i

281 7 2
                                    


"Wag mo akong ma-noona noona! Hoy, Jung Chanwoo ah! Papaliparin na talaga kita."

Sumisigaw ako. Halata naman siguro diba? Bwisit kasi itong kakambal ko. Oo, kambal. As in, pero hindi kami magkamukha. Fraternal twins, ganon. At sumisigaw ako dahil inaatake na naman ng kaadikan ang kapatid ko.

Malaman ko lang na naka-high sya kung san man siya naroroon ay ipapatapon ko siya.

Pero hindi ko kaya.

"Allison naman, miss na kita. 'Wag ka namang ganyan sa 'kin."

"Miss mo mukha mo! Hmp!"

Nagtatampo ako Chanwoo! Nagtatampo! Alam mo 'yun? Dalawang taon ka ng hindi umuuwi!

"Ah! Alam ko namang nagtatampo ka. 'Wag kang mag-alala, may surprise ako."

"Ano naman 'yun? Kung corny, 'wag na. Sorry, not sorry." Akala mo ha! Tatarayan kita hangga't hindi ka umuuwi.

Bakit ba kasi ganun siya? Training ng training! Training san? Sa basketball. Ang ewan lang eh, noh?

Pero kasi, siya at ang barkada niya ay kinuha ng isang basketball enthusiast. Hindi ko kilala kung sino. Isang sikat na basketball player ang nagsponsor sa kanila, kaya scholar sila ngayon. Paaral sila, pakain, pabahay, lahat na! Ang swerte swerte nila!

Pangarap rin naman kasi nila ang maging varsity player kapag nag-college kami.

"Oh may nakatok ata sa pinto mo."

Aba, ang laki ng tenga niya. Dinig na dinig eh.

"Buksan mo na. Baka gwapo 'yan."

"Gwapo? Wala ng gwapo sa mundo."

Binuksan ko ang pinto at literal na nalaglag ang panga ko pati 'yung cellphone ko.

"Reflex!" Sigaw niya dahil nasalo niya 'yung cellphone.

"Kambal, hindi mawawalan ng gwapo sa mundo hangga't nag-eexist pa ako."

Ay wow! Umuwi, naghasik ng hangin. Bumalik ka na lang sa lungga mo!

"Gulat ka noh?"

"Aba malamang! Dalawang taon ka kayang hindi nagparamdam!"

"Oh, asan yakap ko kambal?" Tanong niya at tinaas baba pa ang kilay niya.

"Chanwoo-yaaaaah!" Sigaw ko at niyakap siya.

"Allisooooooon!"

"Ikaw kapre ka, bat ngayon ka lang bumalik? Namiss kaya kita!" Sigaw ko ulit.

"Oh! 'Wag kang iiyak! Babawi ako! May three months break kami eh." Kumindat pa siya. Kumindat pa ang loko.

"Babawi ka? Chocolate!" Masaya kong sabi.

"Hay nako asdfghjkl" Hindi ko na naintindihan 'yung huli niyang sinabi. Wala na rin naman akong pake. Nahulog na 'yung pake ko, hindi ko na hinanap. Aanhin ko naman ang mga bagay na hindi nagpapahanap, diba?

"Patulugin mo muna ako." Sabi niya at humiga sa kama ko.

"Hoy, may kwarto kang iyo." Sabi ko.

"Hindi pa ayos."

Tss. Mga rason nga naman niya. Ang sabihin niya, namiss nya lang ako.

Pumasok na lang ako sa CR. Naghilamos ako dahil inaantok ako. Ayoko namang matulog.

"Bakit nandito pa rin 'to?" Hawak hawak niya ang isang picture frame.

"Chanwoo."

"Bakit nandito pa rin 'to, Allison?"

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon