Chapter 10 - Ang Kasunduan

11.2K 317 25
                                    

"GUSTO ko na magkaintindihan tayo bago ka pumasok sa school sa Lunes, Danica." Nakapamaywang ako at seryosong nakatingin sa kaniya nang sabihin ko iyon. Nasa loob kami ng kuwarto para hindi marinig ni Aling Yolly ang gusto kong pag-usapan namin. Hindi man lang lumingon sa akin si Danica na karga si Louise at mahinang kinakantahan.

Nainis ako kasi sigurado akong sinasadya niyang huwag akong pansinin. Ganoon na ang attitude niya kapag kaharap ako mula nang umuwi ako galing sa school, noong araw na hinalikan ko siya sa pisngi at aksidenteng naglapat ang mga labi namin. Frustrated akong napabuntong-hininga. "Sinabi ko na sa 'yo na hindi ko sinasadya ang ikinagagalit mo, okay? It was an accident. Besides, exaggerated ka naman mag-react. You cannot even call that a kiss!"

That was when she finally looked at me. Matalim, as usual. "Kung hindi mo ako hinalikan sa pisngi hindi 'yon mangyayari!"

Bumuntong-hininga ako. "Danica, masyado ka bang apektado sa nangyari kaya hindi ka maka-move on? Are you really calling that accidental touch of our lips a kiss? That's how affected you are?"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata at mukhang tuluyan ko nang nakuha ang atensiyon niya. "Hindi ako apektado, okay?"

"Kung ganoon wala kang dapat ikagalit. Let's change the topic now, okay? May mas importante tayong dapat pag-usapan. Tungkol sa pagpasok mo uli sa Richdale," pag-iiba ko sa usapan.

Siya naman ang bumuntong-hininga ngayon, saka maingat na inilapag sa kama ang baby. Mabuti na lang at hindi umiyak. Then nakapamaywang na siya at humarap sa akin. "Ano ba ang sasabihin mo?"

Huminga ako nang malalim. "Gusto kong isekreto ang tungkol sa atin. Walang dapat makaalam sa campus na... na—"

"Na kasal tayo at may anak?" pagtatapos niya sa hindi ko masabi.

Lumunok ako nang makita ang kislap ng pait sa mga mata ni Danica. Medyo na-guilty ako pero binalewala ko 'yon. "Yes. That's it. One year na lang ang bubunuin ko sa college. Ikaw, two years. I want to spend that short time na hindi pinag-uusapan."

"Dati ka pa naman pinag-uusapan ng mga estudyante, 'di ba? Thorne Alonso, one of the university's idols," parungit niya.

"Ibang kaso 'yon. Ayokong pag-usapan sa hindi magandang paraan. Bad shot na ako as it is kay Lolo. Kapag nasira pa ang pangalan ko for sure lalo siyang magagalit sa 'kin. Baka hindi na niya ibigay ang share ko sa company na ipinangako niyang ibibigay niya sa 'kin kapag naka-graduate ako."And if that happens, sina Papa at Mama naman ang magagalit sa akin. "Anyway, gusto ko lang i-spend ang natitirang sandali ko as a teenager na masaya at walang problema, okay? I want to live young a little longer. Sigurado akong ikaw rin, 'di ba?"

Lalong naging mapait ang kislap sa mga mata ni Danica bago nag-iwas ng tingin. "Ako matagal ko nang gustong takasan ang pagiging teenager. Inip na inip na nga akong tumanda." And then she gave a humorless laugh. Sumulyap siya sa baby. "Hindi nga lang ganito ang naisip ko. Ang plano ko magtapos ng pag-aaral, magtrabaho, makayang buhayin ang sarili ko. Nangako ako na magiging independent ako. Pero huli na para magsisi. Isa pa, kapag nakikita ko si Louise, nagpapasalamat na rin ako. She's my sweetest mistake."

Napatitig ako sa kaniya kasi biglang naging masuyo ang facial expression niya. A smile touched her lips. Parang may sumuntok sa sikmura ko at napatitig lang sa mukha niya. Napakurap lang ako nang bigla siyang humarap uli sa akin at nawala ang masuyong ekspresyon. Naging seryoso siya at may pait ang mga mata.

"Hindi lahat katulad mo, Thorne. Ikaw nae-enjoy mo ang kabataan mo kasi nasa 'yo ang lahat. Wala kang pinoproblemang iba maliban sa kung saan kayo tatambay ng mga barkada mo o kung sino ang susunod mong ide-date. Nakukuha mo ang lahat ng gusto mo na hindi mo kailangang maghirap. At ang tanging conflict mo lang sa pamilya mo ay ang walang kuwentang rivalry n'yo ni Eugine. Para sa kaalaman mo, Thorne, hindi lahat ng teenager kasinsuwerte mo. May mga gustong takasan ang pagiging menor de edad nila at ang pagiging helpless nila."

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon