Chapter 5 - Shotgun Wedding

10.4K 276 5
                                    

"IS THIS Your intention from the very start? Ang pikutin ako? Kaya bigla kang sumulpot kasama ang parents mo at ang... ang batang 'yan?!"

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw the moment na magkasolo kami ni Danica sa guest room na gusto ni Lolo na maging kuwarto niya mula sa araw na 'yon hanggang sa "ikasal" kami. I'm so angry at the thought that she planned everything.

Most of all, I'm angry because I feel so helpless. Wala akong magawa sa desisyon ng nakatatanda lalo na ni Lolo. Disappointed na sila sa akin at wala nang tiwala na kaya kong maging responsable kung magdedecide akong mag-isa. So now si Lolo na ang gumagawa ng decision para sa future ko kahit na para sa akin mali ang gusto niyang mangyari. I mean, get married at eighteen? Ridiculous!

Hindi sumagot si Danica. Inilapag lang niya ang natutulog na baby sa kama at nagmartsa palapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko at hinatak ako. Kahit galit ako napasunod ako sa kaniya hanggang sa bathroom, saka niya ako binitawan at isinara ang pinto. Pero hindi siya humarap sa akin. It's as if she's trying to collect her wits or something.

"Magpaliwanag ka, Danica," malamig na basag ko sa katahimikan.

That's when she finally turned to me. Matalim ang tingin niya pero may bakas ng frustration at pait. "Ano'ng ipapaliwanag ko? May nangyari sa atin at nabuntis ako. Tinago ko dahil alam naman nating pareho na isa lang 'yong malaking pagkakamali at hindi naman natin mahal ang isa't isa. Na nalaman ng mga magulang ko at nagalit sila sa 'kin. At dahil nakakahiya na ako sa paningin nila pinahinto nila ako sa pagpasok sa school at pinasama sa probinsiya ng housekeeper namin para lang hindi malaman ng mga kaibigan nina daddy ang tungkol sa pagbubuntis ko. There. Ngayon ay alam mo na."

Hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa mukha niyang namumula sa galit. Hinihingal pa siya pagkatapos halos isigaw ang mga sinabi niya sa mukha ko.

"Wala kang masabi ngayon, 'no? Dapat lang dahil wala kang karapatan magalit sa 'kin o sumbatan ako. Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa nakaraang sampung buwan, Thorne Alonso. Hindi mo alam kung paano itrato ng mga tao ang isang disiotso anyos na babaeng buntis at walang kasamang ama ng anak niya. You don't know because for sure you were busy having fun and flirting with different girls in the last ten months!" sigaw na naman ni Danica.

"I can see that you're really angry. Then why do you want to marry me?"

Mariing tumikom ang mga labi niya. She looks like she want to say something but caught herself. Pagkatapos huminga siya nang malalim at saka nagsalita. "Kasi gusto kong magkaroon ng complete family at maayos na buhay ang anak ko. At alam ko na kapag naging Alonso kami sigurado na ang magandang kinabukasan niya. Isa pa, tama ang lolo mo. You need to take responsibility. Hindi puwedeng nabago na ang buhay ko pero ikaw katulad pa rin ng dati. That's unfair. Kaya kahit ano pa ang sabihin mo, kahit magalit ka pa, wala ka nang magagawa. Ikakasal ka sa akin, Thorne."

I gritted my teeth. Nagrerebelde ang dibdib ko sa mga nangyayari at sa mga sinasabi niya pero wala akong maisip sabihin. Gusto kong magalit uli, i-deny ang lahat ng sinabi niya. But I know it's immature to do that. So instead na magsalita nagkatitigan na lang kami. At least, pagdating 'don ayokong maunang mag-iwas ng tingin. May pride pa rin naman ako kahit alam kong sa usapang 'yon, ako ang talo.

Nabasag ang katahimikan dahil sa iyak ng baby. Naputol ang eye contact namin at sabay napatingin sa pinto ng banyo na naka-connect sa guest room. Mabilis na kumilos si Danica at binuksan ang pinto. Lalong lumakas sa pandinig ko ang iyak ng baby. Humakbang siya palabas ng banyo pero biglang huminto at humarap uli sa akin.

"Sana man lang, tingnan mo nang maayos ang anak mo. Mula nang dumating kami kahapon ni hindi mo siya nilapitan o tiningnan man lang nang matagal. Walang mababago ang pag-iwas mo. Anak mo siya. At para lang sa kaalaman mo kasi hindi mo itinatanong, Louise ang pangalan niya." After that tumalikod na siya uli, saka nilapitan ang umiiyak na baby.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon