Chapter 6 - Ang Unang Gabi

10.5K 290 14
                                    

HINDI ko nalasahan ang mga pagkaing nakahain. Tahimik lang ako. Sa tabi ko nakaupo si Danica na sandaling nawala kanina. Siguro pinuntahan ang baby. Ang parents lang niya at si Lolo ang nagsasalita habang kumakain. About sa business yata ng father niya. Ewan. Hindi ko masyadong pinakinggan. Wala kasi akong ibang gusto kundi matapos na ang araw na 'to.

So nauna na akong tumayo bago pa matapos kumain ang iba. "Magbibihis na ako." Napatingala sa akin si Danica at mukhang may sasabihin pero hindi ko na hinintay pa kung ano 'yon. Mabilis na akong naglakad palayo. Habang umaakyat ako papunta sa second floor tinatanggal ko na ang black suit na suot ko at kinalas ang butones ng puting polo sa bandang leeg ko.

Pagpasok ko sa kuwarto saka lang ako nakahinga nang maayos. Nakakasakal kasi sa ibaba. Nagpalit ako ng damit kasi plano kong pasimpleng umalis ng bahay nang hindi napapansin para makipagkita sa barkada ko. Because honestly I really need someone to talk to. Kailangan ko ng mapaglalabasan ng frustration. Tapos na akong magpalit ng damit nang mapatingin ako sa kaliwa kong kamay. Especially sa singsing na ang katumbas sa akin ay collar sa leeg ko. I gritted my teeth. Huhubarin ko na sana 'yon nang bigla akong makarinig ng iyak ng baby.

Napatingin ako sa nakabukas na banyo. Nasa kabila ang bata. At lalong lumalakas ang iyak n'on. Hindi ko sana papansinin kung hindi ko lang naalala na nasa dining area sa ibaba ang lahat ng tao maliban sa 'kin. Mukhang walang balak tumigil sa pag-iyak ang baby.

Inis na napasabunot ako sa buhok ko at padabog na naglakad papunta sa guest room. "Ugh! This is so annoying." Binuksan ko ang pinto ng banyo sa guest room kaya lalong lumakas sa pandinig ko ang iyak. The baby is in the middle of the bed. Pumapasag-pasag ang mga kamay at paa, namumula ang mukha at basang-basa sa luha ang mga mata. Para ding halos hindi na makahinga sa pag-iyak.

"Sshh!" Hindi huminto. Humakbang ako palapit hanggang sa nakaharap na ako sa kaniya. "Sshh. Stop crying!" Huminto sa pag-iyak ang bata at luminga-linga na parang hinahanap kung nasaan ang nagsalita. I was relieved. Aalis na sana ako kasi tumahimik na 'yon pero nakaisang hakbang paatras pa lang ako umiyak na naman ang baby. "God, why won't you stop?" Frustrated na ako at nagpa-panic kasi namumula na naman ang mukha niyon at parang kinakapos sa paghinga sa kakaiyak.

"What to do? Damn." Sinubukan kong alalahanin ang mga nakita kong ginagawa ni Danica kapag umiiyak ang baby. Binubuhat, inaalo, tinatapik sa likod? How will I do that? Hindi ko pa nararanasang kumarga ng ganoon kaliit na baby buong buhay ko.

Kung hayaan ko na lang kaya umiyak hanggang sa may makarinig?

Mind reader pa yata ang baby at nabasa ang iniisip ko kasi lalong lumakas ang iyak n'on.

Frustrated na napasabunot na naman ako sa buhok ko saka lumapit sa baby. Binuhat ko. Ingat na ingat ako. I don't know if I'm doing it right. Nagulat ako na ang lambot pala ng baby. Fragile. Na parang kapag nagkamali ako madudurog ko 'yon. My heart is beating so fast. Nakatingala lang sa akin ang baby at unti-unting humina ang pag-iyak. Until it finally stopped crying and just looked up at me. Napatitig na lang din tuloy ako sa mukha n'on.

Suddenly, the baby smiled at me.

Nahigit ko ang hininga ko kasi parang may sumuntok sa dibdib ko nang makita ang ngiti niya. Niya. Hindi na Iyon. Kasi paano ko pa ididistansya ang sarili ko sa baby kung karga ko na siya ngayon at nginingitian pa ako? Kung parang nilalamutak ang sikmura ko habang tinitingnan ang mukha niya?

Na-realize ko na kahit magalit o ma-frustrate o mag-deny pa ako wala nang mababago. And even though hindi pa kami magkasundo ni Danica may anak talaga kami. Ngayon nga legally married pa.

Sabi nga ni Lolo, 'yon ang kinalabasan ng sarili ko ring pagkakamali. I know partly punishment niya sa akin ang pamimilit niyang magpakasal ako. Masyado akong nagpadalos-dalos. I got involved in sexual relationships even though I might still be too young for it. Naging mapusok ako. Naging masyadong bilib sa sarili na hindi ako madidisgrasya o makakadisgrasya. Heto ngayon sa mga kamay ko ang ebidensya na hindi lahat mangyayari according to my plans.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon