xviii

50 3 0
                                    

"Bakit ba kasi sa iisang babae pa sila nagkagusto? Pwede namang sa iba magkagusto si Junhoe. O kaya pwede namang wala ng feelings si BI-hyung kay Allison. Pero bakit sa iisang babae pa?" Tanong ni Donghyuk sa mga hyung niya.

"Hindi naman natin masisisi 'yung dalawa. Mabuti sana kung pwede nating ipilit kung sino dapat ang gustuhin ng tao kaya lang hindi talaga." Sagot ni Jinhwan.

"Problema 'to. Nagseselos na si Junhoe." Sabi ni Yunhyeong.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Bobby.

"Pwede bang hatiin na lang ang katawan ni Allison tapos tig-isa sila?" Pabirong sabi ni Donghyuk. Binato naman siya ng unan ni Yunhyeong.

"Seryoso 'to, uy!" (Yunhyeong)

"Sorry na."

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kahit nangako 'yung dalawa, maaapektuhan at maaapektuhan pa rin ang barkada natin." Sabi ni Jinhwan.

"Si Allison lang naman ang makaka-ayos ng lahat. Siya ang pinag-aagawan at siya ang mamimili dun sa dalawa. Siya lang ang makakasagot nito." Sabi ni Yunhyeong.

"Pero hyung, hindi natin pwedeng madaliin si Allison." Sabi ni Donghyuk.

"May gusto ba si Allison kay Hanbin?"

Natahimik silang lima sa tanong ni Bobby. Wala ni isang sumagot. Lahat nag-iisip.

"Alam nyo ang ugali ni Hanbin. Magpaparaya at magpaparaya 'yun." Sabi ni Bobby.

"At alam din natin ang ugali ni Junhoe. Lahat ng gusto niya, hindi niya titigilan hangga't hindi niya nakukuha." Sabi naman ni Jinhwan.

"Kung magparaya man si Hanbin-hyung, paano kung siya ang gusto ni Allison?" Tanong ni Donghyuk.

"Aish! Buhay nga naman oh!" Sabi ni Bobby at humiga sa sahig.

"Kaya nga kailangan nating malaman kung sino ang gusto ni Allison." Sabi ni Yunhyeong.

"Kung sino man ang piliin ni Allison, masasaktan at masasaktan pa rin 'yung dalawa. Masasaktan ang isa dahil hindi siya napili at masasaktan ang isa dahil nasasaktan ang kaibigan niya." (Jinhwan)

"Umamin na ba si Junhoe?" Tanong ni Bobby.

"Nagpaparamdam na, diba?" (Yunhyeong)

"Si Hanbin. Wala yatang balak umamin 'yun." (Bobby)

"Pero mga hyung, hindi dapat tayo kumampi kay Hanbin-hyung. Hayaan natin silang magdesisyon ng sa kanila. Oo, siguro gusto natin si ganito para kay Allison, pero mga hyung.. wala na tayong magagawa dahil sila 'yung may nararamdaman para kay Allison, hindi tayo." Sabi ni Donghyuk.

Natahimik ang lahat. Pero iisa lang ang nasa isip nila. Tama ang kaibigan nila.

"Gusto ko lang kasi ng patas na laban. Pero tama ka, Donghyuk. Malalaki na sila at kaya na nilang magdesisyon para sa sarili nila." Sabi ni Jinhwan.

"Pero hindi ba parang unfair.. na si Hanbin ilang taon ng may gusto kay Allison pero hindi niya sinasabi at hanggang bestfriend lang siya pero si Junhoe, pumoporma na?" Sabi naman ni Yunhyeong.

"'Yun nga rin ang nasa isip ko. Pero wala eh, desisyon rin ni Hanbin-hyung 'yun." Sabi ni Donghyuk.

"Hindi, aamin si Hanbin." Sabi ni Jinhwan.

Napatingin silang lahat sa kanya.

"Sigurado ka hyung?" Tanong ni Bobby.

"Kung darating 'yung oras na hindi niya kakayaning mapunta si Allison kay Junhoe, aamin siya. Sigurado ako dun. Gustong gusto niya si Allison kaya sigurado rin akong gusto niyang makuha si Allison. Pero dahil nga si Junhoe na 'yung katapat niya, pinipigilan niya." Sabi ni Jinhwan.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon