x

73 3 3
                                    

Byeol's

Mabilis akong lumabas ng bahay ng matanggap ko ang text ni Yunhyeong.

"San ka pupunta?"

"Babalik ako." Sabi ko at agad nagtatakbo sa sakayan ng bus.

Naaksidente ang pamilya ni Allison, kasama si Chanwoo, pre.

'Yun ang laman ng text message nya.

Si Chanwoo, ang Mama ni Allison at ang Papa niya. Bakit sa lahat ng maaaksidente sila pa?

Tiningnan ko ang mga parating na bus at agad kong pinara ang bus pauwi.

Dali-dali akong umupo at tiningnan ang cellphone ko kung may text si Yunhyeong.

Ano nang nangyari?

Ilang minuto ang nagdaan pero hindi pa rin sumasagot si Yunhyeong.

Bakit kung kailan nangangailangan ako ng sagot hindi siya nagrereply!?

Nagtext ulit ako sa kanya pero wala akong natanggap na sagot. Halos kalahating oras na ako sa byahe at kalahating oras pa ang itatagal bago ako marating.

Nagtext ulit ako. Nagbabakasakali na may makuhang sagot pero bago ko pa ma-send ang text ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Yunhyeong.

'Yung Papa ni Allison. Wala na siya.

Agad akong nanlumo sa nabasa. Hindi kami close ng Papa ni Allison pero nagkakausap kami kung minsan. Mas close kasi ako sa Mama niya.

Si Chanwoo? Yung Mama niya? Wala kang balita?

Hindi na ulit sumagot si Yunhyeong sa text ko. Maya maya ay nakatanggap ako ng tawag muka kay Bobby.

"Pre, nabalitaan mo na?" Tanong niya.

"Nagtext si Yunhyeong sa 'kin."

"Asan ka? Iyak ng iyak si Allison eh."

"Papunta na ako. Nasa byahe na. Sinong kasama ni Allison?" Tanong ko.

"Si Yunhyeong tsaka yung Tita Jen ata 'yun."

"Ah, sige pare. Paki-bantayan na lang rin." Sabi ko.

"Sige, magiingat ka pauwi."

Pinatay ko na ang tawag at sumandal sa upuan ng bus.

Ganun ba kalala 'yung aksidente at ikinamatay ng Papa niya? Pano na lang si Chanu at ang Mama niya?

Napahilamos na lang ako ng mukha. Napatingin ako sa daan at traffic pa. Bwisit!

Tinext ko ulit si Yunhyeong pero hindi na talaga siya sumagot ulit. Tinawagan ko na rin siya pero hindi siya sumasagot.

Nang maka-ilang ring at hindi siya ulit sumagot ay si Donghyuk na ang tinawagan ko.

"Donghyuk! Si Yunhyeong?" Tanong ko.

"Ah, inaalalayan si Allison. Hinihika yata eh. Hindi na kasi tumigil sa pag-iyak. Kanina pa 'to eh."

Anak ng! May hika nga pala si Allison!

"Tsk, wala ba siyang inhaler diyan? Wala bang umaalalay na nurse? Si Chanwoo? Yung Mama niya?" Tanong ko.

"Tumatawag na si Bobby hyung ng nurse. Si Chanwoo at yung Mama niya, ayos na. Hinihintay na lang na magising. Yung Papa lang talaga niya ang.." Napatigil si Donghyuk sa sinasabi niya at bumuntong hininga.

"Alam ko, Dong.. Alam ko." Mahina kong sabi.

"Sige, malapit na ko."

"Sige, ingat ka hyung." Sagot niya.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon