Chapter 11 part one - First Time

10.1K 272 5
                                    

-THORNE-


ALAM niyo iyong dreaded morning after? Iyong awkward moment kinaumagahan kapag nagising ang isang lalaki at isang babae matapos ang gabing may nangyari sa kanila. Dati ay sinisiguro ko na hindi ko nararanasan iyon. Maingat ako at hindi nagpapaabot ng umaga. Hanggang dumating si Danica sa buhay ko.

Hindi ko alam noon kung ano ang sumapi sa akin at kahit disaster ang una at huling gabi na may nangyari sa amin ay inabutan pa rin ako ng umaga sa kuwarto niya. Nangyari iyon isang gabi bago ang Dance Party noong nakaraang taon.

Maganda ang bahay nila, hindi man kasing laki ng bahay namin. Wala silang kasambahay at wala rin ang mga magulang niya noon kaya never ko sila nakilala dati. Katunayan ay dahil nag-iisa lang siya sa bahay kaya kami nauwi doon. Kahapon ay gabi na ay ayaw pa rin niyang umuwi kahit na inaalok ko na siyang ihahatid siya. Ayaw daw niya umuwi dahil wala rin naman siyang aabutan doon kung hindi kadiliman at katahimikan.

"Then I will keep you company," nasabi ko. Napatingin siya sa akin, parang may binabasa sa ekspresyon ko. Ngayon ay naiisip ko na siguro akala niya sinabi ko iyon dahil may intensiyon talaga akong may mangyari sa amin. Pero sa totoo lang, maniwala man siya o hindi, ay hindi ko iyon naisip nang sabihin kong sasamahan ko siya. Para lang talagang pana na tumama sa dibdib ko ang vulnerability at lumbay na dumaan sa mga mata niya nang sabihin niya sa aking ayaw pa niyang umuwi. Na agad ding nawala nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya.

"Sigurado kang okay lang sa iyo na samahan ako?" tanong niya.

"Oo nga. Kahit hanggang makatulog ka lang. Aalis ako pagkatapos. We can talk about things. Or maybe watch DVDs. Bumili tayo ng popcorn at iba pang pagkain on the way."

Umangat ang gilid ng mga labi niya. "Sounds good."

Pagdating namin sa bahay nila ay sa kusina kami dumeretso. Doon namin kinain ang take-out food bilang hapunan. Kahit nasa bahay nila kami ay walang binanggit si Danica tungkol sa pamilya niya. Kapag nagtatanong ako ay tipid ang mga sagot niya at saka iibahin ang usapan. Malapit na akong ma-frustrate at itanong sa kaniya kung bakit siya umiiwas nang maunahan niya akong magsalita.

"Sa kuwarto ko na lang tayo manood ng movie. Pero bago iyon pwede bang mag shower lang ako? Ang lagkit ko dahil maghapon akong nasa labas. Ikaw din, kung gusto mo puwede kang makigamit ng shower. Wala nga lang akong maipapahiram na damit sa iyo."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Dahil sa mga sandaling iyon lang tumimo sa akin ang sitwasyon namin. Siya at ako. Sa isang bahay. Mananatili pa sa iisang silid. At dahil manonood kami ng pelikula ay hindi ba ibig sabihin 'non magpapatay ng ilaw?

Napalunok ako. Biglang umalinsangan ang pakiramdam ko. Pinawisan ako ng malamig habang nakatitig kay Danica. Kahit na pinipigilan ko ang sarili ko ay hindi ko maiwasang maisip kung ano ang pakiramdam na mahalikan siya, na –

"Thorne, ano? Mag-sha-shower ka rin ba?" tanong niya dahilan kaya naputol ang malisyosong takbo ng isip ko.

Tumikhim ako at napatayo. "Yes. I will." Wala siyang ideya kung gaano ko kailangan ng shower sa mga sandaling iyon.

Nagpunta kami sa kuwarto niya. Pinauna niya ako mag-shower dahil aayusin daw niya ang panonoorin namin at ang mga kakainin. Pagkatapos ko ay siya naman ang naligo. Naiwan ako sa kuwarto niya, sumalampak ng upo sa bahagi ng sahig na may carpet, pasandal sa gilid ng kama, paharap sa LCD TV kung saan naka-pause na ang simula ng pelikulang isinalang niya sa DVD player. Sa maliit na lamesa ay nakapatong na ang ilang coke in can, popcorn at iba pang snacks.

Ilang minutong nakatitig lang ako sa kisame, masyadong sensitibo ang pandinig sa tunog ng shower. At nang mawala ang tunog niyon ay imahinasyon ko naman ang naging sensitibo, hindi maiwasang makinita si Danica sa nagpupunas, nagbibihis.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon