Chapter 13 - Her Side Of The Story

10.2K 305 10
                                    

TAHIMIK na nagtimpla ng kape si Danica para sa aming dalawa, saka siya umupo sa katapat na silya ng kinauupuan ko. For a moment, we were just quiet. I want her to speak first, whenever she's ready. Pinagmasdan ko lang siya habang hinahalo-halo ang kape niya.

Mayamaya hinawi niya ang buhok na tumabing sa mukha niya at inipit sa kaniyang tainga, saka ko nakitang huminga siya nang malalim bago nag-angat ng tingin. "Nang malaman ni Daddy na buntis ako, nagalit siya sa 'kin. Gusto niyang..." Tumikhim si Danica at kumislap ang sakit sa mga mata. "Gusto niyang ipalaglag ko ang baby."

"What?!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Sshh!" Napalakas kasi ang boses ko.

But I just can't help it. I hate the thought na ginusto ng tatay niyang ipalaglag ang bata. Kinailangan kong itikom ng mariin ang bibig ko para mapigilan ang sariling magmura. Pero shit! How can someone be that cruel to his own daughter? I clenched my fists. I tried so hard to calm myself. "At bakit gusto niyang ipagawa 'yon sa 'yo?" gigil na tanong ko.

Mapait na ngumiti si Danica. "Kasi malaking kahihiyan daw ako. Kasi kahit ano ang gawin niyang pagtatanong hindi ko sinasabi sa kaniya kung sino ang ama ng anak ko. Siyempre hindi ako pumayag na ipalaglag ang bata. Kaya ipinatapon niya ako sa probinsiya, sa matandang nagpalaki sa 'kin na nag-resign nang mamatay si Mommy. Kahihiyan daw kasi ako at hindi na niya ako anak. Mabuti na lang, mabait at mahal ako ni Nanay Conching. Hindi niya ako pinabayaan hanggang sa makapanganak ako."

"At naging maayos ang buhay mo sa probinsiya?"

She shrugged. "Hindi ko naiwasan ang mga tsismosa't tsismoso. Meron namang mga ganoon kahit saan. Lalo na doon sa probinsiya ni Nanay Conching na conservative ang mga tao. Marami ang nagtataka na biglang sumulpot doon ang isang tulad kong teenager. Lalo na at every month lumalaki ang tiyan ko at wala naman akong kasamang ama ng anak ko."

Napalunok ako. My throat feels dry and tight. Na-imagine ko ang naging buhay ni Danica sa probinsiya, palaging sentro ng atensiyon ng mga tao, palaging laman ng kuwentuhan kapag nagkakaumpukan, palihim na nilalait. It must have been painful for her.

I felt so ashamed that I wasn't with her all those months. Even though I have a feeling na siguradong iba ang opinion ko kung last year ko nalaman na may nabuo sa isang gabing nangyari sa amin. Baka katulad ng tatay ni Danica naging selfish din ako at ginawa ang lahat para takasan ang responsibilidad.

Nakakamangha na in just almost two weeks malaki na ang naiba sa opinyon ko. Kasi ngayon hindi ko ma-take isipin ang posibilidad na nasunod ang daddy niya at napalaglag ang bata. Na kung nangyari iyon baka hindi ko nakita si Louise. Just the thought of waking up and not seeing my daughter's face in the morning makes my stomach churn. Kung noon sinabi sa akin ni Danica ang tungkol sa pagbubuntis niya baka nag-away lang kami at wala ngayon dito, nag-uusap nang masinsinan. Baka tumakas ako at ikinatwiran sa sarili ko na masyado pa akong bata para magkaroon ng anak.

"Naipanganak ko na si Louise nang biglang sumulpot si Daddy sa probinsiya. Nagkataon na tinatanong ako ng isang staff ng hospital para sa birth certificate ni Louise. Gusto kong ipangalan lang siya sa 'kin pero ina-advice ng staff na pag-isipan kong mabuti. Na mas maganda raw kung ilalagay ko kung sino ang ama niya. Kaya hindi ko pa siya napapa-register. Sasabihin ko sa 'yo dapat na kailangan nating bumalik ng probinsiya para maayos ang birth certificate niya pero nawala sa isip ko kasi biglang sinabi ni Lolo na bumalik ako sa school."

"Okay. We'll go as soon as possible," mabilis na sagot ko. "Pero paano nalaman ng daddy mo na ako ang ama ni Louise kung nasa probinsiya ka?"

Nagbaba ng tingin si Danica. "Sinabi ko ang pangalan mo sa staff ng hospital na kausap ko. Nasa room din si Daddy that time. Pagkarinig niya sa apelyido mo... tinanong niya agad kung related ka raw ba kay Arnold Alonso na airline at shipping magnate. Ang sabi ko hindi ko alam kasi hindi ko naman talaga alam. Hindi naman family background ang una kong inaalam kapag may bago akong kakilala. Pero nang malaman ni Daddy na nakilala kita sa Richdale University, may tinawagan lang siya at nakumpirma niya kung sino ka.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon