Chapter 12 - Pagkilala Sa Isa't Isa

10K 296 4
                                    

ANG SAMA ko nga siguro na nakahinga ako nang maluwag nang biglang nawala si Danica last year. Kasabay kasi ng pagkawala niya nawala rin ang usapan tungkol sa amin. Napalitan na ng bagong isyu at tsismis. I didn't even question why she suddenly disappeared. Sarili ko lang ang inisip ko noon. Now that I think about it, siguro one month after na may nangyari sa amin nalaman niyang buntis siya.

Hindi siya nagparamdam sa akin. Pero kay Eugine hindi niya pinutol ang komunikasyon? Nakaka-badtrip isipin. Mas nakakainis na kahit naiirita ako at ayokong makita si Danica kasi baka mapikon ako at makapagsabi ng hindi maganda ay kailangan ko pa rin siyang hintayin para isabay sa pag-uwi pagsapit ng hapon. At sa iisang bahay kami nakatira at sa iisang kama natutulog. Kahit gusto ko ng space wala akong choice kundi ang makita at makasama siya. Ganoon ang naging routine namin sa loob ng ilang araw.

Torture.

Katulad ngayon, araw ng Biyernes. Hinihintay kong matapos ang last class ni Danica, nakatambay ako sa parking lot, sa tabi ng kotse ko, nang tumawag sa akin si Lolo.

"Pagkagaling n'yo sa school, mag-dinner tayong pamilya. Natawagan ko na si Yolly para sabihing male-late kayo ng uwi ni Danica." Pagkatapos ay may sinabi siyang pangalan ng restaurant na kalahating oras ang layo mula sa Richdale.

Napabuntong-hininga ako at sumang-ayon. Hindi naman kasi ako puwedeng tumanggi.

Nang oras na ng labasan ni Danica pero hindi pa rin siya dumarating ay inis na tinawagan ko siya. Good thing I asked for her cellphone number. It took her so long before she answered the call. "Nasaan ka na?"

"Bakit?"

Kumunot ang noo ko. "Anong bakit? Sabay tayong uuwi, 'di ba? Hinihintay kita sa parking lot kanina pa. Besides, gusto nila Lolo na mag-dinner tayo kasama sila."

"Ah."

Nainis na ako. "Nawala sa isip mo na hinihintay kita?"

"Sorry, sige papunta na ako." May narinig akong ibang mga boses sa background bago niya naputol ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko. Boses ng lalaki ang isa sa mga narinig kong kasama niya. Was she with Eugine? I clenched my jaw at that thought.

Wala pang five minutes humahangos nang dumating si Danica.

"What took you so long?"

Tumalim ang tingin niya sa akin. "May friends din akong gusto akong makasama kasi matagal akong nawala, okay?"

"Si Eugine?" maanghang na tanong ko.

Mariing tumikom ang bibig ni Danica at mukhang nainis na rin. "Bestfriend ko si Gin."

I smirked. "Best friend? Kailan lang ba kayo nagkakilala, best friend agad?" Sinong niloko niya.

"Bakit ba ganyan ka kay Gin? Pinsan mo siya."

Napikon na ako. "'Wag mo siyang kampihan sa harap ko, okay? Tara na nga lang. Hinihintay tayo ni Lolo," saka ko binuksan ang pinto sa driver's seat at pabagsak na pumasok sa loob ng kotse.

"Ano'ng problema mo?" inis na sabi ni Danica pagkasakay rin niya sa passenger's seat.

Humigpit lang ang hawak ko sa manibela at pinaharurot ang kotse imbes na sumagot. Kasi paano ko sasabihin sa kaniya na ayokong nakikitang kasama niya si Eugine? Na ni ayokong naririnig na tinatawag niya sa palayaw ang pinsan ko. Na naiinis ako kasi naalala ko ang nakaraan. Even in my mind, ang pathetic ng mga dahilan ko. So I kept quiet.

KAMI na lang ang hinihintay nang makarating kami sa restaurant. Nandoon na si Lolo, ang parents ko at ang parents ni Danica.

Napansin ko kaagad na natigilan si Danica nang makitang present ang parents niya. Nang sulyapan ko ang mukha niya nagulat ako kasi sandaling naging malamig ang expression niya. I suddenly had a hunch that she doesn't get along with her parents. Hindi ko naisip ang possibility na 'yon noong unang beses silang sumulpot sa bahay namin hanggang sa ikasal kami ni Danica. Masyado akong na-focus sa sarili ko noon para maisip iyon.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon