xiii

82 4 4
                                    

BI's

"Pagka-kain nyo umuwi na tayo." Sabi ko at saka nilapag 'yung order.

"Bakit? Selos ka noh? Ey, hyung! Wala pang ginagawang damoves si Junhoe." Sabi ni Donghyuk.

"Alam ni Junhoe na nandito tayo." Sabi ni Bobby. Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya.

"Narinig ko lahat." Sabi niya at tinaas ang phone niya na may text ko.

"Bakit? Anong sabi?" Tanong ni Jinhwan.

"May the best man win."

"Ano!?" (Yunhyeong)

Tumango tango naman si Bobby at saka kumain.

"Nalintikan na, Hanbin. Tinamaan si Junhoe." (Jinhwan)

Napabuntong hininga na lang ako at kumagat sa chicken burger na inorder ko.

Nalintikan talaga.

"Pero hindi tayo uuwi." (Yunhyeong)

"Oo nga. Diba nakita na tayo? Edi panindigan na natin!" (Donghyuk)

"Bilisan nyong kumain ha?" (Jinhwan)

"Hindi nyo ba naiintindihan? May gusto si Junhoe kay Allison. Si Junhoe! Si Koo Junhoe! 'Yung kaibigan natin!" Inis kong sabi.

"Alam ko. Alam namin. Malinaw na malinaw sa 'min Hanbin." (Jinhwan)

"'Yun naman pala eh! Bakit ang kulit nyo?" Tanong ko.

"Bakit ang tigas ng ulo mo? Susuko ka na agad kahit wala ka pa ngang nagagawa? Susuko ka na agad kahit hindi mo pa nasusubukan?" (Jinhwan)

"Alam naming kaibigan natin si Junhoe, at kaibigan ka rin namin. Habang si Allison naman, kapatid ng kaibigan natin. Susubukan mo lang naman, Hanbin. Wala namang masama doon. Ano bang sinabi niya sa 'yo?" (Yunhyeong)

"May the best man win." Sagot ko.

"Iyon naman pala eh. May the best man win! Hindi mo ba naiintindihan 'yun?" (Yunhyeong)

"Hindi sa ganun."

"Ayaw mo lang kalabanin si Junhoe dahil kaibigan mo siya kaya magpaparaya ka." (Bobby)

Hindi ako nagsalita.

"Si Junhoe na rin mismo ang nagsabi. Lumaban ka ng patas, Hanbin. Hindi 'yung papabayaan mo lang na mapunta siya kay Junhoe ng hindi mo man lang sinusubukan." (Jinhwan)

"At isa pa, umamin ka na. Walang kararatnan 'yang pagtatago mo." (Yunhyeong)

"Bakit ako? Bakit ako 'yung kinakampihan nyo?" Tanong ko.

"Anong ikaw lang? Walang kaming kinakampihan, uy!" Sabi ni Bobby tapos ay tumawa.

"Kinausap namin si Junhoe kahapon hyung. Kaya kung tutuusin, mas may alam kami kaysa sa 'yo. Malas niyo lang talaga dahil magkaibigan kayo tapos iisang babae ang pinagaawayan niyo." Sabi ni Donghyuk.

"Aamin ka lang naman, Hanbin. Hahayaan mo ba talagang maagaw ni Junhoe si Allison sa 'yo?" (Jinhwan)

"Anong sinabi nyo kay Junhoe?" Tanong ko.

"Tinanong namin siya kung may gusto siya kay Allison, um-oo siya. Sinabi namin na 'yung tungkol sa nararamdaman nyo. Ang sabi niya, alam nya 'yung tungkol dun. At nangako siya na hindi maaapektuhan ang barkada at ang pagkakaibigan natin dahil kay Allison." (Jinhwan)

"Kaya ikaw, Hanbin. Mangako ka rin." (Yunhoe)

"Nasa'yo ang desisyon kung aamin ka. Pero na kay Allison naman ang desisyon kung sino ang pipiliin niya sa inyong dalawa ni Junhoe. Wala kaming kinakampihan, ang gusto lang namin, maging patas ang laban. May gusto si Junhoe kay Allison, ikaw naman, ganun din. Sa tingin mo ba papayag kami na si Junhoe at Allison ang laging magkasama habang ikaw laging napag-iiwanan?" (Jinhwan)

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon