epilogue

130 4 1
                                    

"Si Junhoe, Allison. Naaksidente si Junhoe."

Ano? Saglit akong napatulala kay Hillary. Anong na-aksidente si Junhoe?

"Nasaan siya? Nasaan si Junhoe? Si Chanwoo? Si Hanbin? Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko.

"Ayos lang si Hanbin at Chanwoo. Si Junhoe lang talaga ang.." Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Ang ano? Tara puntahan natin sila! Dali!" Sabi ko sa kanya at hinigit ko siya pero nanatili siya sa kinatatayuan niya.

"Wala na-"

"Anong wala na!? Hillary naririnig mo ba 'yang sinasabi mo!?" Sigaw ko sa kanya.

"Teka Allison, huminahon ka muna." Sabi niya.

"Huminahon? Pano ako hihinahanon!?"

"Makinig ka sa 'kin Allison. Dinala na si Junhoe pabalik sa 'tin matapos maging stable ng lagay niya. Inilipat siya ng ospital since kakaunti ang gamit nila dito at mas mabilis siyang mapapagaling kaya inilipat agad siya. Kasama nila ang Mama mo. Susunduin tayo nina Hanbin dito mamayang umaga." Sabi niya.

"Ano? Bakit hindi ako ginasing ni Mama? Bakit hindi niya ako sinama!?"

"Huminahon ka nga muna! Baka hikain ka eh. Malayo ang ospital dito!" Natahimik ako ng bigla niya akong sinigawan.

"Hindi ko din alam kung bakit nangyayari 'to. Ang magagawa na lang natin ngayon ay maghintay at magdasal na sana maging okay na si Junhoe." Sabi niya.

Tumango na lang ako. Bakit nga ba nangyayari 'to?

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. 2:06 AM. Wow, happy birthday to me.

Bakit ba lagi na lang may naa-aksidente? Lagi na lang may nao-ospital. Hindi ba pwedeng mabuhay na lang kami ng masaya?

"Allison, matulog na lang muna tayo." Sabi ni Hillary at pinatay na niya ang ilaw.

Matulog? Hindi ko yata kayang gawin 'yun. Pinikit ko ang mata ko at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko.

Koo Junhoe. Ano bang kalokohan ang ginawa mo at na-aksidente ka? Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko siya niloko, uuwi sila ng maaga. Hindi siya maa-aksidente. Kasalanan ko 'to.

Allison kasi eh, arte arte pa. Alam na hindi marunong lumangoy 'yung tao eh!

"Allison 'wag ka ng umiyak. Baka hikain ka."

"Kasalanan ko, Hillary. Kasalanan ko." Sabi ko at hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Tutal kanina pa din naman akong umiiyak eh.

"Shh, hindi mo kasalanan ang nangyari Allison. Aksidente 'yun, walang may kasalanan nun." Sabi niya habang yakap yakap ako at pinatatahan ako.

"Pero miski na. Kasalanan ko pa rin. Kung hindi ko lang ginawa 'yun kay Junhoe edi sana umuwi sila ng maaga at nandito sila ngayon. Kasama ko. Kasalanan ko, Hillary. Kasalanan ko." Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Tahan na, Allison. Baka hikain ka." Sabi niya.

Tahimik akong humikbi at hindi nagtagal, nakatulog na ako.

"Nakuha nyo na ba lahat ng gamit nyo?" Marahan akong tumango. Nandito si Hanbin at Yunhyeong ngayon, sinusundo kami.

"Allison." Lumapit ako kay Hanbin nung tinawag niya ako. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang niyakap.

"Shh, magiging okay din si Junhoe. Babatiin ka pa niya ng Happy Birthday eh." Sabi niya. Pinunasan ko ang luha ko. Magiging okay si Junhoe. Tama si Hanbin, magiging okay ka na Koo Junhoe.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon