ISANG taon ang nakararaan nang maging aware ako sa existence ni Danica Solomon. I remember that it happened first week of July. Bago 'yon masaya ako sa buhay ko bilang isa sa elite students ng Richdale University. Kabi-kabila ang mga babaeng dine-date ko. That time, katatapos lang ng Miss Richdale pageant at nakuha ng nanalo na si Erich ang atensiyon ko. Tourism student siya kaya every after class tumatambay kami ng barkada ko malapit sa College of Tourism. May café malapit 'don na palagi pinupuntahan ni Erich. Alam ko 'yon kasi palagi siya nagpo-post sa IG, twitter at facebook account niya at naka-indicate na location niya ang café.
That day I planned to get her attention. Malapit na ang formal dance party na yearly event ng Richdale. Ginaganap sa last day ng Foundation Week, sa huling Biyernes ng Agosto. Si Erich ang gusto kong dalhin sa party. It's not that I'm in love with her or anything like that. Sa tingin ko lang magiging perfect partner kami para sa party. Confident ako na makukuha ko siya.
"Oh, my God. Si Thorne!" tili ng isang babae na pumasok sa café at napatingin sa amin. Napatingin na rin ang mga kaibigan ng babae at nagtinginan bago nagsimulang maglakad palapit sa mesa namin.
"Oh man, mukhang mga first year ang mga 'yan. Fans mo na naman, Thorne?" ungol ni Jasper.
"Marami siyang fans na freshmen kasi nag-speech siya noong general orientation bilang vice president ng supreme student government ng Richdale University," natatawang sabi ni Armi.
Ilang hakbang na lang ang layo ng mga first year sa mesa namin. I looked at them, flashed my friendly smile and waved at them. Nagtilian ang mga babae at bumilis ang lakad palapit sa amin. Pero nang mapatingin ako sa labas ng café nakita ko nang naglalakad si Erich. Napatayo ako agad at tinapik sa balikat ang mga kaibigan ko. "I have to go. Nakita ko na siya." Ngumiti at kumaway ako sa huling pagkakataon sa first years na dapat lalapit sa akin, saka ako mabilis na lumabas ng café para habulin si Erich.
Kaso bago pa ako makalapit sa kaniya parang may nakita si Erich na kung sino at matamis na ngumiti. "Eugine!" malambing na tawag niya at saka mabilis na lumapit sa lalaking nakita.
I stopped walking. Na-badtrip ako kahit hindi ko pa nakikita ang lalaking tinawag ni Erich. Isa lang naman ang kilala kong Eugine. Kaya nang lumingon ako at makita ko siya lalo akong napasimangot. Shit, pinsan ko nga ang nilapitan ni Erich.
Eugine Alonso. Panganay na anak ng uncle ko na kalaban ni Papa para maging susunod na CEO ng kompanya ni Lolo. We're the same age but we don't get along. As in never. Hindi gusto ng parents ko ang napangasawa ni Uncle. Gold digger at social climber daw ang mother ni Eugine at kahit against ang pamilya namin nagpakasal pa rin si Uncle sa asawa niya. Doon nagsimula ang pangit na relasyon nina Papa at Uncle.
Since we were young, Eugine and I have been rivals in a lot of things. Sa grades sa school, sa atensiyon ng mga tao sa paligid namin, sa pagmamahal ni Lolo and so on. Aside from that, we also have very different personalities.
When we became teenagers, naging obvious na pinagtatapat kami ng parents namin. Tingnan mo nga, nasa iisang university kami at pareho pa ng course. Since first year kami kalaban ko na siya sa number one spot tuwing exam at nakalaban ko rin sa election para sa student government. I won. Pero lamang lang ako ng dalawang boto. Aside from that, hindi lang talaga namin gusto ang isa't isa. Ilang beses na ba kaming nagkaasaran dahil lang hindi namin trip ang personality ng isa't isa?
Lalo akong nainis nang makita kong halatang type ni Erich si Eugine. So what kung mukhang hindi interested si Eugine sa babae at parang sinungitan pa nga. Lumampas din ang tingin ni Eugine at parang may nakitang kakilala. Tapos mabilis siyang nagpaalam at naglakad palayo. Napasunod na lang ng tingin si Erich. She looks disappointed. I feel so irritated. Shit, sobrang annoying talaga ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION
Teen FictionMy name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng ch...