xvii

51 3 0
                                    

"Tara na, Allison. Sino bang susundo sa 'tin ngayon?" Sabi sa 'kin ni Hillary at hinila na ako palabas ng classroom.

"Nagtatanong ka pa? Kilala mo na kung sino!" Sagot ko sa kaniya.

"'Wag mong sabihing si BI na naman, nako!"

Hindi ako sumagot sa kaniya at tinawanan lang siya.

Malamang sawang sawa na siya sa mukha ni BI. Araw araw ba namang hatid sundo sa 'ming dalawa.

Kung hindi man ay kasama siya ng kung sino mang naka-toka na maghahatid o susundo sa 'ming dalawa.

Ewan ko ba dun sa mga tropa ni Chanwoo. Masyadong pinaninindigan ang pagiging kuya nila at ang pagiging bunso ni Chanwoo. Pati ako inoobliga pa.

"Alam kong si BI 'yung long lost bestfriend mo, pero Allison naman! Namimiss ko na si Junhoe beybe tsaka si Yunhyeong beybe. Pati si Donghyuk beybe! Ilang araw na kayang puro pagmumukha ni BI ang nakikita ko!" Reklamo pa niya.

"Gwapo kaya si BI." Bulong ko.

"Duh? Wala akong pake kung gwapo siya, hindi naman siya ang beybe ko! Uuwi na 'ko!" Sabi niya at bumitaw sa 'kin.

"Teka, hindi ka sasabay?" Tanong ko.

"Hindi. Saka na kapag si Junhoe beybe o kaya si Yunhyeong beybe o si Donghyuk beybe ang susundo sa 'yo." Sabi niya.

Inirapan ko na lang siya tapos ay naglakad na papunta sa gate.

"Allison!"

Agad akong lumapit kay Hanbin na tumawag sa 'kin. Inakbayan naman niya ako ka-agad pagkatawag niya sa 'kin. Ang adik lang eh, di naman ako mawawala.

"Na-miss mo ko noh?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Sa pangit mong 'yan?"

"Wow ah? Ang gwapo mo po." Sabi ko sa kaniya.

"Oo nga. Narinig ko ngang sabi mo kay Hillary kanina." Sabi niya.

"Talaga lang ha? Talaga lang?" Sabi ko at saka umirap sa kaniya.

"Allison!"

Lumingon ako kay Hillary na biglang tumawag sa 'kin.

"Akala ko uuwi ka na?"

"Hulaan mo kung sinong nakita ko?" Tanong niya.

"Hoy Hillary. Anong kalokohan 'to, ha?" Tanong ko sa kaniya.

"Natagpuan ko si Junhoe beybe!" Sabi niya at biglang nawala.

Maya maya ay bumalik siya at higit higit na niya si Junhoe.

"Uy, hyung! Allison!" Bati niya sa 'min.

Nginitian ko siya tapos ay nag-fistbump naman sila ni Hanbin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasi nga, susunduin niya ako. Diba? Diba?" Sabi ni Hillary.

"'Yang mukhang 'yan?" Pangaasar ni Junhoe.

"Maganda! 'Tong mukhang 'to maganda 'to! Ubod ng ganda!" Sagot ni Hillary.

"Oy, gising. Nananaginip ka na naman." Sabi ko sa kaniya.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at tinawanan ko lang siya.

"Tara na? Nagpapabili sila ng merienda. Anong gusto niyo?" Tanong ni BI.

Sumagot naman si Hillary at Junhoe ng iba't ibang pagkain pero nauwi lang kami sa tig-iisang hotdog sandwich. Nagpunta kami sa isang convenience store para doon bumili ng merienda saka kami dumiretso sa apartment.

Hey, It's IKON!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon