Chapter 9 - Daddy Duties

10.2K 304 15
                                    

HINDI pa yata ako nakakatulog nang matagal nagising na ako sa biglang pag-iyak ng baby. Gulat na napabangon ako at disoriented na lumingon sa tabi ko. Gising na rin si Danica na bumangon at binuhat si Louise pero umiiyak pa rin ang bata.

"Why is she crying?" inaantok kong tanong.

"Nagugutom," inaantok ding sagot niya. Pupungay-pungay pa ang mga mata nang itaas niya ang suot na blouse. Napangiwi ako at agad nag-iwas ng tingin. Tumahimik. Proof that she was already breastfeeding the baby. Hindi ko alam kung makakasanayan kong makita si Danica na nagbe-breastfeed. Humiga na lang ako uli para matulog.

Pero palalim pa lang ang tulog ko umiiyak na naman ang baby. Not only that. I also smelled something unpleasant. Amoy...

Napadilat ako at napalingon sa part ng kama kung nasaan si Danica at ang baby. Napabangon ako. "What are you doing?"

Ni hindi tumingin sa akin si Danica at ipinagpatuloy ang pagtatanggal ng diaper. Umalingasaw ang mabahong amoy at nakita ko na ang mabaho pala ay ang laman ng diaper. Nanlaki ang mga mata ko at napaalis sa kama. "She... she!"

Bumuntong-hininga si Danica at tinapunan ako ng naiinis na tingin. "Pumupu siya. Normal sa baby at kahit sa tao ang dumumi, 'di ba? 'Wag ka nga mag-react nang ganyan," saka niya kinuha ang bulak sa bedside table, isinawsaw sa nakabukas na Tupperware ng tubig at sinimulang linisin si Louise na umiiyak pa rin at nagpapasag pa. So that's the purpose of that water-filled Tupperware. "Wait lang, baby. Lilinisan ka na ni Nanay. 'Wag ka nang umiyak," alo pa niya sa bata na umiiyak pa rin.

Natigilan ako kasi napansin kong nanginig ang boses ni Danica. Nawala ang antok ko kaya mas naging observant na ako. I noticed na nanginginig din kahit ang mga kamay niya habang nililinisan ang baby. She looks nervous.

"Nagpa-panic ka," nasabi ko bago ko pa mapigilan.

Tinapunan na naman niya ako ng sulyap. "Malamang. Ngayon lang naman ako nagkaanak. Hindi pa ako sanay. Lalo na kapag umiiyak siya nang ganito. Sino ang hindi matataranta?"

She has a point. Ako nga hindi napigilan kargahin ang baby nang makita kong umiiyak na parang hindi na makahinga. Napalunok ako. "W-what can I do?"

Gulat na napatingin na naman sa akin si Danica. Hindi ba niya ine-expect na handa akong tumulong? Bago nagsalita inirolyo muna niya ang gamit na diaper, saka ipinatong sa kama. "Itapon mo na lang 'yan sa basurahan sa banyo."

Napalunok ako pero medyo nakahinga rin nang maluwag kasi humina na ang pag-iyak ng baby nang matanggal ang maruming diaper at ngayon ay nilalagyan na ni Danica ng bago. Huminga ako ng malalim at kinuha ang pinapatapon niyang diaper. Dalawang daliri lang ang ginamit ko kasi kinikilabutan pa rin ako kapag naiisip ko kung ano ang laman n'on. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at itinapon iyon sa banyo.

When I came back hindi na umiiyak ang baby. Paano nakasubsob na naman siya sa dibdib ng nanay niya, dumedede habang patagilid na nakahiga si Danica. Tahimik akong bumalik sa puwesto ko sa bed. Pahiga na ako nang mapansing nakapikit na si Danica, halatang inaantok pa talaga. Ni hindi nakapagkumot. I stared at her for a while. Tapos napabuntong-hininga ako at hindi rin nakatiis na hindi siya kumutan, saka ako humiga at bumalik sa pagtulog.

HINDI lang isang gabi nangyari ang pamumuyat ng baby. She does it every night. Umiiyak kapag gutom. Eh, mayamaya gutom. Puyat, inis at frustrated na ako pero hindi naman ako makapagreklamo kasi kahit gusto kong deadmahin napapansin ko pa rin na mas puyat si Danica kaysa sa akin.

Hindi rin ako makalabas ng kuwarto para matulog na lang sa sala. I tried doing it on the third day. Kaso naabutan ako ni Aling Yolly the next morning na natutulog sa sala. Ayun, nakapagsumbong agad siya kay Lolo. Sa gitna ng second class ko tumawag siya sa akin para pagalitan ako.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon