"BAKIT ka ba nagagalit? Best friend ko si Gin. Siya lang ang masasabihan ko ng mga problema ko."
Inis at mabigat ang mga hakbang na umakyat ako sa second floor ng bahay.
"Thorne!" habol ni Danica. "Bakit ka ba nagagalit? Na si Gin, alam ang tungkol kay Louise bago mo nalaman? Hindi ba na-settle na natin kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo agad? Okay na tayo, 'di ba?"
"I know. That's not the reason why I'm annoyed, okay?"
"Eh, di bakit ka nga naiinis? Huy!"
I finally reached our room. Pagalit na binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. "'Wag muna tayo mag-usap, Danica. Hindi ba nangako kayo sa isa't isa na mag-uusap kayo later? Siya muna ang kausapin mo," saka ko isinara ang pinto bago siya makapasok.
Ilang sandaling katahimikan.
"Fine! Ayaw mo makipag-usap, eh, di 'wag. Bahala ka nga. Si Gin na lang talaga ang kakausapin ko," sigaw ni Danica sa labas ng kuwarto. Then I heard her heavy footsteps as she go down the stairs.
Muntik ko nang buksan ang pinto at habulin siya nang maisip na talagang pupuntahan niya si Eugine. Pero pinigilan ako ng sakit na nararamdaman ko.
Immature na naman ba ako? Selfish? Well, try to love a girl who seems to like someone else. Kung hindi kayo maging immature at selfish. Because when you love someone, you want her to look only at you, right?
INABOT hanggang kinabukasan ang pag-de-deadmahan namin ni Danica. We're sleeping on the same bed but we don't talk. We eat together but we don't look at each other's eyes. Nagpaparinig na si Aling Yolly na tigilan na namin ang hindi pagkikibuan kasi na-fe-feel daw 'yon ng anak namin na for the past two night palaging umiiyak at hindi mapakali. Pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.
And you know what's worst? Nagising ako ng Monday na wala na si Danica. Naunang pumasok. Kahit na alas-sais pa lang ng umaga nang magising ako! Imposibleng dumeretso siya sa campus. Malamang kasama niya ang "best friend" niya.
Badtrip tuloy ako habang bumibiyahe papunta sa campus. Especially when I suddenly remembered that it was not only Eugine who saw us at Tisay's Restaurant. Sina Armi rin. Hindi ko alam kung makakaya kong magkuwento sa friends ko ngayon na hindi maganda ang mood ko. Dapat yata iwasan ko muna sila kaysa mabato ng mga tanong na hindi ko pa gustong sagutin.
Natanaw ko na ang gate ng Richdale University nang makapag-decide akong harapin na lang ang friends ko. Para masabihan na rin sila na huwag ipagkakalat ang tungkol sa amin ni Danica.
Pagka-park ko pa lang sa kotse ko nakita ko nang palapit sa akin sina Armi. Lumunok ako, huminga nang malalim, saka lumabas ng kotse.
"Thorne! Magpaliwanag ka! Ano 'yong—"
"Okay. I'll talk. Pero 'wag naman dito sa parking lot," putol ko sa sasabihin ni Jasper.
"Sige. Pero, Thorne, at least tell us the truth," sabi ni William at saka hininaan ang boses, "Sino ang baby na karga ni Danica nang makita namin kayo sa Tisay's kasama ang lolo at parents mo? Hindi kami lumapit at magpakita sa 'yo kasi sa tingin namin seryosong isyu ang nakita namin."
Lumunok ako. I looked around to make sure there's no one around us before I spoke, "Anak namin. Danica and I, we have a child. And we're already married."
Halos lumuwa ang mga mata ng mga kaibigan ko. "What?!" sabay-sabay pang sabi nila na may kasama pang mura sa sobrang pagkagulat
Inis na pinatahimik ko sila kasi baka may makarinig sa kanila. Marami kaming kakilala sa campus at kapag nakita kami siguradong maku-curious kung ano ang pinag-uusapan namin. Tumahimik sila. Pero hindi kami nakapasok sa first class namin. Hinatak nila ako sa Strawberry Kiss para makapag-explain daw ako. Pumuwesto kami sa dulong mesa malayo sa iba, saka ako bumuntong-hininga at sinabi sa kanila ang mga nangyari sa pagitan namin ni Danica.
BINABASA MO ANG
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION
Teen FictionMy name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng ch...