AUGUST ang pinaka-busy na buwan para sa buong Richdale University, lalo na para sa aming officials ng student government. August kasi isinasagawa ang mga planong ginawa namin this past months na related sa Foundation Week.
So I need to go to school earlier than usual and stay on campus until evening. Nang sabihin ko 'yon kay Danica isang gabi, ang sabi niya naiintindihan daw niya. Gusto ko pa rin sana siyang isabay sa pagpasok at pag-uwi pero hindi talaga puwede. Hinayang na hinayang na ako nang biglang parang may naalala si Danica.
"May group report nga pala kami na ipe-present next week. Gagawin namin bukas after class. So baka gabihin din ako ng uwi."
Natigilan ako. "Eh, di sabay na tayo. Tawagan mo ako kapag tapos na kayong gumawa ng report."
Ngumiti siya. "Sige."
Napangiti na rin ako. At least, magkakasabay naman kami umuwi. Siguro dala na rin ng ilang linggo na naming pagkakasabay pumasok at umuwi, parang hindi ko ma-take na masisira ang routine naming 'yon.
The next day nauna nga akong pumasok. Nanibago akong tahimik ang biyahe ko at kahit alam kong ako lang naman mag-isa pasulyap-sulyap pa rin ako sa tabi ko, na-iimagine siyang nakaupo roon, ngumingiti, tumatawa. Napabuntong-hininga na lang ako.
Ilang beses sa buong maghapon na nakomento ng mga kaibigan ko na parang ang tamlay ko raw. Good thing pagsapit ng meeting ng student government kinahapunan may na-contribute naman ako. In fact mas maaga natapos ang meeting namin kaysa ine-expect ko. Six o'clock pa lang ng habi, adjourned na ang meeting.
Wala pa ring tawag o kahit text mula kay Danica.
"Thorne, gusto mo sumama sa 'min sa Magnus?" nakangiting aya ni Franny, secretary namin. Mass Communication student. At, oo, tama kayo ng hinala, ex-girlfriend ko. Naging kami noong first term namin sa student government.
Shit. Ngayon ko lang naiisip na parang ang playboy pala talaga ng dating ko. Lahat na lang ng babaeng nakakasalamuha ko, naging girlfriend ko pala. And Danica knows it. Paano nga naman niya ako magugustuhan na higit sa pagkakagusto niya kay Eugine kung alam niya ang reputation ko?
"Ano, Thorne? Sasama ka?"
Tiningnan ko uli si Franny at umiling. "Kayo na lang. May pupuntahan ako."
"Saan?" disappointed na tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa cellphone ko. Wala pa ring tawag o text. I've made a decision. Ibinulsa ko 'yon, nag-angat ng tingin at ngumiti. "Sa library. May susunduin."
HIWALAY sa ibang building ang main library ng Richdale University. Hindi ko alam sa ibang school, pero sa Richdale hanggang nine in the evening bukas ang library. Para daw ang mga may group reports at projects doon na lang nagmi-meeting at hindi sa ibang lugar.
Last night nabanggit ni Danica na sa first floor sila magmi-meeting. Mas kaunti ang libro doon at mas maraming mesa hindi katulad sa upper floors na mas marami ang nagtataasang shelf kaysa mesa. Pagpasok ko iginala ko lang sandali ang tingin ko, nakita ko na kaagad si Danica. May kasama siyang tatlong babae at mukhang busy sila sa kung anong discussion. I don't want to disturb her kaya lumapit ako sa unang mesa na nadaanan ko at umupo roon.
Inaayos ko pa lang ang sling bag ko sa mesa nang biglang mapatingin sa direksiyon ko si Danica. Namilog ang mga mata niya at napahinto sa kung anong sinasabi sa mga kagrupo niya. Ngumiti ako at sumenyas para sabihin sa kaniyang okay lang ako at ituloy niya ang ginagawa niya. Nasa kalagitnaan ako ng pagha-hand gesture nang lumingon din sa akin ang mga kagrupo niya. Katulad niya nanlaki rin sa pagkabigla ang mga mata nila. Tumikhim ako at ibinaba ang mga kamay ko, saka ginamit ang ngiti na palagi kong ibinibigay sa mga estudyante ng Richdale University.
BINABASA MO ANG
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION
Novela JuvenilMy name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng ch...