapon pa sya nawawala, hindi kagabi. Ibigsabihin, nagkita kayo?"
Tama nga ang hinala nya.
Agad syang tumakbo at hindi na inintindi pa si Gia.
"Fuck, she's the lost sheep."