Chapter 19 - The End Is The Beginning

12K 371 23
                                    

MALAYO-LAYO na si Danica sa Literature Building nang finally naabutan ko siya. She didn't even bother to look back. I took a deep breath. "Danica! Danica, wait!" Hindi pa rin lumilingon. Binilisan ko na ang takbo at kahit na napapatingin ang mga estudyante sa paligid namin isinigaw ko pa rin ang pangalan niya. "Danica Solomon!" Ayaw pa rin. Na-frustrate na ako. Ganito ba ang pakiramdam niya noong hinahabol niya ako sa bahay at hindi ako lumilingon? Kaya naman pala inis na inis siya sa 'kin. I need to apologize to her later.

"Danica Solomon-Alonso!" sigaw ko.

Napahinto siya at bigla akong nilingon. Sinamantala ko 'yon at mabilis na lumapit sa kaniya.

"Ano'ng itinawag mo sa 'kin?" manghang tanong ni Danica.

Ah. I finally got her attention. "Why, 'yon naman talaga ang buo mong pangalan, 'di ba? Danica Solomon-Alonso."

"Sshh!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata at lumingon sa paligid. "Marami na ngang estudyante ang nakakita ng bulletin board na 'yon nagsasalita ka pa nang ganyan."

"Iyon na nga, eh. Marami na ang nakakita so wala namang difference kung malaman nilang lahat." Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Not far from us I saw Prof. Victoria. Sumunod pala sa amin, galit at halatang pinipigilan ng faculty members na kasama niya kanina. Even the students near the bulletin board awhile ago, halatang hinabol kami, mukhang walang balak tumigil na makiusyoso. Nahuhuli si Eugine na bitbit ang pictures at papel na kanina nasa bulletin board. His other hand is holding Sabrina's arm. Obvious na galit ang pinsan ko habang si Sabrina naman nagpupumiglas pero hindi niya binibitawan. Kahit na palagi kaming nag-aaway mula noon, second time ko pa lang siya nakitang galit na ganoon. The first one was last year. Nang suntukin niya ako. Ibinalik ko ang tingin kay Danica. "Talaga bang wala kayong relasyon ni Eugine?"

Kumurap-kurap siya. Siguro nalito sa pag-iiba ko sa usapan. Pero gusto ko talagang malaman. Para sa peace of mind ko. "Wala nga. Hindi namin gusto ang isa't isa sa ganoong paraan, okay? Alam kong sasabihin mo na naman na kailan lang kami nagkakilala, best friends na kami agad. Pero 'yon talaga kami. Best of friends. Kasi marami kaming pagkakapareho. Pareho kami ng naging kabataan. Kung kikilalanin mo lang siya, malalaman mo na hindi ka dapat magalit sa kaniya.Kasi siya, hindi siya galit sa 'yo. Envious siguro oo, kasi ikaw lumaki kang masaya ang pamilya. Pero hindi siya galit sa 'yo. In fact, nang sabihin ko sa kaniya last year ang tungkol sa... sa alam mo na, kino-convince niya akong sabihin sa 'yo pero ako lang ang tumatanggi. Pinilit ko rin siyang mangako na hindi sasabihin sa 'yo ang tungkol sa akin. 'Wag mo na siyang pagselosan, okay?"

Hindi ako nakapagsalita agad. I took a deep breath. Then tumango ako. "Fine. I'll try. Pero hindi ko sinasabi na magiging madali para sa akin na balewalain lang kapag may ibang lalaking malapit sa 'yo."

"Bakit? Bakit hindi mo kayang balewalain kapag may malapit sa aking iba?"

Tumikhim ako. "Well, first of all kasal na tayo."

"What?! Kasal kayo?" biglang sabi ni Sabrina. Kasabay si Prof. Victoria. Na nasundan ng manghang ingay mula sa mga nasa paligid namin. Pero hindi ko inalis ang pagkakatitig sa mukha ni Danica na namula. Siguro sa atensiyon sa paligid namin.

"Second, you're the mother of our child."

Lalong nagkaingay sa paligid. Lalong namula ang mukha ni Danica. Humakbang ako palapit sa kaniya. My heart is beating so fast as I hold her hand. "Third..." Pinisil ko ang kamay niya. Tiningala niya ako, nagtama ang mga mata namin. I smiled lovingly. "Mahal kita." Umawang ang mga labi ni Danica, hindi makapagsalita. "Hindi ko alam kung naipakita at naiparamdam ko sa 'yo, pero mahal talaga kita, Danica. Sa tingin ko nga last year pa, eh. Bago 'yong dance party. Bago tayo nagkahiwalay na masama ang loob sa isa't isa. Puro hindi maganda ang inalala ko this past year. I let anger and irritation consume me, kasi subconsciously, alam ko na kapag hindi ko 'yon ginawa, mami-miss kita."

Namasa ang mga mata ni Danica. Sumikip din ang dibdib ko, inangat ang kamay niyang hawak ko, hinalikan at idiniin sa pisngi ko. "These past months, since we got married, kahit hindi naging madali sa 'tin ang mag-adjust sa bago nating buhay, kahit na marami pa rin tayong pinagtatalunan, kahit na hanggang ngayon kinikilala pa rin natin ang isa't isa, lalo kitang minamahal. And I will love you more as we get to know each other. I will love you more still as we face different challenges in our lives. Katulad mo, Louise is my sweet mistake. But you, Danica Solomon-Alonso, you are my sweetest mistake.

"Aww." Ingay mula sa mga estudyante sa paligid namin na nanonood.

Hindi ko inalis ang tingin sa mukha ni Danica. Huminga ako nang malalim. At kahit na never akong nakiusap o nag-confess ng feelings sa isang babae, kahit na hindi ako nagmakaawang mahalin din ako ng kahit na sino kasi kusa 'yong ibinibigay sa akin, ngayon handa akong gawin. "I used to think my life is so perfect. I know, even to my ears, I sound so full of myself. And really, I was full of myself. Pero ngayon alam kong hindi ako perpekto. I know that I still have a lot to learn. Sabi mo nga, ni hindi ko sariling pera ang ginagamit ko. Pero kahit 'ganon, puwede bang mahalin mo rin ako, Danica? Will you stay with me as I continue my journey in life? Puwede ba?"

Kumurap-kurap si Danica. Siguro para alisin ang pamamasa ng mga mata niya. Halos mabingi ako sa bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya. Lumunok. Then she smiled. "Sa tingin mo ba ano ang puwedeng dahilan kaya kahit alam ko na iba ang tunay mong intensiyon nang lapitan mo ako last year nag-stay pa rin ako sa tabi mo? Kahit na alam ko nang masasaktan ako sa huli, sumige pa rin ako. Iyong sinabi ko sa dance party last year, dala lang 'yon ng pride ko. Hindi 'yon totoo. Ang intensiyon ko talaga manatili sa tabi mo, i-enjoy ang gabing 'yon na hindi iniisip na pagkatapos n'on, iiwan mo na ako. I didn't imagine that my friends will tell Gin about what they heard at Magnus. Kasi sinabihan ko na silang 'wag ipagkakalat, eh. Pero ang point ko lang, hindi ako umiwas sa 'yo kasi gusto kita, okay? Kahit pa sinabihan nila ako na chickboy ka, hindi 'yon ang nakita ko. Ang nakita ko ay si Thorne na may sense of humor, matalino at confident.

"Pero kahit ine-expect ko na masasaktan ako sa huli, iba pa rin ang naramdaman ko nang aminin mo mismo sa 'kin na naglalaro ka lang. Kaya katulad mo, nag-focus ako sa galit. Kasi kung hindi mami-miss din kita. Pero dahil magkasama na naman tayo these past month, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Mahal din kita. Iyon ang totoo."

Napangiti ako, nakahinga nang maluwag. Hindi ko napigilang yakapin si Danica na natawa at gumanti ng yakap. "I love you," paulit-ulit kong bulong. "I love you. Kayo ni Louise. Mahal na mahal ko kayo."

Humigpit ang yakap niya sa akin, hinalikan ako sa pisngi at gumanti rin ng maraming "I love you."

"Aww" sabi na naman ng audience namin na may kasamang sipol, hagikgikan at palakpakan. Narinig ko rin ang galit na boses ni Prof. Victoria pero mukhang nasaway na siya ng faculty members na sinasabing hayaan na raw kami at kung kasal naman daw at may basbas ng mga pamilya namin ay wala kaming ginagawang masama. May narinig akong click ng mga cell phone camera kaya for sure bukas o baka mamaya lang, nasa social media na ang pictures namin ni Danica. For sure din hindi basta papayag si Prof. Victoria at iba pang professor na sa relasyon namin. Magrereklamo pa rin sila sa President ng Richdale at baka nga hilingin na bigyan ako ng punishment or whatever

I don't know what will happen in the near future. Even years from now. All I know now is that there are many things in life that do not go according to plan. Na ang mas importante ay kung ano ang gagawin mo kapag may hindi inaasahang mangyari sa buhay mo. Kung ano ang magiging attitude mo. Kung paano mo haharapin.

Sa kaso ko, kahit ano pa ang mangyari kakayanin ko. Basta nasa tabi ko si Danica. Basta nasa tabi ko si Louise. My sweetest mistakes.

Parang sa movies ba? This is not like the movies. Hindi happily ever after ang kuwento naming 'to. Our story is open-ended. Marami pa ring room for mistakes and future arguments. Pero marami ring room for improvement and for growth. At siyempre, for love.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon