xiv

72 3 1
                                    

"Aray!"

"Sorry!" Sabi ko at tinanggal ang bulak na nakalapat sa may labi ni BI.

"Sigurado ka bang si Chanwoo ang sumuntok sa 'yo? Baka naman may sinabi ka kaya nagalit." Sabi ko pa sa kanya.

Kanina pagkadating ko sa bahay galing sa 'date' kuno daw namin ni Junhoe ay pupunta sana ako dito sa apartment pero dahil na-isip ko na nakita ko sila sa mall ay baka walang tao dito. Kaya lang nung umuwi si Chanwoo na galit na galit ay nagkaron ako ng bonggang bonggang feeling na may masamang nangyari. At ito nga, may masama ngang nangyari. Sinuntok ni Chanwoo ang napaka-gwapong si BI.

Pero ngayon na nakita ko na ng malapitan si BI, mas lalo ko ng napansin na magkahawig sila. Natural ba 'yung brown niyang buhok at 'yung brown niyang mata?

Black na black kasi ang mata ni Hanbin kaya kung black ang mata at buhok nito ay baka pinagsasapak ko rin siya tulad ng ginawa ni Chanu.

'Yung feeling na, galit ka at the same time na-mimiss mo ang isang tao. 'Yun 'yung nararamdaman ko ngayon.

Kaya siguro ganun na lang ako kay Junhoe. Kaya siguro ganun ako makitungo sa kanya, kasi nami-miss ko na si Hanbin.

"Tsk, sinayang ni Chanwoo ang mukha mo." Sabi ko at saka siya nilagyan ng band-aid.

Ang gwapo gwapo sana, nabangasan nga lang.

Hay, Chanwoo! Humanda ka talaga sa 'kin mamaya pag-uwi ko.

"Gusto mong mag-merienda Allison?" Tanong ni Jinhwan.

"Hindi na, kakakain ko lang sa bahay eh." Sagot ko sa kaniya.

"Oo nga pala, nakita ko kayo sa mall kanina. Bakit hindi man lang kayo sumabay sa 'min ni Junhoe?" Tanong ko.

"Bakit, boring bang kasama si Junhoe?" Tanong ni Donghyuk.

"Hindi naman. Pero mas masaya 'yun panigurado kung nandun kayo. Tsaka siraulo din 'tong si Junhoe eh, date daw! Naku!" Sabi ko at inirapan si Junhoe.

"Sus, kinikilig ka lang eh." Sagot niya. Inirapan ko lang siya tapos ay lumingon kay BI.

Bakit ganon? Grabe talaga 'yung ginawa ni Chanwoo sa kanya! Bakit binangasan ni Chanwoo ang gwapong mukha ni BI!? Hustisya please!

"Nagugutom ako mga hyung. Bili tayong pagkain." Sabi ni Donghyuk.

"Oo nga, ako rin." Sabi ni Bobby.

"Tara, tara! Libre ko na kayo. Alis muna kami ah?" Sabi ni Yunhyeong.

"Junhoe ikaw?" Tanong ni Jinhwan.

"Sige, sama ako. Basta libre ah?" Tanong niya.

"Napaka-kuripot!" Sabi ko sa kanya.

"Nalibre ka na't lahat kuripot pa din?" Tanong niya.

"Hala, sige! Umalis ka na. Ang pangit mo!" Sabi ko sa kanya.

"Pasalamat ka maganda ka. Sige, bye!" Sabi niya. Inirapan ko na lang siya pero sa loob loob ko ay feeling ko pati internal organs ko ay nagtatatalon dahil sa kilig.

"Biiiayyyyy!" Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Bakit ang gu-gwapo niyo? Ha? Nakakainis kayo!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Tinamaan ka na ng karisma ko noh?" Tanong niya.

"Hoy, 'wag kang feeling. Mas gwapo si Junhoe sa 'yo." Sabi ko sa kanya.

"Aray ha. 'Yung pride ko, 'yung ego ko. Ang sakit sakit." Sabi niya at umakto pa na nasasaktan.

"Ayan kasi, bawasan ang kahanginan. Pero BI.."

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon